Huwebes, Agosto 4, 2011

talaga?!?

kausap ko yong kapitbahay kong daldalera. nakita nya kasi akong inaayos yong halamanan sa harap ng bahay para di malunod dahil sa sobrang buhos ng ulan.
mamita ang tawag ng marami sa kanya. isa syang kilalang sidewalk vendor sa palengke. halos dalawang dekada na sya sa kanyang trabaho pero nakikipaghabulan pa rin sya sa mga nanghuhuli sa palengke.
sa kanya ako bumibili ng tawas at ng mothballs.

mamita: anlakas lakas ng ulan. kahit gustuhin kong maglako wala rin atang bibili.
MP: magtinda ka na lang ng mainit na sopas saka champorado, naku bibenta yon.
mamita: ayoko, masyadong matrabaho. saka malulugi ako pag nagkahabulan na.malulugi ako nun.
MP: oo nga.
mamita: nanganak pa naman si julie kahapon, yong panganay ko. kelangan ko ng pera.
MP: yong panganay mo? e di ba nag-aaaral pa yon sa high school?
mamita: oo, maagang naglandi ang gaga. hahahaha. (sabay tawa)
MP: (nagtaka, wala namang nakakatawa sa sinabi nya, ikinatuwa nya?) ano ang anak?
mamita: okey naman. (ayan na, ikinagulo na ng utak nya ang kanyang pagtawa)
MP: babae ba? o lalaki?
mamita: lalaki. ang kyut kyut nga e.ang liit liit ng mukha.(sabay ngiti)
MP:  ????

biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

mamita: yun nga ang problema ko e, kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital.
MP: yong ama ng bata, wala bang trabaho?
mamita: naku yong ama ng bata mahirap lang yun.
MP: maka-mahirap ka naman dyan parang ang yaman mo.
mamita: (sabay tawa ng malakas)

narinig ni manang yong tawa ni mamita. papalapit bitbit ang isang tabo at timba.
mamita: uy kumare anjan ka pala. nanganak na yong inaanak mong si jennifer. putragis ang guapo ng bata.
manang: (over excitement) ay talaga!!!! anong anak, lalaki ba o babae? ilang buwan na?!?
.....
....
...
..
mamita: si kumare talaga, mahilig magbiro!

hay naku manang adik ka talaga.

4 (na) komento:

The Gasoline Dude ayon kay ...

Nakaka-miss ang mga ganitong huntahan sa Pinas.

empi ayon kay ...

parang adik yong tanong ni manang. :D

Supladong Office Boy ayon kay ...

susmaryosep!

ang labo kausap ni manang.

kung ako sayo kinuha ko yung tabo at binuhusan sya ng tubig para matauhan. :))

prinsesamusang ayon kay ...

si manang ang daming nasabi! hahaha