Huwebes, Oktubre 20, 2011

mapulang kwento

scene 1. nasa palengke si aling lukring kasama ang anak na si betty. 

"uy anak o ang ganda ng bra, kulay red! at may lace lace pa, naku gusto kong bilhin to. kinse kada tumpok"
...
...
...
"anak bagay ba sa akin? anak? anak? tumingin ka sa akin, o di ba bagay? swak na swak" 
...
...
...
"anak wag mong sasabihin sa tatay mong bumili tayo ng bago kong bra ha, naku magagalit yun! binawasan ko yong pambili ng pagkain ng manok nya" 

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 2. sa pepetsuging mall. itago na lang nating sa pangalan llanas. 

"naku anak ang ganda nung blouse na kulay pula oh. ang ganda ganda tignan! bagay na bagay sa akin yan"
...
...
...
300 po.
250 na lang.
di po pwede eh.
260? baka pwede.
di po talaga pwede eh hangang 300 lang po talaga.
sige 280 kunin ko! 
sige 290 bibigay ko sayo!
...
...
...
"naku anak wag mong sasabihin sa tatay mong bumili ako ng bagong blouse ha. di bale ibibi na lang kita ulit ng bagong panty. gusto mo ba nung may drowing na dora?" 

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 3. sa isang ukay ukay shop.

"anak hawakan mo nga tong pinamili kong saging. titingnan ko lang tong red na sandal."
...
...
...
"anak bagay di ba? 5 inches heel yan anak. ang ganda ganda! kukunin ko to anak, kukunin ko to!"
...
...
...
tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 4. sa loob ng bus.

" anak tingnan mo yong kulay pulang skinny jeans nung ali oh. ang ganda ganda di ba? saan kaya ako makakakita nyan? halika daan tayo ng cubao farmers"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 5. sa cubao farmers.

"ale magkano yang red skinny jeans na yan?"
"ha? pwede bang 250 na lang?"
"wala nang tawad kahit pa tumuwad tuwad ako?"
"ganun? sige kunin ko ng 230"
...
...
...
"anak hawakan mo nga tong supot ng dalanghita."
"anak hindi ba masyadong masikip tignan?"
"naku anak sya nga pala wag mong sasabihin sa tatay mong bumili ako ng bagong pantalon ha? magagalit yun"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 6. sa palengke.

"'nak lika try mo tong red headband"
" o di ba? ang ganda ganda? bagay na bagay sa yo anak"
"magkano?"
"sampu?? pwede bang limampiso na lang?"
"hala di na mabiro, sige na kukunin ko na lang ng sampung piso bigyan mo ako ng dalawa,yong puti at pula"

...
...
...
" o anak sayo tong puti sa akin ang pula. wag mo sasabihin sa tatay mong bumili ako para sa akin ha, sabihin mo sayo lang to."
" o halika na, suot na natin tong headband! ay potah! ang ganda ganda talaga! lika na anak!"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.

scene 7. sa hbc. home of beauty exclusives.
...
...
"anak sasaglit lang tayo dyan sa hbc, may titignan lang ako"
"nakuuu anaaak ito nga yon. ito yong gamit na lipistik ni aleng marta, gustong gusto ko ang pagkakapula"
"anak bagay na bagay sa akin to di ba? bagay sa kisabol lips ko anak, bagaayyyy!"
...
...
"anak wag mong sasabihin sa tatay mo na bumili ako ng lipistik na bago ha. magagalit yun!"

tumango lang ang pobreng bata habang subo subo ang kulay violet na lollipop na pinupunas sa kanyang labi para gawing lipstick.


scene 2A. eksene ni roy, asawa ni aling lukring. araw ng linggo, sa bahay lang at may kinukumpuni sa kabilang kwarto.

pok! pok! pok! 

pok! pok! pok! 

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.

scene 2B. eksena ni betty, yong bata. 

pok! pok! pok! 

pok! pok! pok!

"ang ingay naman ni tatay. kanina pa nya minamartilyo yong sahig naming kahoy"

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.

scene 3. paakyat ng hagdan si betty para silipin si roy na kasalukuyang abala sa ginagawa.

bubuksan ni betty ang pinto. lalangitngit ang kalumaang pinto na gawa sa tabla ng acacia. isusubo ni betty ang hawak na lollipop para sa pagbukas ng pinto.

...
...
...
scene 4. eksena ni roy at betty. ang rebelasyon. 
makikita ni betty si roy. suot suot ang pulang blouse, ang red skinny jeans, at nakalipistik din ng pula, maging ang pulang headband di nakaligtas sa kanyang ama, at habang naglalakad lakad sa gilid ng kama suot suot din pala ang pulang sandalyas kaya nagbibigay to ng kakaibang tunog sa sahig na animoy namumukpok ng pako. pok! pok! pok!
...
...
...
magugulat si roy. gayun din si betty sa kinatatayuan. 

"naku anak wag na wag mong sasabihin sa nanay mo na pinakialaman ko ang gamit nya ha"

umiling lang ang pobreng bata saka sinubo ang kulay pulang lollipop.



end.

Lunes, Oktubre 17, 2011

matabil

nagtitimpla ng juice si manang para sa meryenda ni letlet. and out of the blue nagsalita ang matabil na bata...

"mamaaa...dagdagan mo ng tubig yong juice! masyadong saturated kaya matamis."

nagkatinginan kami ni manang, saka ako nagkamot ng ulo. di ko alam kung saan saan nya napupulot yong mga pinagsasabi nya.

7 years old? come on!

Martes, Oktubre 11, 2011

hindi ba pwedeng?

maaga akong umuwi kahapon. masakit yong ulo ko at nanunuot yong katamaran ko sa buto buto ko. hindi ko alam kung sinusunmpong na naman yong altapresyon ko o talagang sa mga oras na yon e nagliliparan yong laman ng ulo ko.

nadatnan ko sina manang at letlet na gumagawa ng asaynment. may komosyong nagaganap.

"magdodrowing daw po kami ng four-legged animal mama!"

"tapos mo na ba?"

"opo! kinukulayan ko na nga e!"

"sige anak titingnan ko mamaya tatapusin ko lang tong paglilinis ng banyo"

ilang sandali pa.

"maaaaaa! asan yong gray na krayola ko?"

"tingnan mo sa mesa may nakita akong krayola dun"

"nakitaaaaaa ko na!"

"teka ano ba yang hayop na drinowing mo?"

"hippo ma!"

"nu naman yun?"

"hippo mama! hippopotamus!"

"ay leche ano ba yan?"

"picture mo ma! juk juk!"

makalipas ang ilang sandali.

"maaaaa! lagyan mo na ng label, sulatan mo na ng pangalan dito sa papel"

"ano bang hayop yan?"

"hippo nga."

"hipopotamos?"

"opo ma"

"naku anak mahirap yong spelling nun hindi ba pwedeng cow na lang?"

BUWAHAHAHAHAHA.

Linggo, Oktubre 9, 2011

define harassment

Oct. 09. Sunday. 7pm.

may bespidida party na dadaluhan ang inyong lingkod. ura-urada lang. yong tipong hihilahin ka na lang kasi kulang ng guest at sayang naman yong food kaya ikaw ang napili ng magaling mong boss. at dahil sa wala naman akong ginagawa nung tumawag sya e umo-oo na lang ako.

magsuot daw ako ng pormal. putang ina sa lahat ng bespidida party e bakit may kelangang magcomply sa attire? hindi ba pwedeng jeans at tshirt na lang. wala akong choice. maarte yong boss ko kaya pinili ko na lang sundin yong utos nya.

habang nasa byahe ako tumawag sya. mauna na daw ako at dadaanan daw nya si luchi  sandali. okey..okey.. okey... yun lang ang nasabi ko.

imperness sa edsa, sa mga ganitong oras e akala ko heavy traffic. pinagpala ata ako at maluwang ang kalsada kasing luwang ng bunganga ni luchi, kaya naman madali kong narating ang hotel kung saan pagdadausan yong party.

suot ko ang puting polo, black pants at black shoes saka muling tumingin sa salamin, tiningnan ang ayos ng buhok..okey! panalo! ayos na ayos to. sana madaming chiks. lumabas na ako ng cr, oooops dapat pala eh wash room daw ang tawag for formality ang appropriateness. ewan!

paglabas na paglabas ko...isang babaeng nakapulang dress ang pumukaw ng aking atensyon. mga nasa early 20's. seksi. maputi. mala-anne curtis. nagkatinginan kami. ngumiti ako at ganun din sya. hawak nya ang isang kopetang may alak. alam mo yong tagpong parang ang buong paligid e sa amin lang, yong parang humihinto ang lahat ng pangyayari at kami lang pareho ang remarkable sa mismong tagpong yun. yong feeling na parang sya lang at ako tapos hinahangin hangin pa yong buhok nya at ako naman e unti unting palapit sa kanya dala ang makamandag na ngiti. yon! yong ganung feeling. sa edad kong to hindi ko maitatangging kinilig ang betlogs ko. siguro ganun din sya kasi ramdam ko sa kanyang mga ngiting maalindog.

unti-unti akong lumalapit sa pinakaroroonan nya. malamig sa pakiramdam at animoy nasa isang paraiso kami pareho. ako si adan ay sya si eba. tapos yong boss ko yong ahas. hahaha. anyway, ganun nga yong pakiramdam ko. napakagandang babae nya. hindi maitatangging dyosa sya sa aking paningin.

biglang bumilis ang mga pangyayari. fast forward. lumapit ako sa kanya. ngumiti lang sya. at nagwikang...

"waiter! can you bring an extra glass over here!"

pak! as in pak! para akong nabuhusan ng malamig na tubig. pumaitaas yong dugo ko. naramdaman ko yong init ng aking katawan. literal na init.

shit! napagkamalan akong waiter sa suot ko! putang ina! putang ina!( sa isip isip ko.) akala ko gusto na akong kausapin yun pala uutasan lang din! putang inaaaaaaa! (sa isip isip ko)

ngumiti lang ako. saka tumalikod. hindi ko alam kung tama yong ginawa ko pero kung mali man yon, kwits lang.

saktong pagtalikod ko nang masilayan ko yong ahas este yong boss ko kasama yong isang linta---si luchi. agad akong lumapit.

"ay sir poldo bakit ganyan ang suot mo... walang pinagkaiba sa suot ng mga waiters (sabay turo sa kanila). walang ka-disti-distinction! hahahahaha" panlalait nya sabay tawa.

at biglang nagshrink yong confidence level ko.

Sabado, Oktubre 8, 2011

smile

"bahala ka na dyan sa kusina" tanging yun lang ang nasambit ko para otomatikong maintindihan ni manang kung anong ibig sabihin ko. at sa mga ganung klase ng litanya alam kong naintindihan na nya. sya na ang bahalang magluto ng ulam nang ayon sa kung anong meron at sa kung anong kaya nya.

kinuha ko si manang bilang tagapaglaba. hindi para sa kusina. ang totoo nyan e dapat katulong ( verb ito. tagapagbigay ng tulong.) ko sya sa paglalaba at hindi kusinera. responsibilidad ko ang sarili kong pagkain. ako ang magluluto, in short akong bahala sa pagkain ko...yun ang napagkasunduan namin dati. pero dahil may anak syang balahura este makulit e nagpapaluto na lang ako at sabay na lang kaming kumakain ni letlet, sunod si manang.

punyeta ang habang intro!

ganito yon. wala ako sa mood para kumain. so sabi ko bahala na sya kung anong iluto nya. pumasok lang ako sa kwarto ko para manood ng tv. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po porn. hindi po po--. hindi po--- hindi--. hin--. (repeat until it fades)

kumuha lang ako kanina ng biskwit at orange juice saka pumasok sa kwarto.

siguro habang naglalaba sya e iniisip na rin nya kung anong lulutin nya. at eto na nga.

hindi ako maarte. sasabihin ko na hindi ako maarte. alam mo yong omelet na ampalaya, may konting kamatis at itlog...syempre omelet nga di ba? yun yong niluto nya. okey ako sa kamatis. okey din ako sa itlog. ang hindi lang kayang arukin ng taste buds ko e yong ampalaya. lalo na kung masyadong mapait. ewan ko ba, hindi para sa akin ang bitter lalo na ang mga taong bitter.hindi gulay sa akin ang ampalaya kundi deadly weapon,hahaha---yun ang arte.

ang hindi pag kain ng ampalaya ay hindi kaartehan, bilang paglilinaw. kasi may pagkain naman na kinaaayawan mo o di-kinahihiligan na pwedeng gusto ng panlasa ko. tama? trip trip lang, in short.

pagsapit ng tanghalian...ummm nito-nito lang. kita ko sa lamesa ang niluto nya. kung tutuusin marami akong pwede ulamin pero nakakahiya naman kung babalewalain ko yong effort ng taon. saka isa pa, nasa recession ang buong kabahayan. mahal ang gulay ngayon. at naghihikahos na din ako. kaya konting pagtitipid. kita ko agad yong ampalaya sa mesa, ume-smile pa.

so ano pa nga ba ang gagawin ko. pilit kong inihihiwalay yong itlog sa ampalaya. at nung sinubukan ko nang kainin yong buong putahe. putang ina on its highest exponential value,all the way to heaven...ang paiiiiiit! uminom agad ako ng orange juice pero mas lalong pumait. putang ina ulit!

kung andun lang siguro si vincent van gogh hindi nya maipipinta yong mukha ko. kahit ilang buhos ng patak ng maggi savor e hindi malibsan yong lasa ng ampalaya. may aftertaste pa.

pumasok si mamang sa kusina. may tabo pa sa ulo.

"ano ser... masarap ba? hapkok yan para masustansya" bungad nya.

kaya naman pala. kelan pa hinahalf-cook ang ampalaya? buwisittttttttttttt!

smile lang ako. yong smile na punumpuno ng kabitteran sa mundo.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

palitan, ayoko?

yong feeling na...

pinaghirapan mong gawin yong baon mo. yong pagkakahimay ng bawat ingredients, at sundin yong komplikadong paraan ng recipe pero meron at meron kang kaopisinang nuknukan ng kapal ng kalyo di lang sa talampakan kundi pati ang mukha na gustong makipagtrade sa yo ng baon. yong sa kanya nilagang itlog at hotdog. yong sa yo caesar salad , ham and cheese sandwich at may kasamang pangsoup (pot-au-feu de la mer ), saka pala zest-o.

pero sya tong mapilit at hindi makaramdam sa salitang..."pinaghirapan ko yang gawin".  na hindi kayang i-decode ng kanyang utak sa simpleng salitang...AYOKO!

aanhin ko ang itlog at hotdog kung meron naman ako.

Huwebes, Oktubre 6, 2011

when she talks like a jagger

"uy bago na naman cellphone mo? ang yaman mo naman! para saan ba at marami kang phone para magkaboybren? hahahaha!" sabi nung bitch kong kaopisina sa isa ko pang bitch na officemate.

tahimik lang yong pinagsabihan. at patuloy lang sa pagbusisi sa cellphone yong mapang-asar kong bitch officemate.

....
....
....

blah. blah. blah.

blah. blah. blah...

"ang yaman mo talaga! kaso kulang ka nga lang ganda! gusto mo maging frend ko?" patuloy na pang-aasar pa nung isa.

"frend? ummm... sure!!! para naman magkaroon ako ng kaibigan mahirap at feelingera" sumbat sa mukha sa mapang-asar kong officemate.

sabog! hahahaha. natatawa ako habang naririnig ko sila sa kabilang cubicle. may naaamoy na akong cold war.  yong pwedeng i-blog na mahahaba-habang episode. haha

Martes, Oktubre 4, 2011

konting usog pa ho

madaling madali ako kanina papauwi kasi babagsak na naman yong ulan. wala akong dalang payong.sakto namang may jeep na daraan. sumakay agad ako kahit pa fx pa yong madalas kong sakyan okey na rin yong jeep para madali akong makakauwi sa bahay, yun nga lang mainit kasi siksikan ng husto.

buti na lang meron pang natitirang espasyo sa malaki kong puwitan. maayos na ang upo, sa lagay na yon. mga ilang metro lang ang itinakbo ng jeep nang muling huminto. mga sampung metro siguro. hinintuan yong babaeng sasakay, may dalang malaking payong at bag na malaki din, naglayas ata. nasa late 20's na yong babae sa tantya ko. mestisahin pero may pagkakulot ang buhok. singkit. not my type. saka may laman ang tyan. baka nagpacheck-up kasi may malapit na ob-gyny kaming nadaan bago pa man sya makasakay.

sakto namang yong sa tabi ko upuan ang bakante so doon sya uupo. kaso sa liit ng siwang para sa pag-uupuan nya eh sa tingin ko hindi sya magkakasya.

"konting usog lang po at may buntis na uupo" sabi ko. tinginan sa akin yong mga pasahero lalo na yong tinutukoy kong umusog ng konti.

"manong hindi po ako buntis chubby lang po ako" sabi ng babaeng sasakay.

at doon muling dumagdag ang hiya ko sa sarili. bwisit.

master bait

sabi ni Sen. Enrile...

“And the question that bothers me is… Is the sperm alive? Is the ovum of the woman alive? I have consulted doctors and the answer is yes.


The sperm of a man cannot fertilize any egg, not the egg of a whale, or a lizard, or a bird, or a fish, but only the egg of a woman. And neither can the egg of a woman be fertilized by any other sperm except the sperm of a man, so that these two elements must be together to create life. But each one of them has life. There is no question about that because they have mobility: They move; they develop.”

nakapagtataka lang na sa mga ganitong klase ng tao sila pa yong may makitid na pag-iisip. kung pagbabasehan ang konstitusyon ng pilipinas nasa Article II section 12 at Article II section 06 na nagbibigay ng conteksto sa separation ng church at goverment. correct me if im wrong. pero sa aking pagkakaintindi hindi pwedeng magkaintervene ang simbahan sa gobyerno pero sa kalagayan natin ngayon mukhang di nasusunod. kung ano yong pananaw mo bilang kasapi o miyembro ng simbahan wag naman sanang idikdik yong idoloheyihang yun sa gobyerno. i know may impact ang faith pero sa ganitong klase ng usapin konting lawak pa. yong kasing lawak ng nasalanta ng bagyong pedring at quiel.

kung ang pagma-masturbate e masasabing abortion, naku naman halos lahat na rin siguro ng mga kalalakihan e guilty sa abortion. ayun sa pagkakanta ko sa bio genetics ko dati noong nag-aaral pa ako ang sperm ng lalaki ay nabubuhay lang sa maikling panahon ang pagkakantanda ko e nasa 24-48 hours (without ovulation) kaya magkagayunpaman kelangan irelease yong mga namatay nang sperm sa katawan ng lalaki para mapalitan ng mas matibay at mas malakas pang sperms.

atsaka kung abortion ang masturbation what about menstruation?

saka sa mga ganitong klase ng usapin siguro unahin muna nilang asikasuhin yong korapsyon sa pilipinas. matindi na kasi e. yun lang.

Lunes, Oktubre 3, 2011

porque

mag aalas-nuebe na nun ng gabi. punumpuno ang isang fx na kaslukuyang nilalakbay ang kahabaan ng isang madilim na daan sa gitna ng bumabagyong panahon, si pedring. malakas ang ulan. at sa sobrang lakas na sinabayan pa ng malamig na buga ng hangin na nagmumula sa erkon ng fx ay naghahatid ito ng di magandang kalamigan sa katawan ng bawat pasahero. tahimik akong nakikinig sa radyo nang may marinig akong nagsalita sa gawing likuran ng fx.isang babaeng may kausap sa telepono.

"alam mo mare yong anak ni kuya kanor, yong kapitbahay natin...potah bakla pala!"
...
"oo mare, nalaman ni mang kanor na bading ang anak nya kaya pinalayas!"
...
"di ko nga alam e pero matagal na.sayang ke-guapo guapong bata e bakla"
...
"oo nga e. sayang ang kaguapuhan kung sa kabaklaan din lang mapupunta"
...
"malay ko.pero yun nga ang nangyari. nahuli.tapos pinalayas saka...---helloooo mare? hello? hello? hell-oo? hello andyan ka pa ba, hello? hello?" tooot... tooot...tooot.
...

at sa loob lang ng maikling segundo merong isang lalaki ang nagsalita naman sa unahan.

"oo bakla yong anak ni mang kanor. oo matagal na ring bakla yon mula nung pagkabata pa lang."
 ---
"tama ka guapo yong anak ni mang kanor pero hindi porket guapo e hindi na pwedeng maging bakla. at hindi rin nangangahulugang bakla e panget na...diskriminasyon po yang sinasabi nyo"
---
"...at hindi porket bakla e wala nang karapatang gumawa ng tamang desisyon. mali yang narinig nyong pinalayas ako ng tatay ko. nagdesisyon lang akong umalis para maging stable ang lahat. at oo, tama po ang iniisip nyo ako si joel, yong anak ni mang kanor at ikaw po si ate momay yong dakilang tsismosa sa kanto ng arellano."



nakagiginaw na katahimikan.

Martes, Setyembre 27, 2011

tuyo

sa mga ganitong klase ng panahon ang mainam na pag-eeksena ng piniritong tuyo at sinangag na pinartneran pa ng kamatis konting patis at sili. isang napakaespesyal na hapunan sa ilan lalo na ako. matagal na akong di nakakatikim ng tuyo, mga dalawang araw na.haha. pero ang totoo nyan e paborito ko naman talaga ang tuyo. dito kasi sa bahay maliban sa akin eh yong pusa din ng kapitbahay namin ang mahilig sa tuyo. kaya kung hindi ako atakihin ng highblood eh sakit naman sa bato ang aabutin ko.

minsan nagdala ako sa opisina ng tuyo. meron kaming oven toaster. bumili din ako ng mantika sa ministop. kinatanghalian agad kong isinalang yong tuyo sa toaster para iluto. maya't maya pa akala ko sa pantry lang mangangamoy yong tuyo. hindi pala. nangamoy kundi buong floor ng building namin. buti na lang sabado. nagreklamo islash komento lang yong guwardya sa kabilang opisina kaya ko nalaman na abot hangang dun ang amoy.

nung mga oras na yun hindi ko aakalain papasok pala ang boss ko. eh pihikan. ayaw ng amoy ng tuyo. pero with all the composure sa katawan eh masaya nyang tinanggap na nagluto ako, nag smile pa nga eh. pero deep inside alam kong gusto nya na akong ibitin gamit ang takong nyang 5 inches ang haba.

mabalik tayo. si manang at si letlet pala hindi fan ng tuyo. mas fan sila ng tender juicy hotdog. arte?

at bakit ko naisipan gumawa ng entry para sa tuyo. ewan. basta ang alam ko swak na swak yun sa maulang panahon tulad nito.

disclaimer: ako na ang natutuyuan ng utak.

Lunes, Setyembre 26, 2011

good morning sa inyooooo!

antagal kong nawala. sorry naman. bigla ko lang naalala kanina na may blog pa pala ako. para akong sinapak at sinabihang uy kupal may blog ka pa anong itinutunganga mo dyan!

kaya ito kahit wala akong maisip na isulat, magsusulat pa rin ako. ayos din naman pala ano nakakaexercise ng mapurol na utak.

nakikinig ako ng radyo ngayon. may bagyo pala. kaya pala ganito ang bumukas na umaga sa akin paglabas ko kanina.magdya-jogging sana ako kaso yun nga maulan saka ayoko maputikan ang bagong kong rubber shoes. hehe. pero higit sa anupaman mas masarap partner-an yong ganitong klase ng umaga ng isang mainit na kape.

