Lunes, Pebrero 7, 2011

peksman hindi ako nagsisinungaling.

pramis hindi ako nagsisinungaling...

walang korapcion sa pilipinas. mabubuti ang karamihan sa mga opisyales ng gobyerno.
walang isnatcher dito. walang holdaper. walang drug addict. walang pusher. walang kidnapper. isandaang porsyento ng mamamayan nito ay banal at walang masasamang loob.

pramis, walang emo dito. walang konyo. walang plastik. walang epal. walang matapobre. pramis wala talaga. maniwala ka.

wala ding magnanakaw. walang buwaya. walang kotong. walang malilibog sa sinehan. walang hipuan sa MRT at LRT. walang manyakis. wala. as in wala. lahat mabubuti. as in lahaaaat!

paniwalaan mo ako.

walang kurap. walang naggagaling galingan. walang makakapal ang mukha sa senado. walang pork barrel. walang ill-gotten wealth. wala. as in wala. lahat perpekto.

walang nangongopya sa klase. walang bully. walang masungit na guro lalo na ang favoritism na guro. walang brain drain.

walang pirated dvd. walang rally. walang rebelde. walang naghihirap na mga matatanda sa kayle. walang kalat sa mga kalye. walang baha. walang krimen.

hindi totoong naghirap ang pilipinas nung panahon ng pag upo ni arroyo. sa katunayan umangat ang ekonomiya natin. komonti ang bilang ng pamilyang nagugutom. komonti ang pamilyang salat sa noche buena. komonti ang bilang ng mga batang palaboy laboy sa lansangan. lahat masaya. lahat perpekto. lahat masaya sa pamumuno ni gloria.

pramis, walang prostitusyon dito. walang diskriminasyon sa mga bakla. walang pangmamata sa mga handicapped. wala. as in wala.

PS: hindi rin pala totoong suplada si Marian Rivera. hindi malaki ang ulo nya. hindi sya feelingera. at higit sa lahat, may breeding sya dude. meron. meron talaga.

totoo lahat ng sinabi ko, hindi ako nagsisinungaling...mamatay man si glorya.

7 komento:

YanaH ayon kay ...

nakakalungkot :(

kasi totoo..

ang bulok ng sistema ng Pilipinas..
:(

wala na ko masabi..

empi ayon kay ...

wala na akong maidagdag. tsk!

sarah ayon kay ...

tama...

karimarimarim ang katotohanan!

maraming sinungaling lalo na sa politika,

meron na bang umamin sa korapsyon!

Nada!

Otli ayon kay ...

"Totoo" ang lahat ng mga sinabi mo at ang pinaka-totoo maraming sinungaling sa Pilipinas.

Sana merong vigilante group na pumapatay ng taong napawalang-sala sanhi ng bulok na hustisya.

Lio Loco ayon kay ...

patay kang gloria ka!

re: ang speaker...

pwede naman daw kasing mag-headset, mang poldo. XD

eloiski ayon kay ...

sapak na sapak ang katotohanan. T_T

doon po sa amin ayon kay ...

hello, mang poldo.

ang husay po ng state of the nation address nyo. na-gets ko agad kung aling banana republic 'yon, hi, hi...

ganda po ng site nyo. :D

doon po sa amin