bago ako grumdaweyt sa highschool nagkaroon muna ng bonding ang barkada. isa pa birthday ng isa naming kabarkada. apat lang kaming nagpakasasa sa alak nung time na yon. wala yong iba, nagpakabanal.
ang venue sa bahay ng isang kabarkada din. at ang kwento, magsisimula dito.
itago na lang natin ang bida sa pangalang lito. hindi kasing vocal katulad namin tong si lito. pero may angkin syang talino, inshort kinuha namin sya para maging brainy sa grupo.
one time, napagdiskitahan naming manood ng porn sa bahay nila lito. ang alam naming tahimik at refined na si lito e marami palang kabalbalan na koleksyon ng betamax. mga classic porn. nagulat kami. tinaob ang SALAT part 2.
out of curiosity (again) nanonood kami. akala namin yong isang barkada namin ang bihasa sa ganitong bagay, di pala dahil maliban sa pagiging academically inclined nitong si lito e ganun din pala pagdating sa kababuyan. hahaha.
habang nanonood kami. since mga bata nga, hindi ko mapigilang kabahan. totoo wala ako sa konsentrasyong manood. natatakot kasi ako baka mahuli kami, isumbong ako sa tatay ko. naiihi akong ewan. at panay ang tingin ko sa pinto.
My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam
My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam
si lito kampante. walang kaabog abog na kabang nararamdaman.
fast forward. medyo lasing na kami kaya tinigil na din naming manood. isa pa, baka maabutan kami sa ganoong eksena ng magulang ni lito, malaking eskandalo. groggy na ako that time. ganun din yong dalawa kong kasama, si lito--- kampante, at mukhang di tinatablahan ng espiritu ng alak.
fast forward ulit. naligpit na namin ang kalat. nagayos ng sarili at handa ng matulog.
more more fast forward. nagising na lang ako na umuuga ang kama. king size ang kama. lahat kami dun nahiga. kasya ang apat na kabataang lalaki.
lumilindol lumilindol! sabay sabay naming bulalas. pagbukas ng ilaw. nakita namin si lito, may ginagawang milagro.
at sabay sabay kaming kumunta sa kanya ng...
maligayang bati...
maligayang bati...
maligayang maligyang...
maligayang bati.
kung nasan ka man ngayon pareng lito, happy birthday tol. hintayin mo na lang ang barkada dyan sa kinalalagyan mo. maraming salamat sa tunay na samahan. ihanda mo na lang ang mesa at upuan dyan, kuntodo inuman ang magaganap pag buo na ang barkada, kahit gawin pa nating tanggero si lucifer nyan!
4 (na) komento:
di ko alam kung dahil sa muta o sa kwento pero medyo naluha ako. iba kasi yung friendship niong magkakabarks. nakakatouch yung last part.
asan na po si kuya lito? buhay pa po ba siya?
haha! nice one mang poldo! saya ng ala-ala ng barkada nyo. apir tayo sa kwento!
ang ganda nmn ng kwento tungkol sa barkada nyo....
magkikita pa rin kayo nyan..:)
Mag-post ng isang Komento