antagal kong nawala. sorry naman. bigla ko lang naalala kanina na may blog pa pala ako. para akong sinapak at sinabihang uy kupal may blog ka pa anong itinutunganga mo dyan!
kaya ito kahit wala akong maisip na isulat, magsusulat pa rin ako. ayos din naman pala ano nakakaexercise ng mapurol na utak.
nakikinig ako ng radyo ngayon. may bagyo pala. kaya pala ganito ang bumukas na umaga sa akin paglabas ko kanina.magdya-jogging sana ako kaso yun nga maulan saka ayoko maputikan ang bagong kong rubber shoes. hehe. pero higit sa anupaman mas masarap partner-an yong ganitong klase ng umaga ng isang mainit na kape.
<enter LSS song NESCAFE SWEET N MILD>
"goodmorning sa inyo .sweet and mild ang kasama ko tamis na iyong hatid umaga'y walang pait!"
sa totoo lang kay letlet ko unang narinig yan. kakantahin nya sabay iikot. anumang oras kakantahin nya yan pag naaalala nya. at mas mahaba pang linya ang kinakanta nya, memorize. nalaman ko lang na may ganung kanta pala nung minsang manood ako ng tv. pinalabas yong commercial na yun kaya ko na-confirmed.
pero stick pa rin ako sa kapeng ako mismo ang nagtimpla tsaka dun sa paborito kong tasa. oo may laang tasa para sa kape ko sa umaga. mas masarap kasi magkape pag sa paborito kong tasa. pero wala na sigurong sasaya pa kung kasama ko sya, yong taong mahal ko. ay naku aga aga ang emo emo ko.haha.
minsan pala kahit anong pait ng buhay, o ng kape...pipilitin mong maubos yan, pipiliting malunasan ang mga problema habang mainit-init pa. kasi kung lalamig na mas lalo mong mararamdaman yong pait, yong problema. wag nang patagalin pa kung alam mong sa huli e masusulosyunan rin naman. ganun nga siguro ang buhay but in the end it is still a good morning after all, umuulan man o bumabagyo kelangang tanggapin kung anong ibiniyaya. maswerte ako o tayo na kada umaga kahit anong pait ng kape alteast buhay na buhay tayo. i-enjoy lang yan kasi maya maya darating ang tanghalian at mga ilang oras pay ang pagdapit-hapon naman.
ganun nga siguro ang buhay. minsan matamis. minsan mapait. maswerte ka na kung may krema ka pa kasi ang fundamental na sangkap ng kape na alam ko ay ang mismong kape at asukal saka mainit na tubig. parang buhay nga talaga. nabubuhay tayo nang ayun sa ating panlasa.
4 (na) komento:
Magandang umaga sayo! :)
ganun talaga ang buhay.
sa mga blog na pinapasadahan ko madalas, meron at merong panalong trademark shit na binabato sa mambabasa. 'yung iyo, mang poldo, si letlet na malamang 'yun. kwela ang bibong bata!
kaya pala makulimlim ngayon. ayoko pa namang nagdadala ng payong. hmmm...
magandang umaga din!
wag masyadong gumamit ng krema kahit masarap sa kape...nakakastore yan ng fats sa bituka.
"nabubuhay tayo nang ayun sa ating panlasa."
kaya nga ang kape ko, wala pa ring gatas.
Mag-post ng isang Komento