Huwebes, Pebrero 3, 2011

the tale of the red polo shirt of mang poldo (punyeta ang habang title!)

maaga akong umalis ng bahay kanina. suot ang pulang shirt na payo sa akin ng kaibigang tsikwa. susuwertehin daw ako. paaalis na ako ng bahay ng makasalubong ko si letlet at manang, sabay bumati... happy fat choi!

natawa ako kasi mali ang bati nila! kinorek ko. um-oo naman sila. nung pag alis ko. nagsisigaw tong si letlet. merry christmas mang poldo! merry christmas mang poldo! merry christmas mang poldo! pamasko ko! huminto ako sa paglalakad. unti unting lumingon. saka pinandilatan ko ng mata. natahimik ang bata. buwahahaha!

actually nagpapasama yong isang kaibigan ko sa lakad nya. so since wala naman akong magawa e nauto nya akong sumama. syempre todo porma ulit ang lolo nyo. red polo shirt na medyo fitted. dirty white khaki short na bumugay naman sa brown low cut shoes. white sun visor cap. at nike na shades. ayos! japorms na ako!

pero hindi sinabi ng kupal kong kaibigan na eulogy pala ang aming dadaluhan. saka ko na lang nalaman nung nasa tapat na kami ng funeral chapel. ayoko sanang bumaba ng kotse kasi di ko naman talaga kilala yong pamilyang dadalawin ng kupal kong kaibigan pero for the sake of courteousnesses e bumaba na rin ako. tinginan ang tao sa akin. ininda ko lang ang matatalim na tingin sa akin. tuloy tuloy lang ako. binalak ko ding maghanap ng kape pero zesto lang daw ang meron at puto. ang kapal lang talaga ng mukha ko.

nung nakaupo na ako, napatingin ako sa salamin malapit sa akin. narealized kong magkakapareho sila ng kulay ng damit, itim. ako lang tong nakapula. kumusta naman ang red shirt lolo? ano to birthday party ko? pormal sila manamit. ako parang mag-gogolf lang. hiyang hiya ako sa kinauupuan ko.

my gawwwwwwdddd! ito na ba ang sinasabing swerteng hatid ng red shirt na to? erase. erase. erase.

9 (na) komento:

gillboard ayon kay ...

Diba bawal magpula sa patay? Medyo nakakailang nga yang sitwasyon mo. Kung sakin nangyari yan baka wala nako ipamukha dun sa namatayan.

atticus ayon kay ...

nyahahaha! iyan ang hirap pag walang briefing muna tungkol sa lakad

Athena ayon kay ...

wow. iba ang background ha.. tama si atticus. dapat nga may briefing muna sa mga lakad.hehehe

by the way this is my new site
http://www.athena-feelfree.info.

empi ayon kay ...

nangingibabaw ang polong pula lolo... kasalanan ng kaibigan mo yan. hehehe

Bhing ayon kay ...

buti hindi ka pinaalis ng pamilya ng namatayan :) haha!

happy weekend Mang Poldo!

Athena ayon kay ...

hello mang poldo. by the way this is athena. this is my new site. my own site na. hehehe. someone give it to me. sana makapunta ka rin dito..

athena ayon kay ...

hello there

athena ayon kay ...

this is also athena. this is my new site na... you can visit anytime. thanks

Super Balentong ayon kay ...

isa kang golfer! isa ka sa nagpapatunay na ang pambansang inumin sa burol ay zesto! mabuhay ka. anong klaseng zesto drinker ka?