Martes, Pebrero 8, 2011

may yelo?

kanina habang nasa kusina ako, si manang nasa labas nagwawalis.

tao po pabiling yelo?
wala!
walang tao?
walang matigas na yelo?
sige po kahit yong may tubig-tubig na lang.
madaming tubig o konti?
yong konti lang ho.
wala e.
sige ho kahit yong madaming tubig na lang.
wala din.
sige na nga ice tubig na lang!
malamig o hindi masyadong malamig.
yong malamig po.
wala.
yong hindi na lang masyado.
wala din.
e bakit po may sign dito na ICE FOR SALE.
hindi amin yan. sa kabila yan.
hindi po, dito po.
hindi nga.
dito nga po.
WALA NGA! WALA KAMING YELO! HINDI KAMI NAGTITINDA NG YELO!
*umalis yong bata*

KUYA NAGBEBENTA PO BA TAYO NG YELO?!? sigaw ni manang.

MANANG ADIK KA BA? DI BA NGA WALA! HINDI TAYO NAGTITINDA! TIGIL TIGILAN MO NGA ANG PAGHIHITHIT NG SUNOG NA DETERGENT POWDER! *umalis yong matanda*

5 komento:

glentot ayon kay ...

Adik! Lulong na si Manang sa Tide...

Adang ayon kay ...

1st time dito,,mukhang naka bataksi Lola ha

khantotantra ayon kay ...

nyahaha. baka may nagtrip sa inyo na maglagay ng ice for sale

empi ayon kay ...

hahahaha... grabe ano kaya lasang ng detergent powder. haha

doon po sa amin ayon kay ...

hello po.

paano ho nagla-like dito sa site nyo pag di facebook user? :]

like ko ho itong tungkol sa yelo. :D parang naka-witness na rin ako ng eksenang ganyan.