dalawang klase ng utot ang meron ako. depende sa panahon, depende sa kinain at depende sa itinakda ng tadhana.
meet utut and etet!
utut! (may conviction sa pagbigkas) malakas na pagsabog pero walang masyadong casualty ang hatid. noice pollution kung maituturing. walang amoy na masasamyo, kung meron man banayad lang sa damit parang downy. subalit hindi nababagay sa mga formal occasions, nagdudulot ng matinding kahihiyan sa tao lalo na sa mga kliyente
etet, utot na mahina as in sobrang hina pero makamandag ang amoy. or pwedeng iniipit ipit mo sya. may effort. nagmamantsa sa damit, kelangan pa ng pinagsamang ariel at zonrox para mawala. hindi nababagay sa mataong lugar. masyadong mabangis.
they were both my angels of demons; at all times when i have to proclaim for my relief for goodness!
to make it short, utotin ako!
one time i went to sm north and the only transportation that i could rely on was MRT. forget the siksikan! makarating lang ako on time ( i had a meeting with a client). the last time na sumakay ako ng train dito sa pinas e sa LRT pa at token pa ang gamit, yong mukhang sampung piso ngayon. kaya nahirapan akong isuksok yong card na sa makinang kumakain ng tanga. kelangan pala ng matinding konsentrasyon ampotah.
jumppack ang drama ng potang inang train, parang ayaw magpasakay. konti na lang magkakapalitan na kayo ng pagmumukha. may kaharap ako, isang lalaking pinaglaruan ang foundation sa mukha partida nakabestida si kuya. at kung sya man ang makakapalit ko ng mukha, wag na. pasagasaan na lang ako sa train mabuti pa.
nasa elevator pa lang ako ng shaw boulevard e nauutot na ako. at potang inang elevator na yan ang tagal bumakas. nananadya. ang tindi ng pawis ko dun, nauutot na nga ako claustrophobic pa. hows that?
nasa ortigas station na ang train nang maramdaman kong hindi ito tatagal. may kung anong hangin ang gustong kumawala. iniisip ko kung si etet ba o kung si utot. pero wala sa dalawa ang gusto kong umeksena kundi matinding iskandalo ito. jumppack, aircon, confined at kulob? kumusta naman ang ventilation, hello?
nakahawak ako sa pole habang tumatakbo ang mrt. nag-iisip ako ng happy thougts para madivert yong concentration ko sa pagutot. iniisip kong nagpo-pole dancing ako sa loob ng mrt train, na ako lang ang tao pero maraming camera, ang weird lang pero gusto ko lang talaga patawanin ang sarili ko. happy thoughts! happy thoughts! happy thoughts! happy...teeeeeeeeettttttttttttt...
patay! si etet ang lumabas. lumingon ako isang mama ang nakaupo sa likod ko, natutulog. maya maya kumunot ang noo. saka nagtakip ng ilong saglit. tumingala. patay malisya ako. nakatitig pa rin sa akin ang lalaki. kunyari tumitingin naman ako sa billboard...interesado kuno sa gatas na nido. bumaling ang tingin ng lalaki sa katabi kong binata. nagkasulubong sila ng tingin. muli...patay malisya ako.
wala akong naamoy, ibig sabihin hindi ganun katindi ang ipinamalas na bagsik nitong si etet. nangiti ako. pero alam ko maya maya lang susugod muli sya, hindi ko lang alam kong mas matindi o matabang pa rin ang timpla.
lumipat na ako ng pwesto nung magbabaan ang mga tao sa cubao station. lumipat ako sa kabilang dako para mas malapit na ako sa pinto. inaalala ko baka kasi sa tulak gumanti ang mamang naututan ko.
kaharap ko na ang mama, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. ang sama kong nilalang. walang pakundangang gumawa ng krimeng nagmamaangmaangan. sinilip ko ang lalaki. wala na ang kunot noong ekspresyon sa mukha, tanda na nahimasmasan na rin sya. pasensya na.
nilabas ko ang telepono ko, kukunan ko ng picture, remembrance kako. klik!
at ito ang aking naging biktima, si kuya.
at talagang tumitingin pa talaga sya. walang personalan tol, nautot lang. again, pasensya.
6 (na) komento:
Buti na lang kapag umuutot ako walang amoy. LOL!
mahirap pag si etet lalo na pag kulob, pero okay sya kapag open space.
isama niyo na po ako.. dalawa tayo... magpasabog tayo ng lagim... lalaban ako dyan..
potragis ka po. hahaha baket ka naman nautot di mo man lang sinabay sa ting ding. arriving at ayala station.
at nakapagpicture ka pa! idol! hahah
add po kita sa links ko ha
http://jezonhamster.com
hindi ko po napigilang tumawa. pinagtinginan ako ng kaopismyt ko sabay lipat ng tab sa nirerelayout kong article.
buti na lang po wala pa kong naexperience na ganya sa mrt. ahahaha.. gusto ko po yung happy thoughts parang ako pag natatakot ako.. ahahaha
Mag-post ng isang Komento