nagpaload ako kanina. pumunta sa malapit na tindahan. at sa lahat naman talaga ng panahon, naitadhana pang nakasimangot at masungit si ate tilda.
ate paload ho.
(hindi sumasagot, abala sa pagtetext habang kusot ang noo)
ate paload ho, globe at smart. pag-uulit ko.
pakisulat na lang dyan sa papel.magkano? (pasigaw nyang sabi)
terti terti ho. (sabay sulat sa papel ang numero)
wala ata sa mood si ate, pilit kong inunawa kasi baka may regla lang yong matanda. nasa edad singkwenta na nga pala sya. pahabol kumbaga. hahaha
nagbayad na ako saka umalis. nagtataka lang talaga ako kung bakit ganoon na lamang ang mood nya, samantalang pag nakikita ko sya masayahing matanda. laging nakangiti kahit tatlo na lang ang iping natitira.
maya maya lang nakatanggap ako ng text...
WAG KANG MAG-ALALA PINADISPATYA KO NA.SIGURADONG PATAY YUN.
wrong sent! nagulat ako sa nabasa ko. maliban sa barkada ko iilan lang ang nakakaalam ng number ko. mas may silbi pa nga ang email sa akin kesa sa telepono. kaya malaking pinagtataka ko lang kung kanino galing ang text na yon. malakas ang kutob ko kay aling tilda galing yun.
ang tanong, tama lang bang hindi ko reply-an ang text, hindi ba kabastusan yun? gusto ko sanang sabihing...ChUReEH PoWH,,,WRoNgH ChEnt Fuh KaUyOw. T.T
5 komento:
hala, may pinapadispatsa si manang tilda. deads na.
Tama si khanto... may nadeads na! hehehehehe...
baka naman daga lang yun. yiii.
Sino ang kriminal?
susme, magpalinya ka na. para makaiwas ka na sa mga gaya ni manang.
Mag-post ng isang Komento