<enter LSS song NESCAFE SWEET N MILD>

"goodmorning sa inyo .sweet and mild ang kasama ko tamis na iyong hatid umaga'y walang pait!"

sa totoo lang kay letlet ko unang narinig yan. kakantahin nya sabay iikot. anumang oras kakantahin nya yan pag naaalala nya. at mas mahaba pang linya ang kinakanta nya, memorize. nalaman ko lang na may ganung kanta pala nung minsang manood ako ng tv. pinalabas yong commercial na yun kaya ko na-confirmed.

pero stick pa rin ako sa kapeng ako mismo ang nagtimpla tsaka dun sa paborito kong tasa. oo may laang tasa para sa kape ko sa umaga. mas masarap kasi magkape pag sa paborito kong tasa. pero wala na sigurong sasaya pa kung kasama ko sya, yong taong mahal ko. ay naku aga aga ang emo emo ko.haha.

minsan pala kahit anong pait ng buhay, o ng kape...pipilitin mong maubos yan, pipiliting malunasan ang mga problema habang mainit-init pa. kasi kung lalamig na mas lalo mong mararamdaman yong pait, yong problema. wag nang patagalin pa kung alam mong sa huli e masusulosyunan rin naman. ganun nga siguro ang buhay but in the end it is still a good morning after all, umuulan man o bumabagyo kelangang tanggapin kung anong ibiniyaya. maswerte ako o tayo na kada umaga kahit anong pait ng kape alteast buhay na buhay tayo. i-enjoy lang yan kasi maya maya darating ang tanghalian at mga ilang oras pay ang pagdapit-hapon naman.

ganun nga siguro ang buhay. minsan matamis. minsan mapait. maswerte ka na kung may krema ka pa kasi ang fundamental na sangkap ng kape na alam ko ay ang mismong kape at asukal saka mainit na tubig. parang buhay nga talaga. nabubuhay tayo nang ayun sa ating panlasa.

Huwebes, Setyembre 8, 2011

buwaya

alam kong ako na ang pinakahuling nakaalam ng balita tungkol dun sa 21-talampakan na nahuling buwaya. anlaki nun. nai-imagine ko kayang kaya at effortless kung sumagpang pala ng isang tao, o kahit ng isang baka pa. ayun sa balita ito na daw ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo. malamang.

naa-amazed pa rin ako kung paano napanatili yong habitat ng mga buwaya sa lugar na yun (agusan del sur) sa loob ng mahabang panahon, kung tutuusin sa unti unting pagdami ng tao hindi malayong nagagambala yong wildlife. nagkakaroon ng thin line between human welfare at wildlife. na-haharass sila sa polusyong o consequence dulot ng global warming, ng expansion, ng deforestation at ang malawakang paggamit ng virgin coconut oil. joke lang yong panghuli.

naisip ko, kung magkakaroon lang ng matibay na programa ang gobyerno para sa wildlife hindi magkakaganito ang mga hayop sa kagubatan. ang kaso mo sa denr pa lang may mga ganid animal na! sa wild life pa kaya?hindi ko alam kung matutuwa ako na nahuli yong 21-talampakang buwaya. stressful tumira sa isang lugar na bago lang sa kanyang mata. lalo pa kaya kung gawing tourist attraction yong kawawang buwaya. ayoko naman sabihin na pakawalan na lang sa wildlife pero kung may matibay na programa lang ang gobyerno laan para sa ganitong klaseng hayop hindi tayo magkakaproblema. may lugar para sa mga hayop at may lugar para sa mga tao, walang pakialaman.

hindi rin ako magtataka na sa ganitong sitwasyon yong mga ganoong klase ng hayop e natututo na ring umatake sa tao, eh kasi nga di ba nagagambala yong habitat nila. at hindi rin ako magtataka na ultimo batasan hangang sa mga mumunting lalawigan eh inaatake na rin ng mga hayop, at sila na rin mismo ang nagpapatakbo, mga nanunungkulang may makahayop na paraan. ang masama pa nito bulag ang pilipino na noon pa may wala ng habitat ang mga hayop sa kagubatan, sirang sira na. lumipat ang hayop sa kapatagan, sa siyudad, sa kongreso, sa senado, sa mga lalawigan, sa bayan...nagkalat sila. nakatatakot.

sabi sa news, may isa pang mas malaking buwayang hindi pa nahuhuli, sa kaparehong lugar kung saan nahuli yong 21-talampakang buwaya.nakagagambalang ewan. pero okey na rin yun kesa sa makaperwisyo pa ng tao. hangad ko lang naman yong mabuting paroroonan kung saan sila ilalagay o ikukulong. harinawa.

ayun sa pagkakaalam ko ang life span ng mga buwaya ay nasa 50-100 years. pero yong kilala kong buwaya buhay na buhay pa rin sa kabila ng pagkakasakit. gustong gusto ko syang masilo, nasa 4'1 talampakan lang naman hindi pa rin mahuhuli. masyadong madulas. maraming kaanib.

darating din ang panahon, liliit ang habitat ng mga buwaya sa lipunan. matagal-tagal pa pero alam kong darating din yun.

Lunes, Setyembre 5, 2011

sana hindi ako magoyo

nag purchase ako ng isang item thru online. hindi naman ganun kamahalan pero kung susumahin mo e ilang burger din yun sa jollibee. binayaran ko thru paypal. alam kong malaki ang chance kong maguyo ako kasi 2days pa ang shipment nung inorder ko. fully paid na ang status. yong item na lang ang hinihintay.

at sa ganitong pagkakataon dalawang bagay lang ang hinihiling ko. una, na sana makarating yong inorder ko. pangalawa, na hindi scam yong nabilihan ko.

sa ganitong punto kelangan kong pagkatiwalaan yong instinct ko. likas sa tao ang mabait, inborn daw yun. nagiging masama lang naman ang isang tao dahil sa environment ek ek.

at kung magagantso man ako, Siya na bahala sa kanya.

sya nga pala, wag mo nang itanong kung ano yong binili ko.

Sabado, Agosto 20, 2011

napanaginipan kita mang poldo

maaga akong nagising kanina. walang pasok. maaliwalas ang umaga. tahimik ang buong kabahayan. wala pang masyadong tao sa labas. nakabukas ang radyo habang himihigop ng isang tasang mainit na kape, isang tipikal na umaga para sa isang tulad ko.

habang pinagmamasdan ko ang labas ng bahay biglang pumasok si letlet, patakbong tumungo sa akin.

"mang poldo! mang poldo! good morning umaga sa yo! "
napangiti ako. "morning na nga, may umaga pa."

naupo sya sa tabi ko.

alam mo napanaginipan kita mang poldo.
talaga? anong napanaginipan mo? numero ba? lika dali tayaan natin sa lotto baka sakaling manalo!
eeeeehhhh hindeeeee kaya! basta napaniginipan kita kasama mo daw ako pumunta tayong megamall.
anong ginawa natin dun?
syempre nag-shopping!
o tapos? anyareh?

nung pauwi na daw tayo, nasa train na tayo (read: MRT) nang bigla kang hilain sa akin ng mga tao. lumalaban ka pa nga daw e. nagulat ako kasi bigla bigla ka na lang hinila nung magbukas yong pinto. kaso malalakas yong mga tao kasi malalaki yong katawan nila di tulad mo (nanlait pa?) tapos ayun... sumarado na yong pinto. ako naman iyak ng iyak. lakas nga ng iyak ko e.

nung parteng yon napangiti ako. answeet talaga ni letlet. pramis hindi ko mapigilang mapangiti. yong tipong ngiti abot gang tenga.

tinuloy nya ang kwento.

...nasa loob ka na nun ng tren at paalis na. ako iyak pa rin ng iyak. malakas na malakas na iyak yong parang pinapalo ako ni mama.
naku malakas nga yong iyak na yon, parang kinakatay na baboy. eh bakit ka ba naiiyak? kasi mawawala na ako?

HINDI!!! naipit po kasi yong kamay ko sa pintuan ng tren. ansakit sakit kaya. nangitim na nga yong kuko.

TOINKS!!! LECHENG BATA.

Ansarap buhusan ng mainit na kape yong bata. akala ko sweet. demonyita pa rin talaga.

Huwebes, Agosto 18, 2011

datkilab

pag gusto ko ng sinigang nagpapaluto ako kay manang. pero di ko alam kung bungol sya o sadyang kinapos ang pang-unawa nya, lang niluluto kasi nya e nilaga. minsan lang naman.

sasabihin ko mamang gusto ko ng sinigang, oramismo maya-maya lang nasa hapagkainan na yong nilaga. pag sinabi ko namang mamang gusto ko ng nilaga ganun din otomatik na maghahain ng sinigang. hindi ko alam kung diverse mag-isip o inversely proportional lang ang hypothalamus nya o may mali lang sa sistema ng katawan nya, pero understood naman.

minsan naisipan kong magpaluto ng menudo, alam mo kung ano ginawa? nagpatugtog ng mga kanta ng menudo kaya pala kung makahalungkat sa cabinet ng mga casette tapes napakawagas! tapos sinabayan pa nya ng sayaw at kanta. buset!

minsan natatawa na lang ako. pero ganun pa man...

happy birthday manang!

Linggo, Agosto 14, 2011

sino kaya sya

dumaan ako ng opisina kanina. naiwan ko kasi yong charger ng buwakinang telepono ko. ayoko sana kaso maghapon naman magiging lobat yong buwakinang teleponong yan.

nasa 21st floor yong opisina.mag isa lang ako...sa buong floor. although alam kong may mga nagroronda na guwardiya pero nung panahong yon eh busy ata kakakamot ng betlogs nila. andaming thoughts akong naiisip, what if totoo nga yong balibalita na may whitelady sa kabilang office, what if totoo nga yong babaeng umiiyak, what if totoo yong babaeng may itim na belo pero wala naman daw ulo, what if totoo nga yong kwentong may kumakalabog sa cr ng mga babae whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!! pero ayoko maniwala dun kasi nasa urban place ako at nasa 21st floor tapos may ganung kwento, weeeeh?

so para mahinto ako sa mga ganung thoughts nagisip ako ng happy thoughs. happy. happy. happy. pero hindi ko pa rin maialis nang tuluyan.naiisip ko kasi yong babae nakikipaglaro ng jack n poy pero wala naman syang ulo.shet.

agad agad akong umalis. kitang kita sa cctv kung irereview yong galaw ko. taranta at aligagang makalabas agad. nasa labas na ako ng opisina namin nang may biglang tumunog. tunog ng elevator. ting!

ayos! may kasama ako! its either papasok sya sa opisina or kasabay ko syang palabas sakay sa elevator. pero atleast magkikita kami sa pasilyo. agad kong ni-lock ang office. saka dali daling umalis. mga 10 seconds din yun.

nung pagdating ko sa pasilyo o hallway, oo tama nga na bukas pa rin yong elevator at may pumindot nung down button pero laking pagtataka ko kung sino yong lumabas kasi wala naman akong naririnig na kumakalampag sa kabilang office para magbukas ng kanilang pinto. nagsimula na akong magpanic. pero okey lang. sabi nga nila...meynteyn! i maintained to be cool as possible kahit may mga butil butil na ng pawis sa noo. at sa aking pagtataka nakabukas pa rin ang elevator. hindi pa sumasara. bago ako pumasok tinanaw ko muna kung may tao nga, wala akong makita. madilim sa parehong opisina na posibleng papasukan nung tao. eh bakit ganun nakared yong button meaning may pumindot.

still, naging cool pa rin ako. cool. cool. cool. the moment na pagpasok ko ng elevator eh saka naman nagsara, para bang ako lang yung hinihintay. agad agad kong pinindot ang ground. nag iisip ako kung bakit nangyayari sa akin to. hindi to totoooooooo sabi ng utak ko, malaking coaccident este coincidence lang to.

nung nasa elavator na ako. ang init ng pakiramdam ko pero anlamig lamig sa loob. napalakas ata ang aircon kako. inayos ko na lang yong sarili ko. pilit pinapanatag ang sarili. nung nasa ground floor na agad akong lumabas. tumungo sa sekyu na nakatoka, tinanong ko sya kung may pumasok ba sa 21st floor maliban sa akin.wala naman daw. hehehe sa totoo lang natakot na ako. alas sais na kasi yun ng hapon. at sa ganung oras di ko mapigilang mag-isip ng kung anu ano.

nung nasa labas na ako ng building saka ko lang naalala na linggo pala ngayon, mahina ang aircon sa elevator pag ganun o dili kaya e pinapatay.eh ano yong lamig na naramdaman ko? hala. pero hayan ko na, nakalabas na ako. tapos nang napansin kong naiwan ko yong plastic kong dala. potaaaah! kako. naiwan ko dun yong charger ng telepono ko. shet. shet. shet to its nth exponent level.

kunyari nagdalawang isip pa ako kung babalikan ko pa ba or hindi pero mabilis ang instinct ko na wag na lang daw baka daw kasi magtaka yong guard kung ano ano ang binabalik balikan ko. haha.

goodluck to me baby!

Sabado, Agosto 13, 2011

hindi ko kinaya

tatlo lang kaming pumasok nung araw na yon, sabado e. may kelangan kaming report na matapos. si tim yong baklang account executive, yong boss kong binudburon ng finesse sa katawan at sino pa nga ba kundi ako.

tahimik ang buong opisina. kanya kanya ng trabaho kanya kanyang toka. abala akong gumagawa ng report nang may marinig ako.

oh my gosh, oh my gosh!!!!!!!!!!!!!! sigaw ni bakla.nasa stock room sya ng opisina para kumuha sana ng dish washing paste.

nagulat ako sa sigaw nya syempre.as in gulat na gulat, sa ganung sitwasyong di mo mapipigilang mag-isip ng di masama, its either natumba sya or natabunan ng mga basang basahan.nagising ang adrenaline ko sa sigaw nya. potah.!pero patay malisya lang ako.pakshet istorbo!

yong boss ko ang aligagang pumasok sa stock room. the moment na pagpihit nya ng door knob napasigaw din ang hitad....

what da fuck! what da fuck! alingawngaw ng bibig ng boss kong cultured kung ituring ng marami,hehe. atleast sosyal pa rin ang pagmura nya, what da fuck!?!

right there and then e agad akong tumayo. nag ala-superman ako! ala night in shining armor. syempre pagkakataon ko na para magpakitang gilas. naaamoy ko ang victory! naamoy ko ang endless thank you! buwahahahaha. pumasok ako ng stock room. pakshet nagulat ako.

anlaking daga, nagulat ako kung pano na lang nag-evolve ang ganitong klaseng peste. halos kasing laki ng pusa. as in. gusto kong magsisigaw din bilang anticipation sa nangyayari at sense of belonging na rin sa dalawa. kaso ang OA naman di ba? patay na yong daga. as in wala nang buhay.

nagulat lang daw sila kung bakit panong nakapasok sa stock room yong daga. sabi ko natural sa pinto.hindi umimik yong dalawa, pinandilatan pa ako ng mata ni tim. inutusan akong ibalot sa plastic at itapon sa garbage.

sinunod ko naman. naghanap ng plastic. kumuha ng broomstick at saka dust span. medyo mabigat syang buhatin gamit ang dustpan kaya sa gitna ng hawak ng hood ng dustpan ako humawak.pinakatitigan ko yong daga kung paanong namatay. bukas yong mata. mahaba yong balbas.ngayon lang ako nakakita ng daga sa urbanidad. mukhang sosyalin. mamumula mula ang paa. nagpafoot spa kaya? hindi ganun kaitiman, tama lang.

saktong ilalagay ko na nang biglang gumalaw yong putang inang daga. nagulat. nataranta. natakot. at gusto kong magmura...potang inaaaaaaaaaaaah! syempre ano ba nga bang ginawa ko e tao lang din ako. sumigaw lang ako, slight lang naman. pramis. shock to death ang lintek.

ending? nalutas ang kaso ng mga taga pest control.

Miyerkules, Agosto 10, 2011

how to cook the dummy 101.

o edi ito na naman. kinati ang pwet ko para maisipang magluto.may napanood kasi ako dati sa potang inang 10-minute coooking show blah blah blah na yan but in reality parang hindi naman.kulang yong sampung minuto.maraming factor.maganda yong konsepto pero parang malayo sa katotohanan.okey okey mabalik tayo, so edi nagluto ako ng soup.sinisipon kasi ako that time so kelangan ko ng mainit na soup. at pag sinabing mainit na soup dapat ako yong magluluto talaga para alam kong mainit nga. :D narito ang paraan ng pagluluto gusto kong ishare sa inyo.

ingredients:

sotanghon
sardinas  na puti. kung sosyal ka mackerel ang tawag.
pepper.
onion.
garlic.
ginger.
1 tangkay ng celery.
asin.
mantika.
tv.
at konting skills sa pagluluto
samahan mo na rin ng konting dasal.

lahat maliban sa huling tatlong nabanggit e nabili ko lang sa sari sari store ni aleng nena, mura lang may libreng tsismis pa. minsan nga libre na yong bawang basta kindat kindat lang.

paraan ng pagluto. syempre pag sinabing bawang, sibuyas at luya isa lang ang patutunguhan nyan I-GISA. pano? dyan papasok ang role ng mantika. magsimula nang magdasal. unahin ang bawang, isunod ang sibuyas at higit sa lahat wag kalilimutang balatan. pag nagisa na. buksan ang lata ng sardinas. pakuluan ng mga 15 minuto sa dalawang tasa ng tubig. habang hinihintay ang 15 minutes pigilan ang sarili sa kakabukas ng takip. nawawala ang aroma. sa puntong ito kabilin bilinang wag bubuksan ang takip ng wala pa sa itinakdang oras. again pigilan ang sarili. wag kang masyadong excited. magdasal ka na lang na nasa tama ang ginagawa mo at tama ang pinapagawa ko sayo. hahahaha.

habang naghihintay buksan ang tv. yes kasama talaga to sa recipe. manood ng face to face. masaya sya pramis. bakit ko to sinasabi? para magkaroon ka ng ideya kung pano mo bubugbugin ang magsasabing di masarap ang luto mo. kung hindi mo trip manood. patayin na lang. sayang ang kuryente, maraming batang hindi kumakain? hahaha.

para naman maging worth waiting ang paghihintay sa 15 minutes. hiwain ang celery nang ayun sa takbo ng stock market. kung hindi mo alam hiwain nang ayun sa kaartehan sa katawan. kung walang arte sa wankata hiwain ng maliliit. kung walang celery at kung ayaw mong kumain ng celery pwede na ang onion springs. again muling magdasal, sana magwork.

add salt and pepper (dont forget to spring some on your shoulder for good luck, naks) ayun sa yong panlasa.

fast forward. ilagay na ngayon yong binabad na sotanghon. isunod ang celery kasabay ng pinitpit na luya. isabay mo na rin yong mga frustrations mo sa buhay. bitterness at daldalera mong kapitbahay. muling takpan sa loob ng 5 minuto. another round for pray.

pag kumulo na. optional kung kakainin mo agad. kung patay gutom ka, go lantakan na! kung may konting finesse ka pa sa katawan ihango ang noodles para hindi iabsorb ng noodles yong soup. i-serve ng magkahiwalay. higupin ang soup. ipakain sa aso yong noodles. joke. wag kalilimutang mag-usal ng dasal bago kumain.

yun lang. salamat.



alam ko sasabihin mo asan yong soup. nakalimutan ko kasing ihango. kaya naabsorb ng lintek na noodles yong sabaw. pero im thinking din na baka masyadong talipandas at malikot yong water molecules ng soup kaya tumakas. nag-evaporate. 

enjoy! this post is brought to you by magic sarap.

Huwebes, Agosto 4, 2011

talaga?!?

kausap ko yong kapitbahay kong daldalera. nakita nya kasi akong inaayos yong halamanan sa harap ng bahay para di malunod dahil sa sobrang buhos ng ulan.
mamita ang tawag ng marami sa kanya. isa syang kilalang sidewalk vendor sa palengke. halos dalawang dekada na sya sa kanyang trabaho pero nakikipaghabulan pa rin sya sa mga nanghuhuli sa palengke.
sa kanya ako bumibili ng tawas at ng mothballs.

mamita: anlakas lakas ng ulan. kahit gustuhin kong maglako wala rin atang bibili.
MP: magtinda ka na lang ng mainit na sopas saka champorado, naku bibenta yon.
mamita: ayoko, masyadong matrabaho. saka malulugi ako pag nagkahabulan na.malulugi ako nun.
MP: oo nga.
mamita: nanganak pa naman si julie kahapon, yong panganay ko. kelangan ko ng pera.
MP: yong panganay mo? e di ba nag-aaaral pa yon sa high school?
mamita: oo, maagang naglandi ang gaga. hahahaha. (sabay tawa)
MP: (nagtaka, wala namang nakakatawa sa sinabi nya, ikinatuwa nya?) ano ang anak?
mamita: okey naman. (ayan na, ikinagulo na ng utak nya ang kanyang pagtawa)
MP: babae ba? o lalaki?
mamita: lalaki. ang kyut kyut nga e.ang liit liit ng mukha.(sabay ngiti)
MP:  ????

biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

mamita: yun nga ang problema ko e, kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital.
MP: yong ama ng bata, wala bang trabaho?
mamita: naku yong ama ng bata mahirap lang yun.
MP: maka-mahirap ka naman dyan parang ang yaman mo.
mamita: (sabay tawa ng malakas)

narinig ni manang yong tawa ni mamita. papalapit bitbit ang isang tabo at timba.
mamita: uy kumare anjan ka pala. nanganak na yong inaanak mong si jennifer. putragis ang guapo ng bata.
manang: (over excitement) ay talaga!!!! anong anak, lalaki ba o babae? ilang buwan na?!?
.....
....
...
..
mamita: si kumare talaga, mahilig magbiro!

hay naku manang adik ka talaga.

Sabado, Hulyo 23, 2011

loser ako

may ilang mga bagay na kombi. combination ika nga. at meron namang hindi binabagayan.

nung nakaraang lunes. niyaya ako ng isang kaibigan na uminom. so since matagal nang hindi nagiging masokista ang aking liver (liver??? naks english ampotah) eh sumama ako para makipaginuman. dala ng kanyang malaking problema kaya sinamahan ko na rin sya. sympathetic ako alam mo ba?

nung nakarating na kami sa bahay nila. eh nagpahanda sya ng pitsel at malamig na tubig. ang akala kong beer na titirahin e hindi pala. emperador. hindi lights. hardcore ang magiging drama. dalawa lang kami. dalawang atay ang  parehong masisira. sabi ko wala na bang iba? sarado na daw kasi ang tindahan na malapit at keri lang yan pre aniya. (nag pre pa talaga sya ah).

tapos nung nilabas nya yong pulutan. napaputang ina talaga ako. isa platitong butong pakwan. good combination? hindi. kasi pagtungga mo na yong alak tapos saka ka palang magbabalat ng potang inang butong pakwan, isang malaking epic fail yun. try mo?

napapaluha ako sa tuwing lalagok ako ng alak kasabay ng pagbalat ng butong pakwan. hihingi na lang sana ako ng kanin kahit bahaw man lang kaso wala na daw. talaga madibdibang inuman. nagsuggest akong balatan kaya muna namin lahat ng butong pakwan saka kami tutungga ng alak? ayaw daw nya. waste of time daw.

potang ina. sya lang ang nakainuman kong walang pakialam kung may pulutan man o wala basta may tubig talu talo na. di ko talaga kaya. alas onse pa lang suko na ako.

maya maya pa naririnig kong umiiyak sya. di dahil sa di ko nadamayan sya sa kanyang problema kundi tinulugan ko lang daw sya.

sya nga pala maliban sa nalasing ako. naramdaman ko ding namamaga na yong labi ko na lasang maalat alat pa.

Lunes, Hulyo 11, 2011

frustrated...

that awkward feeling, when you're peeing and had smacked the throne at your best but your potoytoy produces two springs, the other is hitting the right place, gracefully. while the other did not make it any better. how frustrating it is. and worst, nakikiihi ka lang sa kubeta ng OC mong kumare. shet.

things i should learn, opposition matters and because it matters, learn to get used of it.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

dmp: happy feet

dear mang poldo,

may problema po ako. kasi po madalas magpawis yong pareho kong paa. at pag sinabing pawisin, meaning parang gripo o parang bukal lang. although wala naman syang amoy pero hindi ako komportable e lalo na pag may lakad ako. hindi ko tuloy maisuot yong tom shoes na iniregalo sa akin ng kuya ko nung birthday ko. isinuot ko kasi sya minsan, eh ayun wala pang dalawang oras basang basa na ang sapatos. frustrated talaga ako lalo pa nung malaman kong dyapeyk pala yong sapatos, nagfade kasi yong kulay matapos mapawisan.

kaya gusto kong itanong kung anong lunas sa problemang ito.

salamat nang marami,
boy lapot

kasagutan:

boy lapot,

mas okey na yong parehong paa ang pawisin kesa naman yong isa lang, yong isa tuyo yong isa basa. mas uncomfortable naman yun di ba?saka di hamak na mas maswerte ang paa mong pawisin, yong kaibigan ko nga sa singit mas pinapawisan. take note, babae yun. kulang na lang lagyan nya ng scotchbrite foam yong singit nya, tapos pipigain na lang nya.shet. magsuot ka na lang ng makakapal na medyas pero presko.

anyway, ayun sa nabasa ko hormonal daw yan. di ko lang alam kung imbalance o ano basta something to do with your effing hormones. kaya sisihin mo yang hormones mo.wag yang mamasamasang paa mo.

magpakonsulta ka na lang muna sa espesyalista. wag ako.

salamat,
mang poldo
mangpoldo@gmail.com

Lunes, Hulyo 4, 2011

dmp: tigyawat issues

dear mang poldo,

ako po si nerissa, dalawapu't apat na taong gulang. nakatira sa bahay ng magulang minsan sa bahay naman ng kaibigan. may isasangguni po ako sa inyo. mula po nung bata ako hindi na ako tinantanan ng tigyawat. kung anu ano na ngang gamot ang naipahid ko po e, kulang na lang pati semento ang kaso ganun pa rin po, lubak lubak at patuloy na tinutubuan ng tigyawat.

isa po akong aktibista, at madalas pong ginagawang halimbawa ng kapwa ko tibak ang aking mukha. pag nasa rally po kami, madalas nilang speech ay ganito..." tingnan nyo ang mukhang to, halintulad sa mga proyekto ng gobyerno! walang substance at laging napapalso, kulang sa pondo kaya ang kinahihinatnan...lubak lubak na proyekto!" sabay turo sa mukha ko. hindi ko alam kung compliment o pang-iinsulto pero tinatanggap ko na lang na biro. andun na e. may magagawa pa ba ako.

kaya ang hinihingi ko lang po ng sulosyon e kung paano mabawasan ang mga tigyawat ko sa mukha.

i-want-to-be-pimple-free,
nerissa 


kasagutan:

nerissa,

alam mo naniniwala ako na ang kapalaran ng isang nilalang ay hindi sa palad kundi sa mukha. ito ang tinatawag na face reading sa astrology. anong konek? wala lang. nabanggit ko lang. yan na talaga ang tadhana para sayo. hahaha. joke lang. in serious note, pwede mong pagkakitaan yan, dyan mo makikita ang constellation. pwede ka manghula gamit ang mukha mo ayun sa ayos ng mga bituin (read: tigyawat). tama? pero maliban dyan ito ang ilan sa aking mga maipapayo.

una, kumuha ka ng pentel pen. maglaro ka ng connect the dots. napakasimpleng libangan pero brainstorming.
sekand, kumuha ng itlog, yong fresh. hatiin sa dalawa. itapal ang egg yolk sa nagmamantikang mukha hangang maluto. panatilihing buo at firm ang egg yolk.wag kalilimutan ang asin bilang pampalasa.

pangatlo, sipat sipatin mo kung ano nga ba ang kakulangan sa yong katawan, i mean sa diet. baka napapasobra ka pagkain ng matataba. iwasan ito. nagiging sanhi yan ng highblood, na sya namang aatake pag nakikita mo ang yong mukha sa harap ng salamin.

pangapat, matulog ng sapat. kung maaari gawing sampung oras ang pagtulog. para naman mababawasan ang oras ng pag-aalala mo sa yong mukha.atleast, wala kang eyebags.

panglima, mag-isip ng alternatibong paraan sa paghihilamos. sabi ng lola ko mainam daw ang maligamgam na tubig. but since that more than three decades ago, may changes syempre. gawin mong kumukulong tubig ang panghilamos mo. try mo. di ko sure kung effective. kung effective man, text mo ako.

pang anim, ang kagandahan ay nasa panloob na anyo.wala sa panlabas. kung feeling mo maganda ka, edi dun ka. pero sa lagay mong yan... hahahay... gudlak na lang. 

sana nakatulong ako,
mang poldo

Lunes, Hunyo 20, 2011

ano na lang mukha ang ihaharap ko?

antagal kong nawala. sabagay wala namang nakamiss sa akin. ano bang nangyare?

marami.

as in marami. pero ganun pa rin, si letlet makulit. si manang bungangera pa rin. sya nga pala, nag-aaral na si letlet.kelan lang, noong independence day. linggo yun. may homework sya, bukas na daw kasi ang pasahan. nagpatulong sya sa akin kung paano gumawa ng philippine flag. first time daw kasi nya, kelangan nya ng moral support. natuwa agad ako, sa katunayan mas excited pa ako kesa sa kanya.

kinailangan naming kumuha ng patpat. dali dali akong pumunta sa likod ng bahay para manghagilap ng patpat, yong kawayan. sakto may nakita ako. tapos kumuha din ako ng ilang art paper at glue.

una hinati ko muna yong stick hangang sa gitna, saktong yong lateral view lang ng papel. besing besi ako sa homework nya habang sya e nanonood lang ng tv, nakataas pa ang paa.

"mang poldo kaw na bahala dyan ah.gandahan mo"

sinimulan ko ang paggupit. saka dinikit yong asul na art paper, yong pula at yong araw, saka yong bituin din pala. kinakabahan akong ewan pero alam kong tama naman ang ginagawa ko.

habang pinagkakaabalahan kong gawin ang asyanment nyang flag, kinukwento ko din kay letlet kung gano ako kagaling noong nag-aaral pa ako nung nasa edad pa nya ako. wala syang naririnig, busy sya sa panonood.

makalipas ang ilang minuto, natapos ko din. shet moment of truth. pinakita ko kay letlet ang gawa ko. ngumiti sya. ibig sabihin, maayos ang pagkakagawa.ayos na yun! niligpit ko ang mga pinagguntingang art paper saka niligpit ang mga kalat.

pumasok ako ng kwarto para sana maligo, kaso nasa hagdan pa lang ako narinig ko nang naglilitanya si manang, papalapit kay letlet.

"letlet, ano ba tong ginawa mo?!? bakit yong pula nasa itaas, at kelan pa naging pink ang red? kelan pa naging apat ang rays ng araw? hindi ka ba nakikinig sa titser mo? eh pano, puro tv yang nasa isip mo"

pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ko, agad kong sinara ang pinto.

BLAGHH!

hiyang hiya ako sa sarili ko.

Sabado, Hunyo 18, 2011

quote

"Dont underestimate the power of stupid people in large numbers" sabi? 

Sabado, Abril 2, 2011

april fools day

paksyet! nagsimula ang unang araw ng abril na mainit ang ulo ko na sinabayan pa ng nagiinit este mainit na katawan ko dahil sa sinat. nasa opisina na ako nun para magsimulang magtrabaho at gawin yong nakapending na paper works na iniwan ng damuhong katrabahong umabsent dahil ipapabakuna daw yong alagang aso sa vet, makatarungan? hindi. dumadag pa sa init ng ulo ko yong magkasalubong na kilay ni luchi (sya yong katrabaho kong may edad na na nagpapansin sa akin, saka ko na ikukuwento), naiirita lang ako sa kakikayan nya na hindi bumagay sa edad nya, sana nag aerobics na lang sya.

mainit ang ulo ko dahil pinatawag ako ng boss ko ke-aga aga. mali daw yong report ko na kesyo kulang blah blah blah. pinapaulit sa akin yong limang araw kong trinabaho, at pinapasubmit sa akin at the end of the day. himala? potakels.

paglabas ko ng kuwarto, ayun.. april fools lang pala. sinong matutuwa? ke-aga aga ganun ang ibubungad sayo. at ang tanda lang namin pareho para maki-jam sa hype ng araw na yon. sinong walang bait sa sarili. sya? yong boss kong sakang na may malaking bewang.

so bumawi ako. naisipan kong kelangan may sweet revenge.

matagal ko nang kinabubuwisitan tong si luchi. napadaan ako sa desk nya. wala sya. kumekerengkeng na naman. gumawa ako ng note, sticky note to be exact. nilagay ko sa monitor ng pc nya.

KUMEKERENGKENG KA NA NAMAN. SEE YOU AT MY OFFICE @11AM, TOGETHER WITH YOUR MONTH END REPORT, RESEARCH WORK AND YOUR VIRGINITY. OOOPPS DONT FORGET ALSO YOUR COCONUT SHELL.
-WITH ALL DUE RESPECT, BOSS MIA.

ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila pareho. buwahahaha.sakto magla-lunch ako ng mas maaga sa alas onse para di ko maabutan ang kalbaryo ni luchi.

at dahil pinagpala ako ng malokong utak. nagprank call ako sa isang kasama din.

hello? miss tintin, ano tong double debit na nangyari sa account ng client? mali ata ang ach mo.
ha? pano nangyari yon? magkano ba yan?
dalawang 500 dollars lang naman, kayang kaya mo bayaran.
weeeeh? di nga? (ayaw pa kuno maniwala)
oo.lumabas sa report ng accouting. lagot ka nito kay maam.
ha? pano ba nangyari? a-- an- anooo ba pangalan nung client? (this time nanginginig na sya)
ah nakalimutan ko na e. nabanggit lang kasi ni earl sa accounting department. terror pa naman yon.
naku pano yon? pano ko mababayaran yon e kelangan ko pa naman ng pera.
(pilit kong di tumawa kasi sa totoo lang nanginginig na talaga sya sa kaba)
ano bang pangalan nung nadouble debit?
ah ano.. ummm.. APRIL...
last name?
F-O-O-L...
ano?
fool.
ano na ulit?
april.
yong last name.
fool nga. ep-ow-ow-el. sulat mo kaya.
joskolord pano ba to. lagot ako kay maam nito.
(hindi pa nahahalata ng gaga)
o sya sige, kitain mo na lang yong baklitang si earl para sa excuse mo. hehehe.
salamat po kuya ah. (at nagpasalamat pa)
ok. (sabay baba ng telepono at... buwahahahahaha)

at nagsimula na akong magprank sa iba. sa mga kaibigan. dating kaklase. kumpare. kapitbahay. kakilala. at oo... ako na tong walang bait sa sarili.

