Miyerkules, Pebrero 2, 2011

nang masira ang header ko.

quick post lang to.

nasira ang header ng blog ko. sinabi sa akin ni yanah na paliitin ko daw. sumunod naman ako. ang kaso hindi ko makita yong original picture na ginamit. since matalino ako. ni-print screen ko. ang kaso may blog title pala. so nagkadoble doble. ampanget. ito ang ebidensya.


may meeting ako ng alas nuebe. may boys night out din kami ng mga barkada ko after ng meeting. balak ko pa naman sanang ipagyabang sa kanila ang blog na to. pero hindot! ewan ko kung paano ko ipapakita ang ipinagyayabang kong blog sa kanila na ginugol ko sa loob ng anim na buwan.

papalitan ko muna. ayokong namang maduling ka nang dahil sa header ko. bukas ko na aayusin. o sya sige aalis na ako.bye.

PS. PLEASE LANG WAG MONG PAGTAWANAN ANG TEMPORARY HEADER KO. PAPALITAN KO DIN YAN BUKAS.

UPDATE: NAAYOS KO NA ANG HEADER KO PERO DI KO NA MATAGPUAN YONG ORIHINAL NA RETRATO. :(

6 (na) komento:

gillboard ayon kay ...

Mang Poldo, wala sa header yan. Nasa laman. ;)

Bhing ayon kay ...

agree ako sa comment sa taas.

happy chinese new year!

empi ayon kay ...

natawa ako sa picture mang poldo..nakakaduling tingnan. hehehe!

kasi naman e... nakinig kay yanah! Lols!

rainbow box ayon kay ...

buti nalang napalitan na! :D

glentot ayon kay ...

Ang mai-aadvice ko lang eh next time, wag mo nang i-printscreen kundi i-rightclick at save picture as. Para makuha mo ung orig pic na hindi kasali ung header... pero mukhang OK naman din yang new header mo hehehe...

Pareho pala tayo hindi mapakali kapag sira ang blog...

eloiski ayon kay ...

ang astig kaya ng header mo... para sa lasing! HAKHAK!