Lunes, Pebrero 28, 2011

saan nagsimula ang sr. pedro

once upon a time, merong isang taga bantay sa isang palasyo na ang pangalan ay san pedro.
sabong ang libangan ng guwardiya-sibil na ito. pag-aalaga ng manok na tandang ang ultimate hobby nya, pangalaawa na lang ang pagpe-facebook.

sa kanilang palasyo, meron isang bahagi ng lupa na inilaan lamang kay pedro, tinwag nya yong breeding ground.

at sa breeding ground na yon lahat ng manok na hindi umabot sa standard ay rejected. iniipon at isolated sa mga good ones. nilalagay sa isang malaking truck saka ipapatapon sa isang pit. pinapatapon sa impyerno. sinusunog.

at doon nagsimula ang sr. pedro. ang lechong manok na masarap kahit walang gravy. tamaaaah!

ang alamat ng sr. pedro, bow.

Linggo, Pebrero 27, 2011

senyales

signs na tumatanda ka na.

masakit ang kasukasuan.
nahihilig sa mga bata. nakikita mo kasi sa kanila ang sarili mo nung bata ka pa.
nagiging health conscious.
nahuhumaling sa usapang politika, o anumang bagay na makapagbibigay ng opinyon.
bawal ang pork. (naknampotah)
bawal ang beans.
hinihikayat ng kapwa matatanda na umattend ng prayer meetings. (for goodness salvation???)
masyadong inu-opo. (yes po)
nanlalabo ang paningin.
laging may discount.
ibinibili ng sustagen premium.
maagang nagigising.
laging masakit ang likod.
hindi na tinitigasan...ng damdamin. (magpatawad)
gusto lagi may family reunion.
nagsisimula nang maginquire sa mga insurance.
napapatawa minsan pag may naaalalang pangyayari noong bata pa.
nahihilig nang manood ng tv. wala daw kasing entertainment package sa kabilang buhay, maliban sa sabungan ni san pedro.
mas gugustuhing nasa loob ng bahay kesa mamasyal. (totoong rason mausok. hinihika)
hindi maintindihan ang mood, minsan iritable minsan masayahin.
makakalimutan.(its a fact, and its a fuck)

oh well...

Sabado, Pebrero 26, 2011

may pag-asa pa

kagagalign ko lang ng selebraston sa edsa. wala naman akong nakitang interesanteng bagay na kukuha ng atensyon ko maliban dun sa matandang lalaking may kalong na gitara at kumakanta habang nanghihingi ng donasyon sa mga dumaraan sa overpass, yun lang.

naisip ko ilang edsa revolution na kaya ang natunghayan at nasaksihan ng matandang to. at naramdaman ba nya ang pagbabago na hinangad ng mga naki-edsa? may nagbago ba sa buhay nya? kung meron man bakit ganun, nanlilimos pa rin sya?

kanina, ginawang komersyalismo ang selebrasyon. nandyan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano, mula sa pagkain hanggang sa anik anik na pansabit sa telepono. nandyan yong nagbibigay ng flyer ng condo. nandyan yong kwek kwek, itlog, balut, pinoy este penoy at mani.

ewan.

pero kahit papaano, biglang nagbalik sa akin ang alaala ng edsa revolution 1. bigla kong naramdaman muli na isa akong pilipino sa hirap at ginhawa. nagnanais pa rin ako ng pagbabago.

may pag-asa pa naman di ba? hanggat nabubuhay yong matandang kumakanta ng bayan ko. hanggat may espasyo pa ng barya sa kanyang lata, may pag-asa pa. hanggat kuba pa syang nabubuhay, may pag-asa pa. ganun din ang pilipinas, at ang pilipino, may pag-asa.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

wrong sent

nagpaload ako kanina. pumunta sa malapit na tindahan. at sa lahat naman talaga ng panahon, naitadhana pang nakasimangot at masungit si ate tilda.

ate paload ho.
(hindi sumasagot, abala sa pagtetext habang kusot ang noo)
ate paload ho, globe at smart. pag-uulit ko.
pakisulat na lang dyan sa papel.magkano? (pasigaw nyang sabi)
terti terti ho. (sabay sulat sa papel ang numero)

wala ata sa mood si ate, pilit kong inunawa kasi baka may regla lang yong matanda. nasa edad singkwenta na nga pala sya. pahabol kumbaga. hahaha

nagbayad na ako saka umalis. nagtataka lang talaga ako kung bakit ganoon na lamang ang mood nya, samantalang pag nakikita ko sya masayahing matanda. laging nakangiti kahit tatlo na lang ang iping natitira.

maya maya lang nakatanggap ako ng text...

WAG KANG MAG-ALALA PINADISPATYA KO NA.SIGURADONG PATAY YUN.

wrong sent! nagulat ako sa nabasa ko. maliban sa barkada ko iilan lang ang nakakaalam ng number ko. mas may silbi pa nga ang email sa akin kesa sa telepono. kaya malaking pinagtataka ko lang kung kanino galing ang text na yon. malakas ang kutob ko kay aling tilda galing yun.

ang tanong, tama lang bang hindi ko reply-an ang text, hindi ba kabastusan yun? gusto ko sanang sabihing...ChUReEH PoWH,,,WRoNgH ChEnt Fuh KaUyOw. T.T

Lunes, Pebrero 21, 2011

maligayang bati

bago ako grumdaweyt sa highschool nagkaroon muna ng bonding ang barkada. isa pa birthday ng isa naming kabarkada. apat lang kaming nagpakasasa sa alak nung time na yon. wala yong iba, nagpakabanal.

ang venue sa bahay ng isang kabarkada din. at ang kwento, magsisimula dito.

itago na lang natin ang bida sa pangalang lito. hindi kasing vocal katulad namin tong si lito. pero may angkin syang talino, inshort kinuha namin  sya para maging brainy sa grupo.

one time, napagdiskitahan naming manood ng porn sa bahay nila lito. ang alam naming tahimik at refined na si lito e marami palang kabalbalan na koleksyon ng betamax. mga classic porn. nagulat kami. tinaob ang SALAT part 2.

out of curiosity (again) nanonood kami. akala namin yong isang barkada namin ang bihasa sa ganitong bagay, di pala dahil maliban sa pagiging academically inclined nitong si lito e ganun din pala pagdating sa kababuyan. hahaha.

habang nanonood kami. since mga bata nga, hindi ko mapigilang kabahan. totoo wala ako sa konsentrasyong manood. natatakot kasi ako baka mahuli kami, isumbong ako sa tatay ko. naiihi akong ewan. at panay ang tingin ko sa pinto.

My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam


My heart beats like a drum like a drum
Dam dam dam dam dam dam
And my feet step the beats like a drum
Dam dam dam dam dam dam




si lito kampante. walang kaabog abog na kabang nararamdaman.

fast forward. medyo lasing na kami kaya tinigil na din naming manood. isa pa, baka maabutan kami sa ganoong eksena ng magulang ni lito, malaking eskandalo. groggy na ako that time. ganun din yong dalawa kong kasama, si lito--- kampante, at mukhang di tinatablahan ng espiritu ng alak.

fast forward ulit. naligpit na namin ang kalat. nagayos ng sarili at handa ng matulog.

more more fast forward. nagising na lang ako na umuuga ang kama. king size ang kama. lahat kami dun nahiga. kasya ang apat na kabataang lalaki.

lumilindol lumilindol! sabay sabay naming bulalas. pagbukas ng ilaw. nakita namin si lito, may ginagawang milagro.

at sabay sabay kaming kumunta sa kanya ng...

maligayang bati...
maligayang bati...
maligayang maligyang...
maligayang bati.

kung nasan ka man ngayon pareng lito, happy birthday tol. hintayin mo na lang ang barkada dyan sa kinalalagyan mo. maraming salamat sa tunay na samahan. ihanda mo na lang ang mesa at upuan dyan, kuntodo inuman ang magaganap pag buo na ang barkada, kahit gawin pa nating tanggero si lucifer nyan!

Linggo, Pebrero 20, 2011

nagkabanggaan


ser! ser! ser! patakbong papunta sa akin si manang, dala ang isang balita.

yong train! yong train nagkabanggaan! ang tanga tanga ng driver di man lang nakita yong kasalubong.

ha? alin ba? pausisa kong tanong.

sabi kasi sa radio may nagkabanggan daw na train dyan sa may north edsa. ang bobo bobo ng driver!

pano mo nasabi?

kasi nga hindi nakita yong paparating na train? o kaya nakatulog yong driver, o kaya adik yong driver.

sure ka bang ganun nga ang nangyari?

ewan, di ko pinatapos yong balita e. sinabihan kasi kita agad ser. (at ako pa talaga ang may kasalanan hahaha)

ano ka ba malabong magkaroon ng train na magkasalubong ang landas.kung adik man yun o nakatulog, hindi ko alam.

ganun po ba.

oo, balikan mo yong radyo mo para kompleto ang ibabalita mo.

(bumalik si manang sa kusina, nagkakamot ng ulo)

si manang talaga, gumagawa ng sariling bersyon ng istorya.pero sa tingin mo adik kaya yong driver? lols

Biyernes, Pebrero 18, 2011

droga

namumutakti sa balita ang pagbitay ng tatlong pinoy sa tsina. nagkasala di-umano ang mga pinoy na ito dahil sa drug trafficking.

drug. isang napakatandang problema ng ating lipunan. binata pa lang ang tatay ko meron na yan, hangang sa magbinata at tumanda ako iyan at iyan pa rin ang problema. nasosulosyunan ba? hindi.

