Huwebes, Pebrero 10, 2011

ang mama at si lady gaga

sakay ng fx pauwi. taimtim akong naghihihtay ng isa pang pasahero upang makompleto ang apatang upuan sa likod. may dumating na malaking mama. maskels kung maskels.

"brad konting usod pa nga dyan" reklamo ng mama.
"wala na boss" mariing sagot ko.
"hindi tayo magkakasya kung magmamaramot ka" usal ng malaking mama.

nayabangan ako. una pa lang iba na ang dating ng mamang to. may yabang factor. walang 'excuse me lolo' i-uupo ko lang ho ang malaking kong puwet. walang ganun. mukha syang bouncer sa mumurahing club, ni hindi man lang makabali ng mumurahing cologne para sa kapakanan ng maraming nakakaamoy ng kanyang singaw sa katawan. hindi ako sa mapanlait at wala akong pakialam sa ibang tao pero para ipagduldulan mo sa akin na ganito ka, na ganyan ka, na ito ang gusto mo at walang understanding na nangyayari sa pagitan natin sa tingin ko hindi na yon tama.

totoo, nayayabangan ako sa mamang to.na pilit iniuusog ang sarili para lang ipagksya ang buong tapang nyang katawan. tahimik lang ako. pilit kong inaatake ang aking sarili ng happy thoughts.

paalis na ang fx nang magsuot ng earphone ang katabi kong malaking mama. pindot. pindot. may hinahanap sa ipod. pindot. hanap. hanap. pindot ulit. hindi ko na masyadong pinagaksayana pa ng pansin. maya't maya pa...

I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me
Papa, paparazzi
Baby, there's no other superstar, you know that I'll be
Your papa, paparazzi

Promise I'll be kind
But I won't stop until that boy is mine
Baby, you'll be famous, chase you down until you love me
Papa, paparazzi


potang ina! ultimate fanatic pala ni lady gaga ampotah!

9 (na) komento:

YanaH ayon kay ...

tnt
feeling ko kung nasa pribadong lugar si manong bouncer, mala lady gaga din ang outfit at kembot nyan.

ayokong nauupo sa likod ng fx. hindi ako makahinga. wala lang. nasabi ko lang naman

YanaH ayon kay ...

tnt
feeling ko kung nasa pribadong lugar si manong bouncer, mala lady gaga din ang outfit at kembot nyan.

ayokong nauupo sa likod ng fx. hindi ako makahinga. wala lang. nasabi ko lang naman

glentot ayon kay ...

Aaaaaahhhh!!! Spoiler yung title pero natawa pa rin ako hahahahahah! Naninindak lang yun pero ang totoo... gusto ka nyang makatabi...

khantotantra ayon kay ...

sa likod ako pumupuwesto kasi mas magkakasya ako dun kesa maipit sa gitna at harap :D

Xprosaic ayon kay ...

Wahahahahahha ayun! dinaan lang sa palakihan ng katawan... lol... buti di niya hiningi number mo... lol

eloiski ayon kay ...

ano ba? di mo getching? type ka niya. hihihi!

athena ayon kay ...

wahahahahha...
mang poldo ayaw mo ba kay lady gaga? hgehehehe

empi ayon kay ...

hahaha... buti hindi gumigiling sa upuan si manong bouncer. hahaha

Keatondrunk ayon kay ...

panggulat lang ung mala-bouncer na katawan, fan pla ni lady gaga hehe