Lunes, Marso 21, 2011

nang lumindol

lumindol daw kanina. kasarapan ng tulog ko. galing ako ng opisina, maagang umuwi at inatupag ang kama. oo may bago na akong trabaho. kaya busy ang lolo nyo. so yun, lumindol daw ng magnitute 5.7 daw. medyo malakas lakas na yon kung iisipin. pero wala akong kaalam alam na lumindol at niyanig ang lupang kinatitirikan ng bahay ko.

marami akong naisip na pwedeng mangyari kung magkaroon ng lindol, magpapanic lahat ng tao or worst e gumuho yong lupang kinauubabawan ng bahay ko. heto ang ilang senaryo na ayaw kung mangyari.

nakabrip akong matulog. kasarapan ng tulog ko ng magkaroon ng lindol. magugulat ako syempre at imbes na magtatataka ako kung anong nangyayari unang papasok sa isip ko e ang lumabas ng kwarto at magpapanic.magtatakbo. hindi ko maiiisip ang cartoon character kung brip, spongebob...yong nakasmile!

nasa kalagitnaan ako ng 'pagpapaligaya-sa-sarili' nang biglang lumindol. at a ng galing lang tumayming dahil ilang inches na lang e peak na, climax na. mapapasigaw ako nang di ko alam kung anong matibay na rason sa dalawa, dahil sa lindol o dahil sa kakaibang ligaya. at ang bad ko lang talaga, if ever katapusan na ng earth at sarili ko pa talaga ang inaatupag ko. nasa oras ng delubyo kung anu ano tong pinaggagawa ko.hindi ko alam kung anong unang tatakpan ko, yong pototoy ko o yong ulo ko.

same scenario din habang nasa kubeta naman ako. jumejebs. ilang ere na lang e tuluyang lalabas na. nang biglang lumindol. hindi ko maimagine, mapuputol ang landas ng wala sa oras. hahaha.

nasa kalagitnaan ako ng panonood ng porn. nang biglang lumindol. hindi ko talaga alam kung anong unang gagawin ko. hindi ko alam kung anong sites ang unang iko-close ko. dyahe naman kasi if ever magkaroon ng search and rescue tapos makikita yong computer ko na nakasindi punong puno ng tab ng pornsites.

at teka, parang lahat ng senaryo na ayokong mangyari e parang hindi maganda. at ang dumi dumi kung iisipin. assurance ko na ba ito na gagawi ako ng impyerno kesa sa heaven? nooooooo!

back to reality tayo, kung magkakaroon pala ng pagguho dahil sa lindol  habang natutulog at sa kasawiang palad e minalas ako ng konti, mamamatay pala akong walang kaalam alam. ayoko ng ganun. gusto ko aware ako. may social awareness. nagtatakbuhan na ang aking mga kapitbahay, ako ayun nakangiting sarap na sarap sa pagtulog. dyoskoporsantosantisima.

Lunes, Marso 7, 2011

ano daw nangyari?

ilang araw ko na tong nararamdaman. masahol pa sya sa libog na palagi kong kinaaayawan. Ehe! gusto ko sanang supilin kaso ang kati kati lang. mukhang susuko na ako.

ganito pala ano, hindi lahat ng oras meron ka laging tinapay na pwede mong i-offer sa iba. hindi pala lahat ng oras pwede kang magbahagi ng kapirasong kwento ng buhay mo kahit nabigyan ka na ng malawak na oportunidad para magkwento at maglibang.

hindi lahat ng oras nasa kamay mo kasi hindi porke may orasan/relo ka sa kamay hawak mo na ang oras.

kasi ano, umm..kasi sa totoo lang tinatamad na akong magblog. ewan ko lang kung contagious ba to o self replication lang tulad ng dati. nakawawalang gana lang kasi.

nitong huling araw panay ang blog hop ko. kumukuha ako ng ibat ibang ideya na pwedeng iblog, kaso yong ibang blogs na madalas kung tambayan e natitingga na rin. hiatus mode ang mga potah.

nawawala din pala ang drive mong magsulat. kelangan mong magpagasolina para umandar ulit ang naoverheat mong utak. o dili kaya magchange oil para umarangkada ulit ang blog drive.

wala akong masyadong maikwento sa ngayon. maliban sa naisipan kong magdiet at nilagang mais ang ginawa kong accessory ng kahibangan ko. dalawang araw na sunod sunod na kain ng mais. dalawang araw ding sunod sunod na nagtatae ako dahil sa pesteng mais na yan. ginawang grinder lang ang sikmura ko. mga walang hiya! pero syempre ayoko ikwento yun dahil dyahe, ano na lang sasabihin ng mga frendssssss ko.

basta, kung mangyaring napadpad ka dito at ito pa rin ang entry ko. isa lang ang ibig sabihin nun. ultimate bummer na talaga ako. me aangal?

Martes, Marso 1, 2011

masarap ang kikiam

papunta ako ng palengke kanina nang maispatan kong naglalaro si letlet sa labas ng bahay. tinawag ko sya para ayaing samahan ako. bibili ako ng gamot ko sa ubo at mauulam kinabukasan.pumayag naman sya.

habang nasa daan. may nakita akong nagtitinda ng itlog ng pugo. inaya ko syang kumain. ayaw daw nya. nung nakalimang itlog na ako, humingi sya ng isa para tikman. nakatatlong itlog na sya nang sabihin nyang masarap pala. hangang sa parehong nakalima pa kami.

after naming kumain nun, bumili ako ng buko juce. tig-isa kami. uminom naman sya. habang umiinom nakita namin yong nagtitinda ng baka baka. yong atay ng kalabaw. pero baka baka ang tawag ko dun.

tinanong ko sya kung alam nya ang tawag dun. "we call that street foods" pagpapaliwanag nya.

tinanong ko sya kung kumakain sya nun. hindi daw. nakakadiri daw tingnan. hinayaan ko na lang. kumain ako ng limang piraso.nakatingin lang sya sa akin. pinapatakam para magustuhan din nya. at di nga ako nabigo gaya kanina nagpabili din. nakalimang stick sya bago nya nasabing masarap pala.

pagkatapos naming kumain saka kami dumeretso sa mercury drug. nung nabili na namin yong gamot, dumaan muli kami sa nagtitinda ng mais. bumili ako ng tig-isa kami. saka bumili ng kikiam at fishballs. ngatngat. ngatngat. ngatngat.

pagkauwi namin, masayang nagkwento si letlet.

mama! mama! kumain kami ng street foods!
at sinong nagsabing kumain ka nun?
*inginuso ako ni letlet*
eeehhhhh uminom naman ako ng yakult kanina e,mamatay naman ang germs dun! wika ni letlet.

di na ako tumingin pa sa kanila. umakyat ako ng bahay ng dahan dahan saka tinakasan ang krimen na nasimulan.hindi ko napagtanto, bawal palang kumain si letlet nun kasi nagkasakit na sya dati sa pagkain ng fishballs.

at napagtanto ko ding napakalaking Bad Influence sa bata. Okey lang masarap naman ang kikiam. :D

at habang ginawa ko ang draft ng post na to, naririnig ko yong mag-ina, nag-aaway.

itutulad nyo ba ako sa mga taong nagugutom! napakaunfair nyo! hulaan mo kung sino nagsabi nyan.

Lunes, Pebrero 28, 2011

saan nagsimula ang sr. pedro

once upon a time, merong isang taga bantay sa isang palasyo na ang pangalan ay san pedro.
sabong ang libangan ng guwardiya-sibil na ito. pag-aalaga ng manok na tandang ang ultimate hobby nya, pangalaawa na lang ang pagpe-facebook.

sa kanilang palasyo, meron isang bahagi ng lupa na inilaan lamang kay pedro, tinwag nya yong breeding ground.

at sa breeding ground na yon lahat ng manok na hindi umabot sa standard ay rejected. iniipon at isolated sa mga good ones. nilalagay sa isang malaking truck saka ipapatapon sa isang pit. pinapatapon sa impyerno. sinusunog.

at doon nagsimula ang sr. pedro. ang lechong manok na masarap kahit walang gravy. tamaaaah!

ang alamat ng sr. pedro, bow.

Linggo, Pebrero 27, 2011

senyales

signs na tumatanda ka na.

masakit ang kasukasuan.
nahihilig sa mga bata. nakikita mo kasi sa kanila ang sarili mo nung bata ka pa.
nagiging health conscious.
nahuhumaling sa usapang politika, o anumang bagay na makapagbibigay ng opinyon.
bawal ang pork. (naknampotah)
bawal ang beans.
hinihikayat ng kapwa matatanda na umattend ng prayer meetings. (for goodness salvation???)
masyadong inu-opo. (yes po)
nanlalabo ang paningin.
laging may discount.
ibinibili ng sustagen premium.
maagang nagigising.
laging masakit ang likod.
hindi na tinitigasan...ng damdamin. (magpatawad)
gusto lagi may family reunion.
nagsisimula nang maginquire sa mga insurance.
napapatawa minsan pag may naaalalang pangyayari noong bata pa.
nahihilig nang manood ng tv. wala daw kasing entertainment package sa kabilang buhay, maliban sa sabungan ni san pedro.
mas gugustuhing nasa loob ng bahay kesa mamasyal. (totoong rason mausok. hinihika)
hindi maintindihan ang mood, minsan iritable minsan masayahin.
makakalimutan.(its a fact, and its a fuck)

oh well...

Sabado, Pebrero 26, 2011

may pag-asa pa

kagagalign ko lang ng selebraston sa edsa. wala naman akong nakitang interesanteng bagay na kukuha ng atensyon ko maliban dun sa matandang lalaking may kalong na gitara at kumakanta habang nanghihingi ng donasyon sa mga dumaraan sa overpass, yun lang.

naisip ko ilang edsa revolution na kaya ang natunghayan at nasaksihan ng matandang to. at naramdaman ba nya ang pagbabago na hinangad ng mga naki-edsa? may nagbago ba sa buhay nya? kung meron man bakit ganun, nanlilimos pa rin sya?

kanina, ginawang komersyalismo ang selebrasyon. nandyan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, mula sa pagkain hanggang sa anik anik na pansabit sa telepono. nandyan yong nagbibigay ng flyer ng condo. nandyan yong kwek kwek, itlog, balut, pinoy este penoy at mani.

ewan.

pero kahit papaano, biglang nagbalik sa akin ang alaala ng edsa revolution 1. bigla kong naramdaman muli na isa akong pilipino sa hirap at ginhawa. nagnanais pa rin ako ng pagbabago.

may pag-asa pa naman di ba? hanggat nabubuhay yong matandang kumakanta ng bayan ko. hanggat may espasyo pa ng barya sa kanyang lata, may pag-asa pa. hanggat kuba pa syang nabubuhay, may pag-asa pa. ganun din ang pilipinas, at ang pilipino, may pag-asa.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

wrong sent

nagpaload ako kanina. pumunta sa malapit na tindahan. at sa lahat naman talaga ng panahon, naitadhana pang nakasimangot at masungit si ate tilda.

ate paload ho.
(hindi sumasagot, abala sa pagtetext habang kusot ang noo)
ate paload ho, globe at smart. pag-uulit ko.
pakisulat na lang dyan sa papel.magkano? (pasigaw nyang sabi)
terti terti ho. (sabay sulat sa papel ang numero)

wala ata sa mood si ate, pilit kong inunawa kasi baka may regla lang yong matanda. nasa edad singkwenta na nga pala sya. pahabol kumbaga. hahaha

nagbayad na ako saka umalis. nagtataka lang talaga ako kung bakit ganoon na lamang ang mood nya, samantalang pag nakikita ko sya masayahing matanda. laging nakangiti kahit tatlo na lang ang iping natitira.

maya maya lang nakatanggap ako ng text...

