Biyernes, Oktubre 7, 2011

palitan, ayoko?

yong feeling na...

pinaghirapan mong gawin yong baon mo. yong pagkakahimay ng bawat ingredients, at sundin yong komplikadong paraan ng recipe pero meron at meron kang kaopisinang nuknukan ng kapal ng kalyo di lang sa talampakan kundi pati ang mukha na gustong makipagtrade sa yo ng baon. yong sa kanya nilagang itlog at hotdog. yong sa yo caesar salad , ham and cheese sandwich at may kasamang pangsoup (pot-au-feu de la mer ), saka pala zest-o.

pero sya tong mapilit at hindi makaramdam sa salitang..."pinaghirapan ko yang gawin".  na hindi kayang i-decode ng kanyang utak sa simpleng salitang...AYOKO!

aanhin ko ang itlog at hotdog kung meron naman ako.

2 komento:

empi ayon kay ...

may tao talagang walang pakiramdam.

L ayon kay ...

sus! pwede namang i-share, mang poldo. on second thought, may hotdog at itlog na nga ako. XD