ang totoo nyan, hindi naman talaga ang droga ang talagang ginagamit e. kundi yong lahat ng mga taong sangkot din. oo lahat. as in lahat. mula drug lord hangang sa user. lahat sila naggagamitan. ginagamit ang kakayahan, kahinaan at katangahan ng bawat isa. sinong naadik? sinong yumayaman? sinong nabubuang? sinong nakukulong? sinong narerhab? sinong namamatay? sila!

natatawa na lang ako sa gobyerno natin, kung kelan malapit nang mabitay ang mga kaawa-awang pinoy saka nagkakarambulan para masolusyunan which in fact sila naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng to.

bakit?

una, hindi magnanais ang mga pilipinong yon kung may magandang buhay sila dito sa pilipinas. hindi sila aalis ng kanilang bansa para maghanap ng pera para ipambili ng ipanglalamon sa pamilya nila. hindi sila magdadalawang isip para gawin ang kasalanan na dapat matagal nang nasosolusyunan ng ating gobyerno. hindi dapat mangyari ang itinakdang mangyayari.

bakit ulit?

isipin mo, kung walang kurap sa gobyerno, kung walang buwaya, kung walang mga halimaw at ganid sa malalamig na opisina. hindi maghihirap ang ating bansa. hindi maghihirap ang bawat pilipino. hindi.

at kung meron konkretong pundasyon ang gobyerno para sa pagsupil ng kurapsyon, mawawala mga yan. ang kaso mo, may nababayaran at nabibili ng pera. nakakawalang respeto ang mga tulad nila.

at kung matuloy man ang bitay ng tatlong pinoy, isa lang talaga ang dapat kong sisihin... ang gobyerno.

hmp. putragis nahahayblad lang ako!

Huwebes, Pebrero 17, 2011

kababalaghan sa mrt

isa akong salarin pagdating sa ututan. bata pa lang ako taglay ko na ang dambuhalang blower sa aking tyan, isang nakagigimbal na sumpa. fucking genes?

dalawang klase ng utot ang meron ako. depende sa panahon, depende sa kinain at depende sa itinakda ng tadhana. 

meet utut and etet!

utut! (may conviction sa pagbigkas) malakas na pagsabog pero walang masyadong casualty ang hatid. noice pollution kung maituturing. walang amoy na masasamyo, kung meron man banayad lang sa damit parang downy. subalit hindi nababagay sa mga formal occasions, nagdudulot ng matinding kahihiyan sa tao lalo na sa mga kliyente

etet, utot na mahina as in sobrang hina pero makamandag ang amoy. or pwedeng iniipit ipit mo sya. may effort. nagmamantsa sa damit, kelangan pa ng pinagsamang ariel at zonrox para mawala. hindi nababagay sa mataong lugar. masyadong mabangis.

they were both my angels of demons; at all times when i have to proclaim for my relief  for goodness! 

to make it short, utotin ako!

one time i went to sm north and the only transportation that i could rely on was MRT. forget the siksikan! makarating lang ako on time ( i had a meeting with a client). the last time na sumakay ako ng train dito sa pinas e sa LRT pa at token pa ang gamit, yong mukhang sampung piso ngayon. kaya nahirapan akong isuksok yong card na sa makinang kumakain ng tanga. kelangan pala ng matinding konsentrasyon ampotah.

jumppack ang drama ng potang inang train, parang ayaw magpasakay. konti na lang magkakapalitan na kayo ng pagmumukha. may kaharap ako, isang lalaking pinaglaruan ang foundation sa mukha partida nakabestida si kuya. at kung sya man ang makakapalit ko ng mukha, wag na. pasagasaan na lang ako sa train mabuti pa.

nasa elevator pa lang ako ng shaw boulevard e nauutot na ako. at potang inang elevator na yan ang tagal bumakas. nananadya. ang tindi ng pawis ko dun, nauutot na nga ako claustrophobic pa. hows that?

nasa ortigas station na ang train nang maramdaman kong hindi ito tatagal. may kung anong hangin ang gustong kumawala. iniisip ko kung si etet ba o kung si utot. pero wala sa dalawa ang gusto kong umeksena kundi matinding iskandalo ito. jumppack, aircon, confined at kulob? kumusta naman ang ventilation, hello?

nakahawak ako sa pole habang tumatakbo ang mrt. nag-iisip ako ng happy thougts para madivert yong concentration ko sa pagutot. iniisip kong nagpo-pole dancing ako sa loob ng mrt train, na ako lang ang tao pero maraming camera, ang weird lang pero gusto ko lang talaga patawanin ang sarili ko. happy thoughts! happy thoughts! happy thoughts! happy...teeeeeeeeettttttttttttt...

patay! si etet ang lumabas. lumingon ako isang mama ang nakaupo sa likod ko, natutulog. maya maya kumunot ang noo. saka nagtakip ng ilong saglit. tumingala. patay malisya ako. nakatitig pa rin sa akin ang lalaki. kunyari tumitingin naman ako sa billboard...interesado kuno sa gatas na nido. bumaling ang tingin ng lalaki sa katabi kong binata. nagkasulubong sila ng tingin. muli...patay malisya ako.

wala akong naamoy, ibig sabihin hindi ganun katindi ang ipinamalas na bagsik nitong si etet. nangiti ako. pero alam ko maya maya lang susugod muli sya, hindi ko lang alam kong mas matindi o matabang pa rin ang timpla. 

lumipat na ako ng pwesto nung magbabaan ang mga tao sa cubao station. lumipat ako sa kabilang dako para mas malapit na ako sa pinto. inaalala ko baka kasi sa tulak gumanti ang mamang naututan ko. 

kaharap ko na ang mama, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. ang sama kong nilalang. walang pakundangang gumawa ng krimeng nagmamaangmaangan. sinilip ko ang lalaki. wala na ang kunot noong ekspresyon sa mukha, tanda na nahimasmasan na rin sya. pasensya na.

nilabas ko ang telepono ko, kukunan ko ng picture, remembrance kako. klik! 

at ito ang aking naging biktima, si kuya.





at talagang tumitingin pa talaga sya. walang personalan tol, nautot lang. again, pasensya.

Miyerkules, Pebrero 16, 2011

malikhaing pag-iisip...

dear poks,

majejebs ka pa ba pag ganitong toilet bowl ang bubungad sa yo?


parang di ko kayang umere pag nasa ganyang sitwasyon ako mahihiya masyado ang sphincter ko.

ps: may sakit ako ngayon kaya kung anu ano na lang ang naiisipan kong ipost. ginagamit ko lang naman ang malikhain kong pag-iisip. pasensya.

sincerely, 
mang poldo

Martes, Pebrero 15, 2011

si berto...

dear berto,

sa wakas nakita din kita!

naalala mo pa ba kung paano mo ako i-bully nung kasagsagan ng kabataan natin? kung paano mo ako pinakain ng graba nang dahil sa pinagaagawan nating si crisitna, di hamak kasing mas guapo ka sa akin ng 2 inches, at di hamak na mas mayaman ka kesa sa akin.

at ang kapal lang ng mukhang mo nung inadd mo ako sa facebook, akala ko ako na sa magkakaklase ang meron nito. hindi pala, dahil natuklasan kong meron ka rin palang tagged, hi5, myspace at friendster. ni hindi ko nga maisip na naglalaro ka rin pala ng dota. ikaw na!

wag mong sasabihin sa aking nagba-blog ka rin.

gusto sana kitang kamustahin, kung ilan na ang kotse mo, bahay, magkano ang assets and liabilities, at kung ilan na ang naging babae mo kaso naduwag ako, naduwag akong malaman ang katotohanang mas lamang ka pa rin talaga sa akin lalo na pagdating sa babae. ikaw na ang tong matinik.

yaman lamang at nakita kita sa facebook, sige i-aaccept ko ang friend request mo. natuwa naman ako ng onting onti sa picture profile mo. ( *pigil *BUWAHAHAHAHAHA )

panigurado, mahihiya sa yo nyan si lady gaga. tsk. o baka naman idol mo sya? dili kaya?

ps. nilagyan kita ng mask para kunyari di ka makilala. 

pumapakingshet,
mang poldo

Lunes, Pebrero 14, 2011

make up

ngayon ngayon lang. narinig ko sa harapan ng bahay si letlet kausap ang kalarong si junjun. bestfrend ang dalawa. halos magkasing edad lang kasi sila.

junjun! lika laro tayo!
ano lalaruin natin?
make-up makeup-an!
ayoko magagalit na naman si tatay, papaluin na naman ako.
hindeeee...ako bahala!
eeeeeehhh ayokooo sabi eeeh.
ako naman tong magme-make-up sa yo e. hindi ikaw meron akong bagong krip paper, green!
talaga? sige sige...mamaya ha, kakain lang ako.

patay kang junjun ka! bad influence talaga tong si letlet.

Biyernes, Pebrero 11, 2011

ang mahiwagang tunog mula sa kusina

tahimik ang buong kabahayan kanina nang may masipatan akong tunog mula sa kusina. alam kong hindi ordinaryong tunog lang yon, at hindi ko maaaring ikumpara sa kaluskos ng mga daga sa kisame.kilala ko ang mga kaluskos. pero medyo hawig ang tunog sa dumadaing na asong kalye. pinakinggan kong mabuti. sinuri ko kung saan nanggagaling ang tunog pero mas nananaig ang pagnanais kong malaman kung kanino galing yong mapahabag na tunog, patawarin.

kilala ko na ang tunog, kilala ko na kung kanino nanggagaling yon. kilala ko na ang salarin. isa sa mga taong madalas kung makasalamuha. paksiyet, sya na naman ang bumida.

tengeneng eneng eh eh tengeneng eneng eh eh waka waka eh eh... tengeneng tengeneng ano na ang paprika...
-si manang kumakanta ng waka waka habang nagluluto ng tanghalian kanina.

(kung nagsasawa ka na sa mga kuwento ni manang, pasensya.)

Huwebes, Pebrero 10, 2011

ang boobs, bow.

tahimik akong nakaupo habang nanonood ng tv nang lumapit sa akin si letlet.

mang poldo, bakit po may dede ang mga babae? bakit po maliit tong sa akin.

hinsi ako agad nakasagot. sa totoo lang hindi ko alam ang aking isasagot. wala akong kamuwang muwang sa napakainosenteng tanong nya. o kung meron man hindi nababagay ang sagot ko para sa murang isipan meron sya. matagal bago ako nakapagsalita. pinatapos ko muna ang isang patalastas sa tv habang sya'y blankong nakatitig sa akin. nag-iisip ako kung anong ingat ba ang dapat kong gawin para sa maselang tanong nyang inihandog sa akin. maingat, sa paraang alam kong matuto sya hindi lamang mapunan ang kuryusidad na bumabagabag sa kanya. nag-isip akong malalim, umaasang merong mahuhugot sa napapanot ko ng ulo. wala. walang akong maisip. pobreng matanda.

ngumiti ako sa kanya. bakit mo naman naitanong yan? tugon ko.

wala lang po. kasi po sa tv lahat ng babae may dede. samantalang ako wala pa.

kasi bata ka pa.

he hano ngayon?

basta paglaki mo malalaman mo din. alam kong vague ang sagot kong yon. hindi nakakasapat yon sa katanungan nya. lalong lalo na sa taba ng utak nya.

hindi mo alam no! pagmamagaling nya habang pinanlalakihan nya ako ng mata.

tanong mo sa mama mo, baka alam nya!

patakbong umalis si letlet patungo sa kusina.

MAMA PINAPATANONG PO NI MANG POLDO KUNG BAKIT MALALAKI ANG DEDE NYO!

(putragis na bata. ang tabil ng dila.)

ang mama at si lady gaga

sakay ng fx pauwi. taimtim akong naghihihtay ng isa pang pasahero upang makompleto ang apatang upuan sa likod. may dumating na malaking mama. maskels kung maskels.

"brad konting usod pa nga dyan" reklamo ng mama.
"wala na boss" mariing sagot ko.
"hindi tayo magkakasya kung magmamaramot ka" usal ng malaking mama.

nayabangan ako. una pa lang iba na ang dating ng mamang to. may yabang factor. walang 'excuse me lolo' i-uupo ko lang ho ang malaking kong puwet. walang ganun. mukha syang bouncer sa mumurahing club, ni hindi man lang makabali ng mumurahing cologne para sa kapakanan ng maraming nakakaamoy ng kanyang singaw sa katawan. hindi ako sa mapanlait at wala akong pakialam sa ibang tao pero para ipagduldulan mo sa akin na ganito ka, na ganyan ka, na ito ang gusto mo at walang understanding na nangyayari sa pagitan natin sa tingin ko hindi na yon tama.

totoo, nayayabangan ako sa mamang to.na pilit iniuusog ang sarili para lang ipagksya ang buong tapang nyang katawan. tahimik lang ako. pilit kong inaatake ang aking sarili ng happy thoughts.

paalis na ang fx nang magsuot ng earphone ang katabi kong malaking mama. pindot. pindot. may hinahanap sa ipod. pindot. hanap. hanap. pindot ulit. hindi ko na masyadong pinagaksayana pa ng pansin. maya't maya pa...

I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me
Papa, paparazzi
Baby, there's no other superstar, you know that I'll be
Your papa, paparazzi

Promise I'll be kind
But I won't stop until that boy is mine
Baby, you'll be famous, chase you down until you love me
Papa, paparazzi


potang ina! ultimate fanatic pala ni lady gaga ampotah!

Martes, Pebrero 8, 2011

dont try this at home

mulit muli buryong ang lolo. habang hinihintay ko ang TV patrol para manood ng balita napag-isipan ko munang mag internet.

sinubukan kong i-search ang pangalan ko.

at ito ang tumambad sa akin.


sira ang gabi ko! pakyu and ebriteng! makakapatay ako ng tao!

may yelo?

kanina habang nasa kusina ako, si manang nasa labas nagwawalis.

tao po pabiling yelo?
wala!
walang tao?
walang matigas na yelo?
sige po kahit yong may tubig-tubig na lang.
madaming tubig o konti?
yong konti lang ho.
wala e.
sige ho kahit yong madaming tubig na lang.
wala din.
sige na nga ice tubig na lang!
malamig o hindi masyadong malamig.
yong malamig po.
wala.
yong hindi na lang masyado.
wala din.
e bakit po may sign dito na ICE FOR SALE.
hindi amin yan. sa kabila yan.
hindi po, dito po.
hindi nga.
dito nga po.
WALA NGA! WALA KAMING YELO! HINDI KAMI NAGTITINDA NG YELO!
*umalis yong bata*

KUYA NAGBEBENTA PO BA TAYO NG YELO?!? sigaw ni manang.

