ilang araw ko na tong nararamdaman. masahol pa sya sa libog na palagi kong kinaaayawan. Ehe! gusto ko sanang supilin kaso ang kati kati lang. mukhang susuko na ako.
ganito pala ano, hindi lahat ng oras meron ka laging tinapay na pwede mong i-offer sa iba. hindi pala lahat ng oras pwede kang magbahagi ng kapirasong kwento ng buhay mo kahit nabigyan ka na ng malawak na oportunidad para magkwento at maglibang.
hindi lahat ng oras nasa kamay mo kasi hindi porke may orasan/relo ka sa kamay hawak mo na ang oras.
kasi ano, umm..kasi sa totoo lang tinatamad na akong magblog. ewan ko lang kung contagious ba to o self replication lang tulad ng dati. nakawawalang gana lang kasi.
nitong huling araw panay ang blog hop ko. kumukuha ako ng ibat ibang ideya na pwedeng iblog, kaso yong ibang blogs na madalas kung tambayan e natitingga na rin. hiatus mode ang mga potah.
nawawala din pala ang drive mong magsulat. kelangan mong magpagasolina para umandar ulit ang naoverheat mong utak. o dili kaya magchange oil para umarangkada ulit ang blog drive.
wala akong masyadong maikwento sa ngayon. maliban sa naisipan kong magdiet at nilagang mais ang ginawa kong accessory ng kahibangan ko. dalawang araw na sunod sunod na kain ng mais. dalawang araw ding sunod sunod na nagtatae ako dahil sa pesteng mais na yan. ginawang grinder lang ang sikmura ko. mga walang hiya! pero syempre ayoko ikwento yun dahil dyahe, ano na lang sasabihin ng mga frendssssss ko.
basta, kung mangyaring napadpad ka dito at ito pa rin ang entry ko. isa lang ang ibig sabihin nun. ultimate bummer na talaga ako. me aangal?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento