kagagalign ko lang ng selebraston sa edsa. wala naman akong nakitang interesanteng bagay na kukuha ng atensyon ko maliban dun sa matandang lalaking may kalong na gitara at kumakanta habang nanghihingi ng donasyon sa mga dumaraan sa overpass, yun lang.
naisip ko ilang edsa revolution na kaya ang natunghayan at nasaksihan ng matandang to. at naramdaman ba nya ang pagbabago na hinangad ng mga naki-edsa? may nagbago ba sa buhay nya? kung meron man bakit ganun, nanlilimos pa rin sya?
kanina, ginawang komersyalismo ang selebrasyon. nandyan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, mula sa pagkain hanggang sa anik anik na pansabit sa telepono. nandyan yong nagbibigay ng flyer ng condo. nandyan yong kwek kwek, itlog, balut, pinoy este penoy at mani.
ewan.
pero kahit papaano, biglang nagbalik sa akin ang alaala ng edsa revolution 1. bigla kong naramdaman muli na isa akong pilipino sa hirap at ginhawa. nagnanais pa rin ako ng pagbabago.
may pag-asa pa naman di ba? hanggat nabubuhay yong matandang kumakanta ng bayan ko. hanggat may espasyo pa ng barya sa kanyang lata, may pag-asa pa. hanggat kuba pa syang nabubuhay, may pag-asa pa. ganun din ang pilipinas, at ang pilipino, may pag-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento