Nabuburyong na ako. Kelangan ko na ng bagong trabaho. Buti sana kung pwede pa ako sa pagkokolboy kaso sa tanda ko ng to baka ipapulis pa ako.
Nung umuwi ako galing ng amerika bumili ako ng taxi para mapaglibangan ko sana habang nandirito ako, nalilibang na kumikita pa. Ang kaso palaging pumapalya yong makina ng taxi, sekendhan lang kasi yun. Hindi nagtagal binenta ko din.
Gusto ko sanang pumunta ng baguio, matagal ko nang balak yun kaso sobrang lamig daw dun baka di kayanin ng tuhod ko. Mahina ako sa lamig. Di ba nga minsan inattempt kong pumunta dun ang kaso sa ibang lugar yong napuntahan ko. Nagkaletse letse ang biyahe ko.
Kanina nga pala sa dala ng kaburyongan ko, namalengke ako. Aminado akong baliktad ang isip ko at tumatanda na akong paurong e kasi naman kung kelan palubog na ang araw saka ako namalengke kung kelan lutaytay na ang kangkong ni nene. tsk tsk tsk. So yun bumili ng kelangan itambak sa ref, bumili ng gulay, prutas, karne at isda, bumili na rin ako ng hotdog baka sakaling magustuhan ko na pagtapos ng ilang dekada.
Nung pauwi na ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sayang matagal ko pa naman tong hinintay. Gusto ko kasi yong feeling na nasa bahay lang ako habang umuulan tapos nagpapatugtog ng smooth jazz. Ang simple lang pero matagal ko nang hinihintay yong pagkakataong yon. Ang kaso, nasa palengke ako. Shit.
Tumila na yong ulan nung matapos akong makapamili at makauwi ng bahay. Sayang.
Tiningnan ko yong garden sa likod, bagong landscape ko lang kasi yun kahapon. Patay dahil sa lakas ng ulan nasira. Okey lang atleast may pagkakaabalahan ako bukas ng umaga.
Nagluto ako ng arroz caldo. Naparami ata, ang akala kong isang cup na sakto lang sa akin pupuwede pa ata sa buong baranggay. Pasensya na first ko lang, kung alam ko lang ready to cook champorado na lang sana. Ako lang naman kasi mag isa.
Haay, nabuburyong pa ako. Pero ang totoo, malungkot lang talaga ako.
4 (na) komento:
minsan kase masyado tayong busy sa mga bagay at tao sa paligid natin kaya mas lamang na nakakalimot tayo na mag-isa lang pala tayo.. at the end of the day, when u find yourelf at home and alone, thats when u realize how empty ur life is.. thats when u realize kung ano ung namimiss mo...
wag ka nga muna magpunta ng baguio baka pagyuko mo di ka na makaunat hahahahaha
happy sunday!
minsan kase masyado tayong busy sa mga bagay at tao sa paligid natin kaya mas lamang na nakakalimot tayo na mag-isa lang pala tayo.. at the end of the day, when u find yourelf at home and alone, thats when u realize how empty ur life is.. thats when u realize kung ano ung namimiss mo...
wag ka nga muna magpunta ng baguio baka pagyuko mo di ka na makaunat hahahahaha
happy sunday!
penge po mang poldo, miss ko na ang arozcaldo!
ako din po miss ko na ang ulan wala kasing ulan sa disyerto madalang lang 1-2 beses kada taon.
hmmmm kapag ako bored nakikinig lang ng mga tugtugin.
muli pong dumadalaw si Pong!
Let me lie down and join you in your loneliness.
Mag-post ng isang Komento