out of nowhere nakatanggap ako ng tawag mula sa isang dating kaklase. si onio. problemado ang gago. classmate ko sya noong highschool, kaibigan ko noong elementary. may atraso itong si onio sa akin no'ng high school kami, at galit na galit ako sa kanya. kaya mula noon maliban sa kapitbahay ko sya, ang pisi ng pagkakaibigan na nagdudugtong sa amin ay winakasan ko na. kaibigan bang maituturing ang ipagkalat sa buong campus na maitim ang pwet ko. kaibigan ba yon? pero kanina, parang maamong tuta tong si onio. humihingi ng tulong. naawa ako.
pare tulungan mo naman ako, palugi na yong business ko.
anong business ba yan?
yong funeral parlor ko sa probinsya.
bakit palugi na?
health conscious na ang mga tao brad. atsaka probinsya yon, maruming gulay?
ano naman kinalaman ng gulay?
masustansya.
anong gusto mong gawin ko?
alam ko nasa marketing at advertising ka dati.
ah okay, i get your point.
*dead silence*
ano na ulit pangalan ng funeral parlor mo?
grace.
gusto kong matawa pero hindi nababagay sa seryosong tagpong yun.
ok, palitan natin... one more chance!
bakit one more chance?
para catchy! may dating! may aura!
e panu ang subline?
kelangan talaga?
ikaw ang bahala. ok check.
tapos gumawa tayo ng blog para sa funeral parlor mo. photoblog kung maaari.
ano naman ang ilalagay natin dun?
natural yong mga pictures ng funerarya mo, kasama ang pagmake-up ng mga 'costumer' mo, yong set up,yong mga coffins at flower arrangements.
ayos ah!
oo! lagay na rin natin dun yong mga choices ng make up ng funeral parlor mo. coffins. prices. flowers. at promotions.
tapos?
ganun din yong mga bulaklak mula chrysanthemum hanggang gumamela.
yun lang?
sama na rin natin yong extra service mo... kape at biskwit.
ayos yan!
tapos magbigay na rin tayo ng souveneirs at giveaways.
katulad ng ano?
mugs, pare. importante yon para sa kape. tapos andun na rin yong picture nung namatay,may tasa ka na may memorabilia pa sila.
hindi kaya nakakahiya yon?
hindi naman. sa marketing kelangan mong mag isip ng kakaiba.mas kakaiba, mas patok.
ah ganun ba yun?
tapos magbibigay tayo ng bags, pamalengeke yong uso ngayon. syempre andun ulit yong pic nung yumao. tatalbugan natin yong greenbag ng megamall every wednesday.
hahaha. okey na okey yan ah.what about promotions?
buy one take one tol. free dvd player with midi disc. para may videoke yong mga naulila pagkauwi,pampasaya.tapos magpapa-raffle tayo, yong mga naging clients mo ng buong taon. bubunot ka, at kung sino ang napili may libreng kabaong and take note no delivery charge! hanep di ba?
gusto ko yan! ok check.
saka na natin isipin yong cremation onio. may magandang plano ako dun.
sige, okey lang.
*matapos kung makita ang logo ng funeral parlor sa fb, oo may fb account talaga*
yong logo nalang ang palitan natin. malungkot yong dating ng logo mo. dapat masaya.
ano ba dapat?
honeysuckle ang color of the year. yan na lang, pampaswerte. mas maraming costumers.
ano? honey...sucker?
honeysuckle pre. may pagkapink pero malamig sa mata. may contemplation.
uy ayos yan. parang masaya. basta kaw bahala ah.
tama!
so kelan natin uumpisahan ang draft poldo.
ngayon na.
as in?
oo... hintayin mo na lang email ko.
sige pre maraming salamat, laking tulong mo talaga poldo. salamat talaga tol.
*natahimik*
pre? pre? hellooo? hello. poldo? pre? hello?? poldo? he...hell... hello? pre?
*toooooooot* binaba ko na ang telepono.
naku iba ata tong napasukan kong to. ikinababahala ko ang lahat ng pwedeng mangayari. dioskoporsimasanto, good luck po. hindi ko alam kung malaking tulong ang nagawa ko, o paghihiganti sa kontrobersyal nyang anunsyo noong kami'y bubbot pa. good luck na lang talaga. pero kahit ganun yon, iba pa rin yong naging samahan namin nung bata pa kami. naging totoong kaibigan naman ako sa kanya. at willing akong tulungan sya sa kahit anong paraan na kakailanganin nya. seryoso.
diclaimer: totoo po lahat ng usapan na to, kabilang na rin po ang tsismis na maitim ang pwet ko.
8 komento:
hindi ako naniniwalang maitim yan kelangan ng pruweba…
hindi naman kaya matakot ang mga tao sa picture na ididikit sa mugs? natanong lang po. hehehe!
tama si kuya kiko...kailangan ng pruweba. :D
naloka ako at may souvenir memorabilia eklavooo ka pang nalalaman. lol hanep sa marketing strategy kuya.. nakikinita ko ng magiging mahusay kang marketing strategist.
ang dami kong tawa..
salamat!
oo nga. pruwebA pruweba pruweba. LOL
http://www.online-home-jobs.com/9133.html
In na in ito ah. Meron pa nga sa China ata yun, na may cake nung yumao as in life size pwede pa yun idagdag hehe!
parang naloka ako kung ganyan talaga ang usapan nyo. dapat talaga may souvenirs? lol
teka muna pala, anu yun fb page ni onio? masilayan nga yung logo nila! :P
hahaha oo nga kailangan ng pwerba..hehehe =)
mugs at bag na pamalengke?ok sana kaso bakit may pic nung namatay kakilabot naman!hehehe
Ayos ah! di ko maimagine yung paraffle ng kabaong... di ko alam kung matutuwa o matatakot ang mananalo nun... pandisplay lang cguro muna ang kabaong sa bahay habang di pa magagamit... lol... ahahhahahahaha
Mag-post ng isang Komento