Sabado, Agosto 20, 2011

napanaginipan kita mang poldo

maaga akong nagising kanina. walang pasok. maaliwalas ang umaga. tahimik ang buong kabahayan. wala pang masyadong tao sa labas. nakabukas ang radyo habang himihigop ng isang tasang mainit na kape, isang tipikal na umaga para sa isang tulad ko.

habang pinagmamasdan ko ang labas ng bahay biglang pumasok si letlet, patakbong tumungo sa akin.

"mang poldo! mang poldo! good morning umaga sa yo! "
napangiti ako. "morning na nga, may umaga pa."

naupo sya sa tabi ko.

alam mo napanaginipan kita mang poldo.
talaga? anong napanaginipan mo? numero ba? lika dali tayaan natin sa lotto baka sakaling manalo!
eeeeehhhh hindeeeee kaya! basta napaniginipan kita kasama mo daw ako pumunta tayong megamall.
anong ginawa natin dun?
syempre nag-shopping!
o tapos? anyareh?

nung pauwi na daw tayo, nasa train na tayo (read: MRT) nang bigla kang hilain sa akin ng mga tao. lumalaban ka pa nga daw e. nagulat ako kasi bigla bigla ka na lang hinila nung magbukas yong pinto. kaso malalakas yong mga tao kasi malalaki yong katawan nila di tulad mo (nanlait pa?) tapos ayun... sumarado na yong pinto. ako naman iyak ng iyak. lakas nga ng iyak ko e.

nung parteng yon napangiti ako. answeet talaga ni letlet. pramis hindi ko mapigilang mapangiti. yong tipong ngiti abot gang tenga.

tinuloy nya ang kwento.

...nasa loob ka na nun ng tren at paalis na. ako iyak pa rin ng iyak. malakas na malakas na iyak yong parang pinapalo ako ni mama.
naku malakas nga yong iyak na yon, parang kinakatay na baboy. eh bakit ka ba naiiyak? kasi mawawala na ako?

HINDI!!! naipit po kasi yong kamay ko sa pintuan ng tren. ansakit sakit kaya. nangitim na nga yong kuko.

TOINKS!!! LECHENG BATA.

Ansarap buhusan ng mainit na kape yong bata. akala ko sweet. demonyita pa rin talaga.

4 (na) komento:

Ka-Swak ayon kay ...

funny na bata hehehe!

sarap kausap ung mga ganyan.

charles. ayon kay ...

Hahaha. Fail. So nadisappoint ka? Kala ko ikaw ang iniyakan eh, haha

AkosiUNNI ayon kay ...

haha ang kulit ng bata parang gusto kong iuwi saglit haha

Makina ni Monik ayon kay ...

ang kyoot naman ni bagets . . .:''>