Sabado, Agosto 13, 2011

hindi ko kinaya

tatlo lang kaming pumasok nung araw na yon, sabado e. may kelangan kaming report na matapos. si tim yong baklang account executive, yong boss kong binudburon ng finesse sa katawan at sino pa nga ba kundi ako.

tahimik ang buong opisina. kanya kanya ng trabaho kanya kanyang toka. abala akong gumagawa ng report nang may marinig ako.

oh my gosh, oh my gosh!!!!!!!!!!!!!! sigaw ni bakla.nasa stock room sya ng opisina para kumuha sana ng dish washing paste.

nagulat ako sa sigaw nya syempre.as in gulat na gulat, sa ganung sitwasyong di mo mapipigilang mag-isip ng di masama, its either natumba sya or natabunan ng mga basang basahan.nagising ang adrenaline ko sa sigaw nya. potah.!pero patay malisya lang ako.pakshet istorbo!

yong boss ko ang aligagang pumasok sa stock room. the moment na pagpihit nya ng door knob napasigaw din ang hitad....

what da fuck! what da fuck! alingawngaw ng bibig ng boss kong cultured kung ituring ng marami,hehe. atleast sosyal pa rin ang pagmura nya, what da fuck!?!

right there and then e agad akong tumayo. nag ala-superman ako! ala night in shining armor. syempre pagkakataon ko na para magpakitang gilas. naaamoy ko ang victory! naamoy ko ang endless thank you! buwahahahaha. pumasok ako ng stock room. pakshet nagulat ako.

anlaking daga, nagulat ako kung pano na lang nag-evolve ang ganitong klaseng peste. halos kasing laki ng pusa. as in. gusto kong magsisigaw din bilang anticipation sa nangyayari at sense of belonging na rin sa dalawa. kaso ang OA naman di ba? patay na yong daga. as in wala nang buhay.

nagulat lang daw sila kung bakit panong nakapasok sa stock room yong daga. sabi ko natural sa pinto.hindi umimik yong dalawa, pinandilatan pa ako ng mata ni tim. inutusan akong ibalot sa plastic at itapon sa garbage.

sinunod ko naman. naghanap ng plastic. kumuha ng broomstick at saka dust span. medyo mabigat syang buhatin gamit ang dustpan kaya sa gitna ng hawak ng hood ng dustpan ako humawak.pinakatitigan ko yong daga kung paanong namatay. bukas yong mata. mahaba yong balbas.ngayon lang ako nakakita ng daga sa urbanidad. mukhang sosyalin. mamumula mula ang paa. nagpafoot spa kaya? hindi ganun kaitiman, tama lang.

saktong ilalagay ko na nang biglang gumalaw yong putang inang daga. nagulat. nataranta. natakot. at gusto kong magmura...potang inaaaaaaaaaaaah! syempre ano ba nga bang ginawa ko e tao lang din ako. sumigaw lang ako, slight lang naman. pramis. shock to death ang lintek.

ending? nalutas ang kaso ng mga taga pest control.

4 (na) komento:

Ka-Swak ayon kay ...

hahaha!

todo tili to death ang hitad na executive nyo hehehe!

Ke Chi ayon kay ...

haha sakin di na bago ang ganyang cases.. kasi yung mga daga namin dito buhay pa at ganyan din kalalaki..nasa dirty kitchen namin..well harmless naman sila samin maliban nalang sa pumapatay sila ng pusa..

UnniBenteNwebe ayon kay ...

dagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
ewww ai sorry haha...
ayaw ko sa daga...natataranta ako pag nakakakita ako nyan,,,
anyway viva solb naman prob nu

bumalik ako ditei hehe...
teka lagay ko link nyo sa blog ko ha hehe..

musta mang poldo?

Makina ni Monik ayon kay ...

Kung gusto nyo pong sumigaw punta lang kayo dito samin, daming daga dito sa bahay. ahahaha!