Lunes, Hunyo 20, 2011

ano na lang mukha ang ihaharap ko?

antagal kong nawala. sabagay wala namang nakamiss sa akin. ano bang nangyare?

marami.

as in marami. pero ganun pa rin, si letlet makulit. si manang bungangera pa rin. sya nga pala, nag-aaral na si letlet.kelan lang, noong independence day. linggo yun. may homework sya, bukas na daw kasi ang pasahan. nagpatulong sya sa akin kung paano gumawa ng philippine flag. first time daw kasi nya, kelangan nya ng moral support. natuwa agad ako, sa katunayan mas excited pa ako kesa sa kanya.

kinailangan naming kumuha ng patpat. dali dali akong pumunta sa likod ng bahay para manghagilap ng patpat, yong kawayan. sakto may nakita ako. tapos kumuha din ako ng ilang art paper at glue.

una hinati ko muna yong stick hangang sa gitna, saktong yong lateral view lang ng papel. besing besi ako sa homework nya habang sya e nanonood lang ng tv, nakataas pa ang paa.

"mang poldo kaw na bahala dyan ah.gandahan mo"

sinimulan ko ang paggupit. saka dinikit yong asul na art paper, yong pula at yong araw, saka yong bituin din pala. kinakabahan akong ewan pero alam kong tama naman ang ginagawa ko.

habang pinagkakaabalahan kong gawin ang asyanment nyang flag, kinukwento ko din kay letlet kung gano ako kagaling noong nag-aaral pa ako nung nasa edad pa nya ako. wala syang naririnig, busy sya sa panonood.

makalipas ang ilang minuto, natapos ko din. shet moment of truth. pinakita ko kay letlet ang gawa ko. ngumiti sya. ibig sabihin, maayos ang pagkakagawa.ayos na yun! niligpit ko ang mga pinagguntingang art paper saka niligpit ang mga kalat.

pumasok ako ng kwarto para sana maligo, kaso nasa hagdan pa lang ako narinig ko nang naglilitanya si manang, papalapit kay letlet.

"letlet, ano ba tong ginawa mo?!? bakit yong pula nasa itaas, at kelan pa naging pink ang red? kelan pa naging apat ang rays ng araw? hindi ka ba nakikinig sa titser mo? eh pano, puro tv yang nasa isip mo"

pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ko, agad kong sinara ang pinto.

BLAGHH!

hiyang hiya ako sa sarili ko.

Walang komento: