may ilang mga bagay na kombi. combination ika nga. at meron namang hindi binabagayan.
nung nakaraang lunes. niyaya ako ng isang kaibigan na uminom. so since matagal nang hindi nagiging masokista ang aking liver (liver??? naks english ampotah) eh sumama ako para makipaginuman. dala ng kanyang malaking problema kaya sinamahan ko na rin sya. sympathetic ako alam mo ba?
nung nakarating na kami sa bahay nila. eh nagpahanda sya ng pitsel at malamig na tubig. ang akala kong beer na titirahin e hindi pala. emperador. hindi lights. hardcore ang magiging drama. dalawa lang kami. dalawang atay ang parehong masisira. sabi ko wala na bang iba? sarado na daw kasi ang tindahan na malapit at keri lang yan pre aniya. (nag pre pa talaga sya ah).
tapos nung nilabas nya yong pulutan. napaputang ina talaga ako. isa platitong butong pakwan. good combination? hindi. kasi pagtungga mo na yong alak tapos saka ka palang magbabalat ng potang inang butong pakwan, isang malaking epic fail yun. try mo?
napapaluha ako sa tuwing lalagok ako ng alak kasabay ng pagbalat ng butong pakwan. hihingi na lang sana ako ng kanin kahit bahaw man lang kaso wala na daw. talaga madibdibang inuman. nagsuggest akong balatan kaya muna namin lahat ng butong pakwan saka kami tutungga ng alak? ayaw daw nya. waste of time daw.
potang ina. sya lang ang nakainuman kong walang pakialam kung may pulutan man o wala basta may tubig talu talo na. di ko talaga kaya. alas onse pa lang suko na ako.
maya maya pa naririnig kong umiiyak sya. di dahil sa di ko nadamayan sya sa kanyang problema kundi tinulugan ko lang daw sya.
sya nga pala maliban sa nalasing ako. naramdaman ko ding namamaga na yong labi ko na lasang maalat alat pa.
3 komento:
hahaha grabe namang kainuman yan mang Poldo. Lesson, wag magpupulutan ng butong pakwan maliban na lang kung tanduay ice ang alak. :D
effort naman masyado ang butong pakwan... haha
bwahahahaha! namaga ang labi dahil sa putanginang butong pakwan. kung ako siguro 'yun ser, malamang eh deadbat na rin ako bago pa mag-alas-dose. taena, tindi ng fighting spirit niyang pre niyo, ser.
Mag-post ng isang Komento