WAG KANG MAG-ALALA PINADISPATYA KO NA.SIGURADONG PATAY YUN.

wrong sent! nagulat ako sa nabasa ko. maliban sa barkada ko iilan lang ang nakakaalam ng number ko. mas may silbi pa nga ang email sa akin kesa sa telepono. kaya malaking pinagtataka ko lang kung kanino galing ang text na yon. malakas ang kutob ko kay aling tilda galing yun.

ang tanong, tama lang bang hindi ko reply-an ang text, hindi ba kabastusan yun? gusto ko sanang sabihing...ChUReEH PoWH,,,WRoNgH ChEnt Fuh KaUyOw. T.T

Lunes, Pebrero 21, 2011

maligayang bati

bago ako grumdaweyt sa highschool nagkaroon muna ng bonding ang barkada. isa pa birthday ng isa naming kabarkada. apat lang kaming nagpakasasa sa alak nung time na yon. wala yong iba, nagpakabanal.

ang venue sa bahay ng isang kabarkada din. at ang kwento, magsisimula dito.

itago na lang natin ang bida sa pangalang lito. hindi kasing vocal katulad namin tong si lito. pero may angkin syang talino, inshort kinuha namin  sya para maging brainy sa grupo.

one time, napagdiskitahan naming manood ng porn sa bahay nila lito. ang alam naming tahimik at refined na si lito e marami palang kabalbalan na koleksyon ng betamax. mga classic porn. nagulat kami. tinaob ang SALAT part 2.

out of curiosity (again) nanonood kami. akala namin yong isang barkada namin ang bihasa sa ganitong bagay, di pala dahil maliban sa pagiging academically inclined nitong si lito e ganun din pala pagdating sa kababuyan. hahaha.

habang nanonood kami. since mga bata nga, hindi ko mapigilang kabahan. totoo wala ako sa konsentrasyong manood. natatakot kasi ako baka mahuli kami, isumbong ako sa tatay ko. naiihi akong ewan. at panay ang tingin ko sa pinto.

My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam


My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam




si lito kampante. walang kaabog abog na kabang nararamdaman.

fast forward. medyo lasing na kami kaya tinigil na din naming manood. isa pa, baka maabutan kami sa ganoong eksena ng magulang ni lito, malaking eskandalo. groggy na ako that time. ganun din yong dalawa kong kasama, si lito--- kampante, at mukhang di tinatablahan ng espiritu ng alak.

fast forward ulit. naligpit na namin ang kalat. nagayos ng sarili at handa ng matulog.

more more fast forward. nagising na lang ako na umuuga ang kama. king size ang kama. lahat kami dun nahiga. kasya ang apat na kabataang lalaki.

lumilindol lumilindol! sabay sabay naming bulalas. pagbukas ng ilaw. nakita namin si lito, may ginagawang milagro.

at sabay sabay kaming kumunta sa kanya ng...

maligayang bati...
maligayang bati...
maligayang maligyang...
maligayang bati.

kung nasan ka man ngayon pareng lito, happy birthday tol. hintayin mo na lang ang barkada dyan sa kinalalagyan mo. maraming salamat sa tunay na samahan. ihanda mo na lang ang mesa at upuan dyan, kuntodo inuman ang magaganap pag buo na ang barkada, kahit gawin pa nating tanggero si lucifer nyan!

Linggo, Pebrero 20, 2011

nagkabanggaan


ser! ser! ser! patakbong papunta sa akin si manang, dala ang isang balita.

yong train! yong train nagkabanggaan! ang tanga tanga ng driver di man lang nakita yong kasalubong.

ha? alin ba? pausisa kong tanong.

sabi kasi sa radio may nagkabanggan daw na train dyan sa may north edsa. ang bobo bobo ng driver!

pano mo nasabi?

kasi nga hindi nakita yong paparating na train? o kaya nakatulog yong driver, o kaya adik yong driver.

sure ka bang ganun nga ang nangyari?

ewan, di ko pinatapos yong balita e. sinabihan kasi kita agad ser. (at ako pa talaga ang may kasalanan hahaha)

ano ka ba malabong magkaroon ng train na magkasalubong ang landas.kung adik man yun o nakatulog, hindi ko alam.

ganun po ba.

oo, balikan mo yong radyo mo para kompleto ang ibabalita mo.

(bumalik si manang sa kusina, nagkakamot ng ulo)

si manang talaga, gumagawa ng sariling bersyon ng istorya.pero sa tingin mo adik kaya yong driver? lols

Biyernes, Pebrero 18, 2011

droga

namumutakti sa balita ang pagbitay ng tatlong pinoy sa tsina. nagkasala di-umano ang mga pinoy na ito dahil sa drug trafficking.

drug. isang napakatandang problema ng ating lipunan. binata pa lang ang tatay ko meron na yan, hangang sa magbinata at tumanda ako iyan at iyan pa rin ang problema. nasosulosyunan ba? hindi.

ang totoo nyan, hindi naman talaga ang droga ang talagang ginagamit e. kundi yong lahat ng mga taong sangkot din. oo lahat. as in lahat. mula drug lord hangang sa user. lahat sila naggagamitan. ginagamit ang kakayahan, kahinaan at katangahan ng bawat isa. sinong naadik? sinong yumayaman? sinong nabubuang? sinong nakukulong? sinong narerhab? sinong namamatay? sila!

natatawa na lang ako sa gobyerno natin, kung kelan malapit nang mabitay ang mga kaawa-awang pinoy saka nagkakarambulan para masolusyunan which in fact sila naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng to.

bakit?

una, hindi magnanais ang mga pilipinong yon kung may magandang buhay sila dito sa pilipinas. hindi sila aalis ng kanilang bansa para maghanap ng pera para ipambili ng ipanglalamon sa pamilya nila. hindi sila magdadalawang isip para gawin ang kasalanan na dapat matagal nang nasosolusyunan ng ating gobyerno. hindi dapat mangyari ang itinakdang mangyayari.

bakit ulit?

isipin mo, kung walang kurap sa gobyerno, kung walang buwaya, kung walang mga halimaw at ganid sa malalamig na opisina. hindi maghihirap ang ating bansa. hindi maghihirap ang bawat pilipino. hindi.

at kung meron konkretong pundasyon ang gobyerno para sa pagsupil ng kurapsyon, mawawala mga yan. ang kaso mo, may nababayaran at nabibili ng pera. nakakawalang respeto ang mga tulad nila.

at kung matuloy man ang bitay ng tatlong pinoy, isa lang talaga ang dapat kong sisihin... ang gobyerno.

hmp. putragis nahahayblad lang ako!

Huwebes, Pebrero 17, 2011

kababalaghan sa mrt

isa akong salarin pagdating sa ututan. bata pa lang ako taglay ko na ang dambuhalang blower sa aking tyan, isang nakagigimbal na sumpa. fucking genes?

dalawang klase ng utot ang meron ako. depende sa panahon, depende sa kinain at depende sa itinakda ng tadhana. 

meet utut and etet!

utut! (may conviction sa pagbigkas) malakas na pagsabog pero walang masyadong casualty ang hatid. noice pollution kung maituturing. walang amoy na masasamyo, kung meron man banayad lang sa damit parang downy. subalit hindi nababagay sa mga formal occasions, nagdudulot ng matinding kahihiyan sa tao lalo na sa mga kliyente

etet, utot na mahina as in sobrang hina pero makamandag ang amoy. or pwedeng iniipit ipit mo sya. may effort. nagmamantsa sa damit, kelangan pa ng pinagsamang ariel at zonrox para mawala. hindi nababagay sa mataong lugar. masyadong mabangis.

they were both my angels of demons; at all times when i have to proclaim for my relief  for goodness! 

to make it short, utotin ako!

one time i went to sm north and the only transportation that i could rely on was MRT. forget the siksikan! makarating lang ako on time ( i had a meeting with a client). the last time na sumakay ako ng train dito sa pinas e sa LRT pa at token pa ang gamit, yong mukhang sampung piso ngayon. kaya nahirapan akong isuksok yong card na sa makinang kumakain ng tanga. kelangan pala ng matinding konsentrasyon ampotah.

jumppack ang drama ng potang inang train, parang ayaw magpasakay. konti na lang magkakapalitan na kayo ng pagmumukha. may kaharap ako, isang lalaking pinaglaruan ang foundation sa mukha partida nakabestida si kuya. at kung sya man ang makakapalit ko ng mukha, wag na. pasagasaan na lang ako sa train mabuti pa.

nasa elevator pa lang ako ng shaw boulevard e nauutot na ako. at potang inang elevator na yan ang tagal bumakas. nananadya. ang tindi ng pawis ko dun, nauutot na nga ako claustrophobic pa. hows that?

nasa ortigas station na ang train nang maramdaman kong hindi ito tatagal. may kung anong hangin ang gustong kumawala. iniisip ko kung si etet ba o kung si utot. pero wala sa dalawa ang gusto kong umeksena kundi matinding iskandalo ito. jumppack, aircon, confined at kulob? kumusta naman ang ventilation, hello?

nakahawak ako sa pole habang tumatakbo ang mrt. nag-iisip ako ng happy thougts para madivert yong concentration ko sa pagutot. iniisip kong nagpo-pole dancing ako sa loob ng mrt train, na ako lang ang tao pero maraming camera, ang weird lang pero gusto ko lang talaga patawanin ang sarili ko. happy thoughts! happy thoughts! happy thoughts! happy...teeeeeeeeettttttttttttt...

patay! si etet ang lumabas. lumingon ako isang mama ang nakaupo sa likod ko, natutulog. maya maya kumunot ang noo. saka nagtakip ng ilong saglit. tumingala. patay malisya ako. nakatitig pa rin sa akin ang lalaki. kunyari tumitingin naman ako sa billboard...interesado kuno sa gatas na nido. bumaling ang tingin ng lalaki sa katabi kong binata. nagkasulubong sila ng tingin. muli...patay malisya ako.

wala akong naamoy, ibig sabihin hindi ganun katindi ang ipinamalas na bagsik nitong si etet. nangiti ako. pero alam ko maya maya lang susugod muli sya, hindi ko lang alam kong mas matindi o matabang pa rin ang timpla. 

lumipat na ako ng pwesto nung magbabaan ang mga tao sa cubao station. lumipat ako sa kabilang dako para mas malapit na ako sa pinto. inaalala ko baka kasi sa tulak gumanti ang mamang naututan ko. 

kaharap ko na ang mama, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. ang sama kong nilalang. walang pakundangang gumawa ng krimeng nagmamaangmaangan. sinilip ko ang lalaki. wala na ang kunot noong ekspresyon sa mukha, tanda na nahimasmasan na rin sya. pasensya na.

nilabas ko ang telepono ko, kukunan ko ng picture, remembrance kako. klik! 

at ito ang aking naging biktima, si kuya.





at talagang tumitingin pa talaga sya. walang personalan tol, nautot lang. again, pasensya.

Miyerkules, Pebrero 16, 2011

malikhaing pag-iisip...

dear poks,

majejebs ka pa ba pag ganitong toilet bowl ang bubungad sa yo?


parang di ko kayang umere pag nasa ganyang sitwasyon ako mahihiya masyado ang sphincter ko.

ps: may sakit ako ngayon kaya kung anu ano na lang ang naiisipan kong ipost. ginagamit ko lang naman ang malikhain kong pag-iisip. pasensya.

sincerely, 
mang poldo

Martes, Pebrero 15, 2011

si berto...

dear berto,

sa wakas nakita din kita!

naalala mo pa ba kung paano mo ako i-bully nung kasagsagan ng kabataan natin? kung paano mo ako pinakain ng graba nang dahil sa pinagaagawan nating si crisitna, di hamak kasing mas guapo ka sa akin ng 2 inches, at di hamak na mas mayaman ka kesa sa akin.

at ang kapal lang ng mukhang mo nung inadd mo ako sa facebook, akala ko ako na sa magkakaklase ang meron nito. hindi pala, dahil natuklasan kong meron ka rin palang tagged, hi5, myspace at friendster. ni hindi ko nga maisip na naglalaro ka rin pala ng dota. ikaw na!

wag mong sasabihin sa aking nagba-blog ka rin.

gusto sana kitang kamustahin, kung ilan na ang kotse mo, bahay, magkano ang assets and liabilities, at kung ilan na ang naging babae mo kaso naduwag ako, naduwag akong malaman ang katotohanang mas lamang ka pa rin talaga sa akin lalo na pagdating sa babae. ikaw na ang tong matinik.

yaman lamang at nakita kita sa facebook, sige i-aaccept ko ang friend request mo. natuwa naman ako ng onting onti sa picture profile mo. ( *pigil *BUWAHAHAHAHAHA )

panigurado, mahihiya sa yo nyan si lady gaga. tsk. o baka naman idol mo sya? dili kaya?

ps. nilagyan kita ng mask para kunyari di ka makilala. 

pumapakingshet,
mang poldo

Lunes, Pebrero 14, 2011

make up

ngayon ngayon lang. narinig ko sa harapan ng bahay si letlet kausap ang kalarong si junjun. bestfrend ang dalawa. halos magkasing edad lang kasi sila.

junjun! lika laro tayo!
ano lalaruin natin?
make-up makeup-an!
ayoko magagalit na naman si tatay, papaluin na naman ako.
hindeeee...ako bahala!
eeeeeehhh ayokooo sabi eeeh.
ako naman tong magme-make-up sa yo e. hindi ikaw meron akong bagong krip paper, green!
talaga? sige sige...mamaya ha, kakain lang ako.

patay kang junjun ka! bad influence talaga tong si letlet.

