dumaan ako ng opisina kanina. naiwan ko kasi yong charger ng buwakinang telepono ko. ayoko sana kaso maghapon naman magiging lobat yong buwakinang teleponong yan.
nasa 21st floor yong opisina.mag isa lang ako...sa buong floor. although alam kong may mga nagroronda na guwardiya pero nung panahong yon eh busy ata kakakamot ng betlogs nila. andaming thoughts akong naiisip, what if totoo nga yong balibalita na may whitelady sa kabilang office, what if totoo nga yong babaeng umiiyak, what if totoo yong babaeng may itim na belo pero wala naman daw ulo, what if totoo nga yong kwentong may kumakalabog sa cr ng mga babae whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!! pero ayoko maniwala dun kasi nasa urban place ako at nasa 21st floor tapos may ganung kwento, weeeeh?
so para mahinto ako sa mga ganung thoughts nagisip ako ng happy thoughs. happy. happy. happy. pero hindi ko pa rin maialis nang tuluyan.naiisip ko kasi yong babae nakikipaglaro ng jack n poy pero wala naman syang ulo.shet.
agad agad akong umalis. kitang kita sa cctv kung irereview yong galaw ko. taranta at aligagang makalabas agad. nasa labas na ako ng opisina namin nang may biglang tumunog. tunog ng elevator. ting!
ayos! may kasama ako! its either papasok sya sa opisina or kasabay ko syang palabas sakay sa elevator. pero atleast magkikita kami sa pasilyo. agad kong ni-lock ang office. saka dali daling umalis. mga 10 seconds din yun.
nung pagdating ko sa pasilyo o hallway, oo tama nga na bukas pa rin yong elevator at may pumindot nung down button pero laking pagtataka ko kung sino yong lumabas kasi wala naman akong naririnig na kumakalampag sa kabilang office para magbukas ng kanilang pinto. nagsimula na akong magpanic. pero okey lang. sabi nga nila...meynteyn! i maintained to be cool as possible kahit may mga butil butil na ng pawis sa noo. at sa aking pagtataka nakabukas pa rin ang elevator. hindi pa sumasara. bago ako pumasok tinanaw ko muna kung may tao nga, wala akong makita. madilim sa parehong opisina na posibleng papasukan nung tao. eh bakit ganun nakared yong button meaning may pumindot.
still, naging cool pa rin ako. cool. cool. cool. the moment na pagpasok ko ng elevator eh saka naman nagsara, para bang ako lang yung hinihintay. agad agad kong pinindot ang ground. nag iisip ako kung bakit nangyayari sa akin to. hindi to totoooooooo sabi ng utak ko, malaking coaccident este coincidence lang to.
nung nasa elavator na ako. ang init ng pakiramdam ko pero anlamig lamig sa loob. napalakas ata ang aircon kako. inayos ko na lang yong sarili ko. pilit pinapanatag ang sarili. nung nasa ground floor na agad akong lumabas. tumungo sa sekyu na nakatoka, tinanong ko sya kung may pumasok ba sa 21st floor maliban sa akin.wala naman daw. hehehe sa totoo lang natakot na ako. alas sais na kasi yun ng hapon. at sa ganung oras di ko mapigilang mag-isip ng kung anu ano.
nung nasa labas na ako ng building saka ko lang naalala na linggo pala ngayon, mahina ang aircon sa elevator pag ganun o dili kaya e pinapatay.eh ano yong lamig na naramdaman ko? hala. pero hayan ko na, nakalabas na ako. tapos nang napansin kong naiwan ko yong plastic kong dala. potaaaah! kako. naiwan ko dun yong charger ng telepono ko. shet. shet. shet to its nth exponent level.
kunyari nagdalawang isip pa ako kung babalikan ko pa ba or hindi pero mabilis ang instinct ko na wag na lang daw baka daw kasi magtaka yong guard kung ano ano ang binabalik balikan ko. haha.
goodluck to me baby!
2 komento:
hehehe! 6 pm di pa lumalabas mga multo non. mga 6:30 pa hehehe
Buti nalang di ko pa naranasan yang ganayan. Di ko naman winiwish.
Mag-post ng isang Komento