Huwebes, Setyembre 8, 2011

buwaya

alam kong ako na ang pinakahuling nakaalam ng balita tungkol dun sa 21-talampakan na nahuling buwaya. anlaki nun. nai-imagine ko kayang kaya at effortless kung sumagpang pala ng isang tao, o kahit ng isang baka pa. ayun sa balita ito na daw ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo. malamang.

naa-amazed pa rin ako kung paano napanatili yong habitat ng mga buwaya sa lugar na yun (agusan del sur) sa loob ng mahabang panahon, kung tutuusin sa unti unting pagdami ng tao hindi malayong nagagambala yong wildlife. nagkakaroon ng thin line between human welfare at wildlife. na-haharass sila sa polusyong o consequence dulot ng global warming, ng expansion, ng deforestation at ang malawakang paggamit ng virgin coconut oil. joke lang yong panghuli.

naisip ko, kung magkakaroon lang ng matibay na programa ang gobyerno para sa wildlife hindi magkakaganito ang mga hayop sa kagubatan. ang kaso mo sa denr pa lang may mga ganid animal na! sa wild life pa kaya?hindi ko alam kung matutuwa ako na nahuli yong 21-talampakang buwaya. stressful tumira sa isang lugar na bago lang sa kanyang mata. lalo pa kaya kung gawing tourist attraction yong kawawang buwaya. ayoko naman sabihin na pakawalan na lang sa wildlife pero kung may matibay na programa lang ang gobyerno laan para sa ganitong klaseng hayop hindi tayo magkakaproblema. may lugar para sa mga hayop at may lugar para sa mga tao, walang pakialaman.

hindi rin ako magtataka na sa ganitong sitwasyon yong mga ganoong klase ng hayop e natututo na ring umatake sa tao, eh kasi nga di ba nagagambala yong habitat nila. at hindi rin ako magtataka na ultimo batasan hangang sa mga mumunting lalawigan eh inaatake na rin ng mga hayop, at sila na rin mismo ang nagpapatakbo, mga nanunungkulang may makahayop na paraan. ang masama pa nito bulag ang pilipino na noon pa may wala ng habitat ang mga hayop sa kagubatan, sirang sira na. lumipat ang hayop sa kapatagan, sa siyudad, sa kongreso, sa senado, sa mga lalawigan, sa bayan...nagkalat sila. nakatatakot.

sabi sa news, may isa pang mas malaking buwayang hindi pa nahuhuli, sa kaparehong lugar kung saan nahuli yong 21-talampakang buwaya.nakagagambalang ewan. pero okey na rin yun kesa sa makaperwisyo pa ng tao. hangad ko lang naman yong mabuting paroroonan kung saan sila ilalagay o ikukulong. harinawa.

ayun sa pagkakaalam ko ang life span ng mga buwaya ay nasa 50-100 years. pero yong kilala kong buwaya buhay na buhay pa rin sa kabila ng pagkakasakit. gustong gusto ko syang masilo, nasa 4'1 talampakan lang naman hindi pa rin mahuhuli. masyadong madulas. maraming kaanib.

darating din ang panahon, liliit ang habitat ng mga buwaya sa lipunan. matagal-tagal pa pero alam kong darating din yun.

1 komento:

Ka-Swak ayon kay ...

maliit lang yang buwayang nahuli kumpara sa mga BUWAYA ng gobyerno na kinakain ang dapat ay sa mga naghihirap na pilipino!