Biyernes, Pebrero 11, 2011

ang mahiwagang tunog mula sa kusina

tahimik ang buong kabahayan kanina nang may masipatan akong tunog mula sa kusina. alam kong hindi ordinaryong tunog lang yon, at hindi ko maaaring ikumpara sa kaluskos ng mga daga sa kisame.kilala ko ang mga kaluskos. pero medyo hawig ang tunog sa dumadaing na asong kalye. pinakinggan kong mabuti. sinuri ko kung saan nanggagaling ang tunog pero mas nananaig ang pagnanais kong malaman kung kanino galing yong mapahabag na tunog, patawarin.

kilala ko na ang tunog, kilala ko na kung kanino nanggagaling yon. kilala ko na ang salarin. isa sa mga taong madalas kung makasalamuha. paksiyet, sya na naman ang bumida.

tengeneng eneng eh eh tengeneng eneng eh eh waka waka eh eh... tengeneng tengeneng ano na ang paprika...
-si manang kumakanta ng waka waka habang nagluluto ng tanghalian kanina.

(kung nagsasawa ka na sa mga kuwento ni manang, pasensya.)

Huwebes, Pebrero 10, 2011

ang boobs, bow.

tahimik akong nakaupo habang nanonood ng tv nang lumapit sa akin si letlet.

mang poldo, bakit po may dede ang mga babae? bakit po maliit tong sa akin.

hinsi ako agad nakasagot. sa totoo lang hindi ko alam ang aking isasagot. wala akong kamuwang muwang sa napakainosenteng tanong nya. o kung meron man hindi nababagay ang sagot ko para sa murang isipan meron sya. matagal bago ako nakapagsalita. pinatapos ko muna ang isang patalastas sa tv habang sya'y blankong nakatitig sa akin. nag-iisip ako kung anong ingat ba ang dapat kong gawin para sa maselang tanong nyang inihandog sa akin. maingat, sa paraang alam kong matuto sya hindi lamang mapunan ang kuryusidad na bumabagabag sa kanya. nag-isip akong malalim, umaasang merong mahuhugot sa napapanot ko ng ulo. wala. walang akong maisip. pobreng matanda.

ngumiti ako sa kanya. bakit mo naman naitanong yan? tugon ko.

wala lang po. kasi po sa tv lahat ng babae may dede. samantalang ako wala pa.

kasi bata ka pa.

he hano ngayon?

basta paglaki mo malalaman mo din. alam kong vague ang sagot kong yon. hindi nakakasapat yon sa katanungan nya. lalong lalo na sa taba ng utak nya.

hindi mo alam no! pagmamagaling nya habang pinanlalakihan nya ako ng mata.

tanong mo sa mama mo, baka alam nya!

patakbong umalis si letlet patungo sa kusina.

MAMA PINAPATANONG PO NI MANG POLDO KUNG BAKIT MALALAKI ANG DEDE NYO!

(putragis na bata. ang tabil ng dila.)

ang mama at si lady gaga

sakay ng fx pauwi. taimtim akong naghihihtay ng isa pang pasahero upang makompleto ang apatang upuan sa likod. may dumating na malaking mama. maskels kung maskels.

"brad konting usod pa nga dyan" reklamo ng mama.
"wala na boss" mariing sagot ko.
"hindi tayo magkakasya kung magmamaramot ka" usal ng malaking mama.

nayabangan ako. una pa lang iba na ang dating ng mamang to. may yabang factor. walang 'excuse me lolo' i-uupo ko lang ho ang malaking kong puwet. walang ganun. mukha syang bouncer sa mumurahing club, ni hindi man lang makabali ng mumurahing cologne para sa kapakanan ng maraming nakakaamoy ng kanyang singaw sa katawan. hindi ako sa mapanlait at wala akong pakialam sa ibang tao pero para ipagduldulan mo sa akin na ganito ka, na ganyan ka, na ito ang gusto mo at walang understanding na nangyayari sa pagitan natin sa tingin ko hindi na yon tama.

totoo, nayayabangan ako sa mamang to.na pilit iniuusog ang sarili para lang ipagksya ang buong tapang nyang katawan. tahimik lang ako. pilit kong inaatake ang aking sarili ng happy thoughts.

paalis na ang fx nang magsuot ng earphone ang katabi kong malaking mama. pindot. pindot. may hinahanap sa ipod. pindot. hanap. hanap. pindot ulit. hindi ko na masyadong pinagaksayana pa ng pansin. maya't maya pa...

I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me
Papa, paparazzi
Baby, there's no other superstar, you know that I'll be
Your papa, paparazzi

Promise I'll be kind
But I won't stop until that boy is mine
Baby, you'll be famous, chase you down until you love me
Papa, paparazzi


potang ina! ultimate fanatic pala ni lady gaga ampotah!

Martes, Pebrero 8, 2011

dont try this at home

mulit muli buryong ang lolo. habang hinihintay ko ang TV patrol para manood ng balita napag-isipan ko munang mag internet.

sinubukan kong i-search ang pangalan ko.

at ito ang tumambad sa akin.


sira ang gabi ko! pakyu and ebriteng! makakapatay ako ng tao!

may yelo?

kanina habang nasa kusina ako, si manang nasa labas nagwawalis.

tao po pabiling yelo?
wala!
walang tao?
walang matigas na yelo?
sige po kahit yong may tubig-tubig na lang.
madaming tubig o konti?
yong konti lang ho.
wala e.
sige ho kahit yong madaming tubig na lang.
wala din.
sige na nga ice tubig na lang!
malamig o hindi masyadong malamig.
yong malamig po.
wala.
yong hindi na lang masyado.
wala din.
e bakit po may sign dito na ICE FOR SALE.
hindi amin yan. sa kabila yan.
hindi po, dito po.
hindi nga.
dito nga po.
WALA NGA! WALA KAMING YELO! HINDI KAMI NAGTITINDA NG YELO!
*umalis yong bata*

KUYA NAGBEBENTA PO BA TAYO NG YELO?!? sigaw ni manang.

MANANG ADIK KA BA? DI BA NGA WALA! HINDI TAYO NAGTITINDA! TIGIL TIGILAN MO NGA ANG PAGHIHITHIT NG SUNOG NA DETERGENT POWDER! *umalis yong matanda*

nice meeting you sabay babay.

hinamon ako ng isang blogger kanina na makipagkita. sabi ko, sige pero iba-blog kita kako. pumayag naman sya.

first time kong makipagmeet sa isang blogger. dati kasi kung hindi texmate e hooker. kinabahan ako sa simula. pero nung nakita ko sya tiwala naman akong walang mangyayaring sa aking masama. so far, okey naman ang chastity belt ko. intact at vault in pa naman. (peace) hahaha.

masaya syang kasama. pero sandali lang kami nagkita. mukhang may anxiety disorder o kaya xenophobic sya. tsk. pero okey lang. atleast masaya syang kasama.

at ito ang ebidensya.

nice meeting you iha.

Lunes, Pebrero 7, 2011

peksman hindi ako nagsisinungaling.

pramis hindi ako nagsisinungaling...

walang korapcion sa pilipinas. mabubuti ang karamihan sa mga opisyales ng gobyerno.
walang isnatcher dito. walang holdaper. walang drug addict. walang pusher. walang kidnapper. isandaang porsyento ng mamamayan nito ay banal at walang masasamang loob.

pramis, walang emo dito. walang konyo. walang plastik. walang epal. walang matapobre. pramis wala talaga. maniwala ka.

wala ding magnanakaw. walang buwaya. walang kotong. walang malilibog sa sinehan. walang hipuan sa MRT at LRT. walang manyakis. wala. as in wala. lahat mabubuti. as in lahaaaat!

paniwalaan mo ako.

walang kurap. walang naggagaling galingan. walang makakapal ang mukha sa senado. walang pork barrel. walang ill-gotten wealth. wala. as in wala. lahat perpekto.

walang nangongopya sa klase. walang bully. walang masungit na guro lalo na ang favoritism na guro. walang brain drain.

walang pirated dvd. walang rally. walang rebelde. walang naghihirap na mga matatanda sa kayle. walang kalat sa mga kalye. walang baha. walang krimen.

hindi totoong naghirap ang pilipinas nung panahon ng pag upo ni arroyo. sa katunayan umangat ang ekonomiya natin. komonti ang bilang ng pamilyang nagugutom. komonti ang pamilyang salat sa noche buena. komonti ang bilang ng mga batang palaboy laboy sa lansangan. lahat masaya. lahat perpekto. lahat masaya sa pamumuno ni gloria.

pramis, walang prostitusyon dito. walang diskriminasyon sa mga bakla. walang pangmamata sa mga handicapped. wala. as in wala.

PS: hindi rin pala totoong suplada si Marian Rivera. hindi malaki ang ulo nya. hindi sya feelingera. at higit sa lahat, may breeding sya dude. meron. meron talaga.

totoo lahat ng sinabi ko, hindi ako nagsisinungaling...mamatay man si glorya.

Linggo, Pebrero 6, 2011

ang speaker, ang karimarimarim na pelikula, at si manang na naistorbo sa paglalaba

one fine afternoon. pagkatapos kong manood ng teledrama sa tv. naisipan kong magbukas ng computer at maginternet. check ng email. check ng tumblr. check ng blog. at nagblog hop. nung matapos na ako. naisipan kong bumisita ng 'kakaibang' sites and then i stumbled upon this wholesome site porn porn porn porn porn porn site. okay give it a deal...matured site rather. hmp. balak kong gumawa ng movie review. lols

the movie has to play with audio. so binuksan ko yong speaker. ayaw gumana. inayos ko yong jack na nakasaksak sa likod baka kako nagkabaliktad lang ng pagkasaksak. ayaw pa rin. hinayaan ko ang potang inang subwoofer na yan. kinuha ko na lang yong headset ko, ni-plug saka walang pakundangan sinuot sa ulo. enjoy!

ohhh ohhh ohhh ahhh ahhh ahh ahh ahh ohhh ohhh ohh ohhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhhhh... (sound mula sa movie)

kinse minutos nang nakakalipas nang kumatok sa pinto si manang...

"KOYA! ANLAKAS NG TV MO DINIG PATI HANGANG KUSINA! PATAYIN MO NA LANG YANG DVD MO KUNG PATALBOG TALBOG LANG YONG BALA"

nagulat ako. pagtingin ko, gumagana ang putang inang speaker pala.

ang loser loser ko!

truths for mature human

Sabado, Pebrero 5, 2011

si mang poldo at si machete hindi nalalayong iisa.

i was navigating the whole page of blogspot and its feauture when i stumbled upon this button.
i swear i didnt know that. click.

referring sites. atleast may bumisita pala ng blog ko kahit papaano. wink.

referring URLs. I smiled. they seemed to be my frequent visitors. wink ulit.

pero nung nakita ko yong mga searching keywords. nagpalakpakan ang betlogs ko. tuwang tuwa ako. hahaha. sana lang totoo. at sana lang ako ang taong hinanap sa search keyword na to.


pero ang sabi buo ang katawan. hindi tinukoy kung macho. muli't muli nahihibang na naman ako. ambisyoso masyado.