tahimik ang buong kabahayan kanina nang may masipatan akong tunog mula sa kusina. alam kong hindi ordinaryong tunog lang yon, at hindi ko maaaring ikumpara sa kaluskos ng mga daga sa kisame.kilala ko ang mga kaluskos. pero medyo hawig ang tunog sa dumadaing na asong kalye. pinakinggan kong mabuti. sinuri ko kung saan nanggagaling ang tunog pero mas nananaig ang pagnanais kong malaman kung kanino galing yong mapahabag na tunog, patawarin.
kilala ko na ang tunog, kilala ko na kung kanino nanggagaling yon. kilala ko na ang salarin. isa sa mga taong madalas kung makasalamuha. paksiyet, sya na naman ang bumida.
tengeneng eneng eh eh tengeneng eneng eh eh waka waka eh eh... tengeneng tengeneng ano na ang paprika...
-si manang kumakanta ng waka waka habang nagluluto ng tanghalian kanina.
(kung nagsasawa ka na sa mga kuwento ni manang, pasensya.)
4 (na) komento:
HAhahaha... kala ko kung anong tunog na yan...
tengeneng eneng.... hahahaha
mabuhay ka manang!
kakaiba si manang. pahiram nga at nang may maglinis ng kalat ko sa maliit kong lugar.
Mag-post ng isang Komento