sa mga ganitong klase ng panahon ang mainam na pag-eeksena ng piniritong tuyo at sinangag na pinartneran pa ng kamatis konting patis at sili. isang napakaespesyal na hapunan sa ilan lalo na ako. matagal na akong di nakakatikim ng tuyo, mga dalawang araw na.haha. pero ang totoo nyan e paborito ko naman talaga ang tuyo. dito kasi sa bahay maliban sa akin eh yong pusa din ng kapitbahay namin ang mahilig sa tuyo. kaya kung hindi ako atakihin ng highblood eh sakit naman sa bato ang aabutin ko.
minsan nagdala ako sa opisina ng tuyo. meron kaming oven toaster. bumili din ako ng mantika sa ministop. kinatanghalian agad kong isinalang yong tuyo sa toaster para iluto. maya't maya pa akala ko sa pantry lang mangangamoy yong tuyo. hindi pala. nangamoy kundi buong floor ng building namin. buti na lang sabado. nagreklamo islash komento lang yong guwardya sa kabilang opisina kaya ko nalaman na abot hangang dun ang amoy.
nung mga oras na yun hindi ko aakalain papasok pala ang boss ko. eh pihikan. ayaw ng amoy ng tuyo. pero with all the composure sa katawan eh masaya nyang tinanggap na nagluto ako, nag smile pa nga eh. pero deep inside alam kong gusto nya na akong ibitin gamit ang takong nyang 5 inches ang haba.
mabalik tayo. si manang at si letlet pala hindi fan ng tuyo. mas fan sila ng tender juicy hotdog. arte?
at bakit ko naisipan gumawa ng entry para sa tuyo. ewan. basta ang alam ko swak na swak yun sa maulang panahon tulad nito.
disclaimer: ako na ang natutuyuan ng utak.
2 komento:
Hindi ko type ulamin ang tuoy, pero gusto ko siyang isabay sa champurado. haha
ang sarap magkamay kamay tuyo ang ulam. :D
Mag-post ng isang Komento