Huwebes, Pebrero 10, 2011

ang boobs, bow.

tahimik akong nakaupo habang nanonood ng tv nang lumapit sa akin si letlet.

mang poldo, bakit po may dede ang mga babae? bakit po maliit tong sa akin.

hinsi ako agad nakasagot. sa totoo lang hindi ko alam ang aking isasagot. wala akong kamuwang muwang sa napakainosenteng tanong nya. o kung meron man hindi nababagay ang sagot ko para sa murang isipan meron sya. matagal bago ako nakapagsalita. pinatapos ko muna ang isang patalastas sa tv habang sya'y blankong nakatitig sa akin. nag-iisip ako kung anong ingat ba ang dapat kong gawin para sa maselang tanong nyang inihandog sa akin. maingat, sa paraang alam kong matuto sya hindi lamang mapunan ang kuryusidad na bumabagabag sa kanya. nag-isip akong malalim, umaasang merong mahuhugot sa napapanot ko ng ulo. wala. walang akong maisip. pobreng matanda.

ngumiti ako sa kanya. bakit mo naman naitanong yan? tugon ko.

wala lang po. kasi po sa tv lahat ng babae may dede. samantalang ako wala pa.

kasi bata ka pa.

he hano ngayon?

basta paglaki mo malalaman mo din. alam kong vague ang sagot kong yon. hindi nakakasapat yon sa katanungan nya. lalong lalo na sa taba ng utak nya.

hindi mo alam no! pagmamagaling nya habang pinanlalakihan nya ako ng mata.

tanong mo sa mama mo, baka alam nya!

patakbong umalis si letlet patungo sa kusina.

MAMA PINAPATANONG PO NI MANG POLDO KUNG BAKIT MALALAKI ANG DEDE NYO!

(putragis na bata. ang tabil ng dila.)

11 komento:

POY ayon kay ...

hahaha hindi ka pa handa sa paging tatay lol sabagay pag ganong tanong ang bata eh sa nanay talaga dapat yon at si nanay ang makakasagot non lol hehehe natuwa ako lol

rainbow box ayon kay ...

tae si letlet isinisigaw talaga dapat sa nanay nya? :))

khantotantra ayon kay ...

naiba ang tanong ni letlet :p pasaway na bata. naughty

RICO DE BUCO ayon kay ...

hahaha syhet lol ang gling ni letlet..matalinong bata hahaha

gillboard ayon kay ...

hahaha ang kulit ng bata. dinamay ka pa. lolz

neutraluniverse ayon kay ...

Very interesting kid. :) How lovely.

When I was still her age, I guess, I was wondering if I would grow some boobs. :)

empi ayon kay ...

hahahaha... ikaw kasi e... pinapatanong mo sa mama niya. kaya, ayan. ang kulit ni letlet. :D

musingan ayon kay ...

ahahahha... kakatuwa naman si letlet...

atticus ayon kay ...

tama naman ang version niya ah.

letlet ayon kay ...

hahaha!grabe,mgkapangalan kami pero d kami preho sa kakulitan:)

letlet ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.