MANANG ADIK KA BA? DI BA NGA WALA! HINDI TAYO NAGTITINDA! TIGIL TIGILAN MO NGA ANG PAGHIHITHIT NG SUNOG NA DETERGENT POWDER! *umalis yong matanda*

nice meeting you sabay babay.

hinamon ako ng isang blogger kanina na makipagkita. sabi ko, sige pero iba-blog kita kako. pumayag naman sya.

first time kong makipagmeet sa isang blogger. dati kasi kung hindi texmate e hooker. kinabahan ako sa simula. pero nung nakita ko sya tiwala naman akong walang mangyayaring sa aking masama. so far, okey naman ang chastity belt ko. intact at vault in pa naman. (peace) hahaha.

masaya syang kasama. pero sandali lang kami nagkita. mukhang may anxiety disorder o kaya xenophobic sya. tsk. pero okey lang. atleast masaya syang kasama.

at ito ang ebidensya.

nice meeting you iha.

Lunes, Pebrero 7, 2011

peksman hindi ako nagsisinungaling.

pramis hindi ako nagsisinungaling...

walang korapcion sa pilipinas. mabubuti ang karamihan sa mga opisyales ng gobyerno.
walang isnatcher dito. walang holdaper. walang drug addict. walang pusher. walang kidnapper. isandaang porsyento ng mamamayan nito ay banal at walang masasamang loob.

pramis, walang emo dito. walang konyo. walang plastik. walang epal. walang matapobre. pramis wala talaga. maniwala ka.

wala ding magnanakaw. walang buwaya. walang kotong. walang malilibog sa sinehan. walang hipuan sa MRT at LRT. walang manyakis. wala. as in wala. lahat mabubuti. as in lahaaaat!

paniwalaan mo ako.

walang kurap. walang naggagaling galingan. walang makakapal ang mukha sa senado. walang pork barrel. walang ill-gotten wealth. wala. as in wala. lahat perpekto.

walang nangongopya sa klase. walang bully. walang masungit na guro lalo na ang favoritism na guro. walang brain drain.

walang pirated dvd. walang rally. walang rebelde. walang naghihirap na mga matatanda sa kayle. walang kalat sa mga kalye. walang baha. walang krimen.

hindi totoong naghirap ang pilipinas nung panahon ng pag upo ni arroyo. sa katunayan umangat ang ekonomiya natin. komonti ang bilang ng pamilyang nagugutom. komonti ang pamilyang salat sa noche buena. komonti ang bilang ng mga batang palaboy laboy sa lansangan. lahat masaya. lahat perpekto. lahat masaya sa pamumuno ni gloria.

pramis, walang prostitusyon dito. walang diskriminasyon sa mga bakla. walang pangmamata sa mga handicapped. wala. as in wala.

PS: hindi rin pala totoong suplada si Marian Rivera. hindi malaki ang ulo nya. hindi sya feelingera. at higit sa lahat, may breeding sya dude. meron. meron talaga.

totoo lahat ng sinabi ko, hindi ako nagsisinungaling...mamatay man si glorya.

Linggo, Pebrero 6, 2011

ang speaker, ang karimarimarim na pelikula, at si manang na naistorbo sa paglalaba

one fine afternoon. pagkatapos kong manood ng teledrama sa tv. naisipan kong magbukas ng computer at maginternet. check ng email. check ng tumblr. check ng blog. at nagblog hop. nung matapos na ako. naisipan kong bumisita ng 'kakaibang' sites and then i stumbled upon this wholesome site porn porn porn porn porn porn site. okay give it a deal...matured site rather. hmp. balak kong gumawa ng movie review. lols

the movie has to play with audio. so binuksan ko yong speaker. ayaw gumana. inayos ko yong jack na nakasaksak sa likod baka kako nagkabaliktad lang ng pagkasaksak. ayaw pa rin. hinayaan ko ang potang inang subwoofer na yan. kinuha ko na lang yong headset ko, ni-plug saka walang pakundangan sinuot sa ulo. enjoy!

ohhh ohhh ohhh ahhh ahhh ahh ahh ahh ohhh ohhh ohh ohhhhhhh ahhhhhhh ahhhhhhhhh... (sound mula sa movie)

kinse minutos nang nakakalipas nang kumatok sa pinto si manang...

"KOYA! ANLAKAS NG TV MO DINIG PATI HANGANG KUSINA! PATAYIN MO NA LANG YANG DVD MO KUNG PATALBOG TALBOG LANG YONG BALA"

nagulat ako. pagtingin ko, gumagana ang putang inang speaker pala.

ang loser loser ko!

truths for mature human

Sabado, Pebrero 5, 2011

si mang poldo at si machete hindi nalalayong iisa.

i was navigating the whole page of blogspot and its feauture when i stumbled upon this button.
i swear i didnt know that. click.

referring sites. atleast may bumisita pala ng blog ko kahit papaano. wink.

referring URLs. I smiled. they seemed to be my frequent visitors. wink ulit.

pero nung nakita ko yong mga searching keywords. nagpalakpakan ang betlogs ko. tuwang tuwa ako. hahaha. sana lang totoo. at sana lang ako ang taong hinanap sa search keyword na to.


pero ang sabi buo ang katawan. hindi tinukoy kung macho. muli't muli nahihibang na naman ako. ambisyoso masyado.

