may anak itong si manang, si letlet. limang taong gulang sa aking tantiya. pag naglalaba sa bahay itong si manang palagi nyang dala tong si letlet, wala daw kasing magbabantay. Okey lang naman sa akin para may makakuwentuhan ako. naaaliw ako sa kainosentihan ng batang 'to. at sobrang kulit.
letlet! sinusubo mo na naman kamay mo, marumi yan! letlet nangungulangot ka na naman saka mo kakagatin ang kuko mo marumi yan!
letlet paabot nga ng sabon! letlet pakuha nga ng bangkito!
letlet kumain ka na lang dyan!
hala! nagugulat na lang ako minsan. ganyan silang mag ina, nagsisigawan pero hindi ko nakikitaan ng pang-aapi ng magulang. minsan ako pa nga tong nahihiya. kulang na lang tumira sila bahay at gawin akong katulong. okey naman, bagay naman.
letlet pakiabot nga yong fabric conditioner!
saan dito?
yong kulay blue dyan na nakaplastic.
nasan?
nasa mesa lang yon, andyan lang yon.
anong kulay?
yong blue nga.
alin dito?
yong fabric conditioner!
ito?
basta yong kulay blue!
ah ito, downy kasi kamo ah. arte arte pa-fabric fabric conditioner pa kasi, downy lang naman.
hagalpak talaga ako sa tawa nung marinig ko yan. pareho silang nagkatinginan. okay talaga silang mag ina. cool.
'mang poldo pwede pong manood ng dora da...' 'pero nililipat na nya ang channel. 'mang poldo pwede pong maki-inom ng tubig' pero may bitbit ng baso. 'mam powldohm pwodo pob bong komoon nong tonopowy' pero may subo subo ng pagkain. okey lang bata naman e. natutuwa pa nga ako kapag kasama ko sya. nawawala pagkabagot ko.
minsan habang abala ako sa pagtatanim ng pechay sa aking maliit na gulayan sa likod ng bahay, nagsisigaw sya nung makakita ng uod na tinatapakan ko. wag ko daw silang saktan kasi wala naman silang kalaban laban. oo nga naman. may point sya. smart kid.
mahilig syang magkwento nang kung anu ano. mga napapanood nya sa tv. lalo na yong noah na yan. minsan ginagaya nya yong mga unggoy doon, tapos ako naman daw yong pinuno nila. hello kumusta naman?
mahilig din syang mag drawing ng mga insekto. nagdrawing sya minsan excited nyang pinakita sa akin, tuwang tuwa naman ako. 'wow ang ganda naman ng drawing mong salagubang' pagmamayabang ko. sumimangot bigla. saka nagwalk out. habang nagwo-walk out lumilitanyang hindi naman daw yon salagubang, butterfly daw yon. tinignan ko, oo nga naman san ka makakakita ng salagubang kulay violet? ang kikay lang.
nagmana din pala sya sa nanay nyang tsismosa. pero mas naaaliw ako sa kadaldalan nya, minsan nakwento nya sa akin habang nanonood kami ng tv na pinapahirapan daw ng nanay nya ang tatay nya. nagulat ako syempre. nag-usisa ako kung anong domestic violence ang nagaganap. likas din nga pala akong tsismoso.
pinakwento ko sa kanya. nagising daw sya isang gabi kasi naiihi daw sya, pero hindi nya makuhang bumangon at magpasama sa mama nya kasi may naririnig syang ungol. natakot at bigla daw syang kinabahan kung ano yon. nung dinilat na nya ang mata nya, naaninag daw nya si nanay nakasakay kay tatay...para naglalaro ng kaba-kabayo. para daw kasing nasasaktan si tatay nya. ahh ahh ahh ahhh daw kasi ang tanging naririnig nya kay tatay.
gusto kong matawa nung mga oras na yon. hindi ko kasi maimagine na isang katawang mala-ruby rudriguez ang papatong sa katawan ng mala vic sotto. pramis namumula na ako sa pagpipigil sa katatawa pero hinayaan ko syang ipagpatuloy lang ang napakainosenteng kwento. tinanong ko kung paano nyang nalamang si nanay nga yon gayong madilim. hindi! pagmamadiin nya. hindi madilim!!! kita ko ang hairclip kong si dora na suot ni nanay, alam kong sya yon kasi palagi nyang hinihiram yon sa akin. e ano ba talagang ginagawa ni nanay kako, hindi nya raw alam kasi nakakumot naman daw sila pareho. basta naaawa lang daw sya sa tatay nyang dinadaganan ni nanay. hindi na ako muling nag-usisa alam ko na ang milagro. natulog na lang daw ulit sya.
bibong bata si letlet. pero hindi raw sigurado si manang kung makakapasok sya ngayong susunod na pasukan. mahilig pa naman daw syang mag aral. alam na nga raw nya ang magbilang ng wantoten, lalo na ang pagdo-drawing. lagi nyang bitbit ang bag nya. sya daw si dora, e ako sino naman ako? si boots daw. saka sya tatawa. kung hindi daw, ako na lang si mr. bean na naligaw sa mundo ni dora. napaka-imaginative na bata!
tinanong ko kung anong pangarap nya. pangarap daw nyang maging isang nars. tinanong ko kung bakit naman yon. para daw may mag-alaga sa akin sa pagtanda ko. natahimik ako, habang sya nakangiting nakatingin sa maluha luha kong mata.
3 komento:
Magbabalik ako at babasahin nang buo, na iihi lang kasi ako at baka medyo matagalan dahil baka salubungin ako ng mga pansklab…
babalik me…
da best tlga mga kwentomo.hehehe. nkakaaliw si letlet.yung tatay inaapi daw. hahaha.
but sa dulo sana matupad ni letlet pangarap nya..wag lang sumuko..
im back
Walangya ka mag poldo!! humahagikgik ako dito sa computer shop.. adik na letlet yan sakit ng nasal ko. hoho..
hahaha..
astig naman ng post na 'to hindi ako maka get over papabasa ko 'to sa mga officemates ko bukas.
infairness ha, kinurot ako bigla sa last paragraph.
astig mang poldo! :)
Mag-post ng isang Komento