Lunes, Setyembre 5, 2011

sana hindi ako magoyo

nag purchase ako ng isang item thru online. hindi naman ganun kamahalan pero kung susumahin mo e ilang burger din yun sa jollibee. binayaran ko thru paypal. alam kong malaki ang chance kong maguyo ako kasi 2days pa ang shipment nung inorder ko. fully paid na ang status. yong item na lang ang hinihintay.

at sa ganitong pagkakataon dalawang bagay lang ang hinihiling ko. una, na sana makarating yong inorder ko. pangalawa, na hindi scam yong nabilihan ko.

sa ganitong punto kelangan kong pagkatiwalaan yong instinct ko. likas sa tao ang mabait, inborn daw yun. nagiging masama lang naman ang isang tao dahil sa environment ek ek.

at kung magagantso man ako, Siya na bahala sa kanya.

sya nga pala, wag mo nang itanong kung ano yong binili ko.

3 komento:

Ka-Swak ayon kay ...

well sana nga di ka magoyo.

next time research ka muna regarding sa online shop na bibilhan mo.

pag individually owned mahirap na, pag company naman talaga medyo ok un.

empi ayon kay ...

Ayayay! Sana hindi nga... positive vibes lang. Darating din yon. :)

Makina ni Monik ayon kay ...

sana nga di ka magoyo. Pero kung ako yan, di ako magtitiwala. :D Ewan ko. Sakit ko na kaseng di magtiwala. Safe naman. Pasan mo nga lang lahat.