Biyernes, Pebrero 4, 2011

ang vibrator, si ate at si yogi.

i watched a movie. out of curiosity and boredom na hatid sa akin ng pagiging bum.

gusto kong maging bata o kahit man lang maramdaman kong akoy isang bata---muli. the movie was good enough. enough to make me half asleep while the movie playing. half of it natulugan ko. saka lang ako nagising nung nagba-vibrate ang upuan ko. nagulat ako! putragis may ganung effect pala ang 3D movie na yan. akala ko dambuhalang vibrator na ang kinauupuan ko. ipanreregalo ko sana sa dating biyenan ko.

nag ayos ako ng sarili. naka-slouch kasi ako.napatingin ako sa kaliwa ko. may babaeng tawa nang tawa. hindi ko alam kung dahil sa pelikula o kung dahil sa dambuhalang vibrator na kinauupan din nya. kitang kita ko ang uber shining sparks sa kanyang mga mata.

mabibilang sa daliri ang mga nanonood sa loob ng sinehan. yong iba hindi naman talaga nanonood kundi nagtutukaan.

napapasigaw at napapailag ako pag may 'coming effects' yong movie. halimbawa pag may parating na bato. o kaya mahuhulog sa bangin. potang ina gusto ko nang tumayo baka atakihin pa ako at mamatay din dun oramismo! dyaheeeeeee! nakakahiya! nasa frontpage ng dyaro... matanda namatay sa loob ng sinehan habang nanonood ng yogi bear! paksyet.

PS: mairerekomenda ko ang movie na to kay ginoong gillboard at ginoong EMPI mga parehong urat na urat sa mundo.lols

Huwebes, Pebrero 3, 2011

the tale of the red polo shirt of mang poldo (punyeta ang habang title!)

maaga akong umalis ng bahay kanina. suot ang pulang shirt na payo sa akin ng kaibigang tsikwa. susuwertehin daw ako. paaalis na ako ng bahay ng makasalubong ko si letlet at manang, sabay bumati... happy fat choi!

natawa ako kasi mali ang bati nila! kinorek ko. um-oo naman sila. nung pag alis ko. nagsisigaw tong si letlet. merry christmas mang poldo! merry christmas mang poldo! merry christmas mang poldo! pamasko ko! huminto ako sa paglalakad. unti unting lumingon. saka pinandilatan ko ng mata. natahimik ang bata. buwahahaha!

actually nagpapasama yong isang kaibigan ko sa lakad nya. so since wala naman akong magawa e nauto nya akong sumama. syempre todo porma ulit ang lolo nyo. red polo shirt na medyo fitted. dirty white khaki short na bumugay naman sa brown low cut shoes. white sun visor cap. at nike na shades. ayos! japorms na ako!

pero hindi sinabi ng kupal kong kaibigan na eulogy pala ang aming dadaluhan. saka ko na lang nalaman nung nasa tapat na kami ng funeral chapel. ayoko sanang bumaba ng kotse kasi di ko naman talaga kilala yong pamilyang dadalawin ng kupal kong kaibigan pero for the sake of courteousnesses e bumaba na rin ako. tinginan ang tao sa akin. ininda ko lang ang matatalim na tingin sa akin. tuloy tuloy lang ako. binalak ko ding maghanap ng kape pero zesto lang daw ang meron at puto. ang kapal lang talaga ng mukha ko.

nung nakaupo na ako, napatingin ako sa salamin malapit sa akin. narealized kong magkakapareho sila ng kulay ng damit, itim. ako lang tong nakapula. kumusta naman ang red shirt lolo? ano to birthday party ko? pormal sila manamit. ako parang mag-gogolf lang. hiyang hiya ako sa kinauupuan ko.

my gawwwwwwdddd! ito na ba ang sinasabing swerteng hatid ng red shirt na to? erase. erase. erase.

Miyerkules, Pebrero 2, 2011

nang masira ang header ko.

quick post lang to.

nasira ang header ng blog ko. sinabi sa akin ni yanah na paliitin ko daw. sumunod naman ako. ang kaso hindi ko makita yong original picture na ginamit. since matalino ako. ni-print screen ko. ang kaso may blog title pala. so nagkadoble doble. ampanget. ito ang ebidensya.


may meeting ako ng alas nuebe. may boys night out din kami ng mga barkada ko after ng meeting. balak ko pa naman sanang ipagyabang sa kanila ang blog na to. pero hindot! ewan ko kung paano ko ipapakita ang ipinagyayabang kong blog sa kanila na ginugol ko sa loob ng anim na buwan.

papalitan ko muna. ayokong namang maduling ka nang dahil sa header ko. bukas ko na aayusin. o sya sige aalis na ako.bye.

