Martes, Pebrero 15, 2011

si berto...

dear berto,

sa wakas nakita din kita!

naalala mo pa ba kung paano mo ako i-bully nung kasagsagan ng kabataan natin? kung paano mo ako pinakain ng graba nang dahil sa pinagaagawan nating si crisitna, di hamak kasing mas guapo ka sa akin ng 2 inches, at di hamak na mas mayaman ka kesa sa akin.

at ang kapal lang ng mukhang mo nung inadd mo ako sa facebook, akala ko ako na sa magkakaklase ang meron nito. hindi pala, dahil natuklasan kong meron ka rin palang tagged, hi5, myspace at friendster. ni hindi ko nga maisip na naglalaro ka rin pala ng dota. ikaw na!

wag mong sasabihin sa aking nagba-blog ka rin.

gusto sana kitang kamustahin, kung ilan na ang kotse mo, bahay, magkano ang assets and liabilities, at kung ilan na ang naging babae mo kaso naduwag ako, naduwag akong malaman ang katotohanang mas lamang ka pa rin talaga sa akin lalo na pagdating sa babae. ikaw na ang tong matinik.

yaman lamang at nakita kita sa facebook, sige i-aaccept ko ang friend request mo. natuwa naman ako ng onting onti sa picture profile mo. ( *pigil *BUWAHAHAHAHAHA )

panigurado, mahihiya sa yo nyan si lady gaga. tsk. o baka naman idol mo sya? dili kaya?

ps. nilagyan kita ng mask para kunyari di ka makilala. 

pumapakingshet,
mang poldo

7 komento:

hamster ayon kay ...

potek naman getup nyang ex-classmate mong yan sarap ihagis sa balon

wahahhaha

makakaganti ka na mangpoldo!

YanaH ayon kay ...

eh di kayoooo na ang mayayaman...

parang mababa ung butas ng ilong ni mang berto

musingan ayon kay ...

ahahahha... kahit ako mang poldo... may kinaiinisan din noon ng nagaaral pa ako... pero ok lang... so far... di ko pa sila nakikita sa FB... until now... bwahahahhaha....

pusang kalye ayon kay ...

nakupo---pinagmukha mo namang yung mamamatay tao sa movie---si Jason ba yun. hahaha. ang masasabi ko lang. ILIBING na yan!!! i mean., huwag mo nang i add sa fb o saan mang social network mo. let go and move on. mas magaan ang buhay if you know na may isang taong wala pero masaya ka parin na wala sya sa buhay mo.D:

POY ayon kay ...

hahaha abah pag yan nakita nyan katapusan ng lahat lol... hanglakeh ng eyes niya naman lol

khantotantra ayon kay ...

wahahaha. at pati mga other social sites ay nag-sign up din pala ang iyong ex-klasmate. :D

MiDniGHt DriVer ayon kay ...

hahaha... walangya na yan, talagang pumapakingshet ang ilong ni berto...