namumutakti sa balita ang pagbitay ng tatlong pinoy sa tsina. nagkasala di-umano ang mga pinoy na ito dahil sa drug trafficking.
drug. isang napakatandang problema ng ating lipunan. binata pa lang ang tatay ko meron na yan, hangang sa magbinata at tumanda ako iyan at iyan pa rin ang problema. nasosulosyunan ba? hindi.
ang totoo nyan, hindi naman talaga ang droga ang talagang ginagamit e. kundi yong lahat ng mga taong sangkot din. oo lahat. as in lahat. mula drug lord hangang sa user. lahat sila naggagamitan. ginagamit ang kakayahan, kahinaan at katangahan ng bawat isa. sinong naadik? sinong yumayaman? sinong nabubuang? sinong nakukulong? sinong narerhab? sinong namamatay? sila!
natatawa na lang ako sa gobyerno natin, kung kelan malapit nang mabitay ang mga kaawa-awang pinoy saka nagkakarambulan para masolusyunan which in fact sila naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng to.
bakit?
una, hindi magnanais ang mga pilipinong yon kung may magandang buhay sila dito sa pilipinas. hindi sila aalis ng kanilang bansa para maghanap ng pera para ipambili ng ipanglalamon sa pamilya nila. hindi sila magdadalawang isip para gawin ang kasalanan na dapat matagal nang nasosolusyunan ng ating gobyerno. hindi dapat mangyari ang itinakdang mangyayari.
bakit ulit?
isipin mo, kung walang kurap sa gobyerno, kung walang buwaya, kung walang mga halimaw at ganid sa malalamig na opisina. hindi maghihirap ang ating bansa. hindi maghihirap ang bawat pilipino. hindi.
at kung meron konkretong pundasyon ang gobyerno para sa pagsupil ng kurapsyon, mawawala mga yan. ang kaso mo, may nababayaran at nabibili ng pera. nakakawalang respeto ang mga tulad nila.
at kung matuloy man ang bitay ng tatlong pinoy, isa lang talaga ang dapat kong sisihin... ang gobyerno.
hmp. putragis nahahayblad lang ako!
6 (na) komento:
"kung"
ang kaso mo... hindi eh...
kadikit na yata talaga ng gobyerno ng [pilipinas yan, hindi na mawawala. kahit anung administrasyon ang humawak.. meron at meron nyan.. ang pagkakaiba lang, ang level, (level ng pagsupil, level ng pagtatago o kaya naman level ng pagiging talamak)
nakakalungkot.. pero yan ang isang fact na sa tingin ko eh hindi na mababago kailanman tungkol sa pilipinas....magkaron man (kunyari) ng isang matinong presidente, hindi nya kakayanin.. hindi kakayanin ng isang matinong tao na mapagbago ang isang buong "government system" na sa antigo na ang pagkabulok.. malamang sa malamang ang mangyari eh "if you cant beat them.. join them" ang drama..
sorry naman.. napahaba..
chillax nalang para di ma hb.. that's why my political view is just simple 'effing sheets of paper' hahaha
@visit me back.. xlinks
kaya nga ba ayoko ng subject sa skul na may kahit anung kinalaman sa politics at government. anu pa nga ba ang makukuha mong magandang leksyon jan kung ang pinagaaralan mo e bulok naman?
kahit siguro abutin pa ng one thousand years, hindi pa rin masusulusyunan yan, kung merong taong gahaman sa pera, silaw sa kayamanan at tangang botante.
kung mismong mga tao sa gobyerno e walang pagkukusang magbago, hindi na siguro ako aasa na masusulusyunan ang problema ng lipunan. malungkot isipin, pero totoo. samantalang nagpapaka-sasa ang ibang nasa posisyon, lalo namang nababaon sa putik ang maliliit na tao.
matagal na kasing sakit ng lipunan ang kasiraan ng gobyerno. kahit ata fresh start na gov. e di kayang supilin ang korapsyon
parang hindi ako sanay. ang seryoso ng nabasa ko dito mang poldo.
magandang araw po ginoong poldo, sa aking palagay hindi lamang ang gobyerno ang may kasalanan. Isipin na lang natin na ang gobyerno ay pinapatakbo at pinamumunuan ng tao. Kung ang mga taong ito ay may kunsensya at tamang asal hindi nila gagawin ang mali. Nasa tao pa din ang desisyon. Kung gustuhin nia mang maging masama, drug addict, pusher, drug lord choice niya ito. :D
Mag-post ng isang Komento