PS. PLEASE LANG WAG MONG PAGTAWANAN ANG TEMPORARY HEADER KO. PAPALITAN KO DIN YAN BUKAS.

UPDATE: NAAYOS KO NA ANG HEADER KO PERO DI KO NA MATAGPUAN YONG ORIHINAL NA RETRATO. :(

human is susceptible of mistakes, and so am i.

i signed up for a tumblr account. thrilled. but when this catcha box popped up out of nowhere to verify something, i get infuriated. and so im eagerly put all the characters on what i have read and based on what i have seen. problem arise! SHING! tiktak tiktak tiktak i cant move on... di ko maintindihan yong ibang punyetang characters na yan. tapos magtatanong pa kung if IM A HUMAN. Dont they know that human is susceptible of mistakes? my goodness! okey pa sana kung nilagay nila... IM BLIND atleast understandable sa side ko.

i will never do it again...when its raining.

october-13-1998

dear diary

i have something to tell you but this is only a secret of us. please please please. dont tell to anyone.okay?

okay there was this one cold evening. as in cold. im shivering. without any reluctance i managed to drive myself going to the south. i was looking for bulalo.for a hot bulalo soup. i was craving for it.

to my despair the rain poured. i could not go on because of the thought bothering me... 'slippery when wet'. lumiko muna ako sa isang mall para patilain ang ulan. nagpark at gumala muna sa loob ng mall.

it was 9pm then. pasara na ang mall. pero nakapagtatakang marami pa rin ang tao sa loob. nilibot ko ang buong mall. okey naman. hindi ganun kagarbo pero okey na rin sa magsing-irog na teenager. pumunta ako ng sinehan para tumingin kung anong palabas. SIIL. napakawholesome. i know right.

bumili ng ticket. pumasok sa loob. seryoso manonood lang talaga ako. wala nang iba. pero ibang iba ang aura ng sinehan sa loob. maraming nakatayo. maraming palakad lakad. ano ba meron itong sinehan na to kako. fanatic ako ng national geographic so otomatik na-curious ako.

may lumapit sa akin. babae. edad 25 pataas. ano daw hanap ko. sabi ko bulalo. gago! mura nya sa akin saka umalis. nagulat ako sa bilis ng pangyayari.pero buo pa rin ang composure ko.

hinayaan ko munang magadjust ang mga mata ko sa dilim saka ako tuluyang pumasok sa loob para makaupo pero bago pa man yon nagulat ako sa aking nakita.

tama nga ang aking hinala, hindi ito isang sinehan lang para sa titillating na palabas. dun na ako nagsimulang matakot. marami ng what ifs na pumasok sa utak ko. pano kung magkaraid, mapalabas sa tv makita ng mga kumpare ko, dyosko nakakahiya. nalalaswaan ako sa mga nakikita ko.pano kung isa sa mga kapitbahay ko e andun din? ano na lang ang magiging reaksyon namin pareho?

may nakita ako. isang binatilyo, busy sa panonood. should have known better.
isang matandang bading sa isang sulok, got to believe in magic.
isang bayarang babae at isang costumer, init sa magdamag. (sharon cuneta ito, tsk!)
isang lalaking may edad na, alone.
isang grupo ng mga batang bading, on bended knees.
mamang may kaulayaw, all night long.
isang kinakabahang dalagita sa boyprend, careless whisper.
isang babae at isang lalaki, power of love.
dalawang bakla at isang lalaki, power of two.
lalaking nakaluhod na may ginagawang milagro kay ate, the devil went down to georgia.
lalaking lumilitaw ang ulo paminsan minsan, top of the world.
babaeng may edad na, supisipatsipat pa. somewhere down the road.
dalawang babaeng masayang nagtatawanan. heaven.
isang matandang tomboy ang nasa isang sulok, open arms.

di ko na alam ang pinaggagawa nung iba, kanya kanyang mikropono. kanya kanyang nota. kanya kanyang awit. kanya kanyang birit.

ako, ayon masayang kumakanta...

All by myself
Don't wanna be
All by myself
Anymore
All by myself
Don't wanna live
All by myself
Anymore...


diary, please make it a secret okey?

-mang poldo

Martes, Pebrero 1, 2011

pramis lust na 'to

may dinadownload ako. direct download.

hindi nakasalpak ang baterya ng laptop. nasa kusina ako. nagko-computer.

kanina pa ako gutom na gutom. kelangan kong magluto. naubusan ng lpg. subalit may electric stove naman. kaso walang available na saksakan. naka-plug ang laptop sa natitirang saksakan.

nagugutom ako.

nag-iisip.

nagugutom ako.


ano ang pipiliin ko? ang tawag ng tyan o ang tawag ng laman?

think. think. think.

after a couple of minutes.

la la la la...

i enjoyed watching it while my stomach gnarling. sori tao lang.