Lunes, Nobyembre 29, 2010

nang mawala si mang poldo

huling araw ko nung sabado sa trabaho.nagresign na ako bilang call center agent.ayoko ng ganung environment.parang nasa pressure cooker lang ako.at hindi akma ang trabahong yun sa edad ko.

kahapon wala akong magawa.at bago pa man ako magpakamatay sa kaboryungan naisipan kong gumala. susubukan ko ang newly installed gps application ng phone ko. kinuha ang susi ng sasakyan, kumuha ng ilang damit, nagpa-gas, at kinalakad ko ang aking sarili papuntang norte. walang siguradong destinasyon. walang ideya kung gaano kahaba ang biyahe. roadtrip kung roadtrip...ng mag-isa lang. lumarga ako bago pa man sumapit ang tanghali.

kinakabahan ako na ewan. hindi kayang i-validate ng utak ko ang reason kung bakit baka siguro dahil walang siguradong endpoint ang roadtrip ko. pinagana ko na ang gps ng phone ko. nilagay sa dock at nagsasalita na ng kung anu-ano.

"gps is on. acquiring satellite. 11 acquired satellites. your elevation is 40 meters. your average speed is 30 m/h. please sit back and enjoy your driving" sabi ng gps. ayos to. nakakatuwang gamitin.very versatile and reliable. parang pokpok lang.

binaybay ko ang nlex.walang masyadong motorista. ayos. pero kinakabahan ako dahil unti-unti ng pumapasok na sa kukuti ko kung anong kalalagyan ko sa destinasyon ko.bigla bigla na lang pumasok ang mga masasamang pangitain sa akin. maholdap. maaksidente. manakawan. matapilok and worse ma-gang rape. paksheeeeet.

pero think positive pa rin ako.panay ang sulyap ko sa phone ko islash gps device. blink blink lang. nakatulog na ata yong voice over. siguro dahil di ko binigay ang endpoint ko kanina. so nilagay ko baguio.aba nagsalita! tinanong ko kung nasan na ako. meleles bowlakeyn. islang ampotah!

tuloy tuloy lang ako. sa katunayan sa edad kong to pangatlong beses pa lang akong makakapunta ng baguio. kaya ganun na lang katindi ang pangangati ng talampakan kong makapuntang muli.kaya aside from thinking positive, iniisip ko rin na sana maraming naggagandahang babae ang dadatnan ko. sexy at mala-diyosang ganda.

nakalabas na ako ng nlex nang biglang tumirik ang sinasakyan ko. naku lagot na. sana di mangyari yong mga pangitain ko. sana...

pagcheck ko sa gps ng phone ko kung asan ako na ako. zero satellite. patay! at ang tanging binabanggit na lang nito ng pauli ulit ay lost satellite reception. bwisit. kung kelan kelangan saka pumalya. dito na ako kinabahan. tanghaling tapat mananakawan, mahoholdap, magagang rape...pooootaaah!

ang huling registered location ko 14.916748385020765,120.22781431674957. ayaw din magload ng map. pinark ko muna sa tabi ng kalsada yong sasakyan ko. kunyari iihi lang. chineck ko yong makina ng sasakyan ko, syet nagpalya ang baterya. nagdial ako para tawagan ang express motolite achuchu na yan para magpadeliver na lang ngunit nung tanungin na ako kung anong location ko. yun na.dun ko na narealized na hindi ko nga alam eksakto kung nasan ako. patay! nagdasal ako... our father who art in heaven, holy be your name...you...r.your...your....king..your..ki--amen.

so yun nga.nagkaletse letse ako dahil sa gps na yan. walang masyadong bahay sa pinaghintuan ko.kung meron man 200 meters away mula sa kinatitirikan ko. ang akala kong reliable na gps na yan biglang nadebunk. ayaw pa ring gumana. parang pokpok nga lang talaga, minsan pumapalya.

tinawagan ko yong kaibigan ko. pre pwede bang pakisearch sa google map tong coordinates na to 14.916748385020765, 120.22781431674957. anu ba yan? saka ka na magtanong pagbalik ko. nasan ka ba.makikita mo pagsinearch mo yan. gagu di nga? oo nga! sige akin na. naghintay ako ng ilang minuto nag e-fb pa ata ang kupal. o ito nasa ganitong lugar ka. san ba tungo mo? baguio. gagu e ang layo nyan sa baguio. ilang milya pa tatakbuhin mo.

lumabas naman ako sa dulo ng nlex ah. siguradong nlex ba baka dumaan ka ng sctex? meron ba nun? ay kaya naman pala bobo. toooooottt. *bagsak ng telepono*

humingi na lang ako ng tulong sa malapit na vulcanizing shop.siguro 500 meters mula sa impyernong kinalalagyan ko. naayos naman. ang siste papalitan muna ng lumang baterya yong baterya ng sasakyan ko daanan ko na lang daw pagbalik ko. pero isang libo ang renta kasama na daw dun ang labor at pagcharge sa baterya ko. okey lang basta walang lokohan kako.ngumisi yong mama.

mahaba habang biyahe ang tinahak ko. good luck naman sa tuhod ko. i need you again pau de arco.

9 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sana sinama mo na lang ako sa roadtrip mo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ibang klase ka mang polodo. lakas ng trip mo. tamang adik lang! at bigla akong napakanta ng overdrive nina pareng ely. \m/

taympers ayon kay ...

wahaahahhaha natatawa naman ako sa blog mo mang poldo. galing! kakatuwang magbasa. may fb ka ba? irereto kita sa blogger group ko. masaya dun. email mo na lang sa akin ang account mo para invite kita.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

haha, ayos to ah! kapag nakuha ko na ang nasa wishlist number 1 ko, gagawin ko rin ito! hahaha

Pong ayon kay ...

namiss ko tuloy ang probinsiya namin, ang Pampanga. basta sa NLEX at SCTEX may papuntang Pampanga hahaha

ayus ang trip mo mang poldo. nawa'y nakarating ka sa Baguio ng maluwalhati

ang saya lang ng imahinasyon at pagkukumpara ng gps sa pokpok at magangrape lols

eloiski ayon kay ...

hutahena!
roadtrip kung road trip. pero hindi masaya kung ang sasakyan pumapalya. nakakapang-init ng ulo! hahaha!
balitaan mo ko kung nakarating ka na dito sa baguio! walato!
palyado pota!

taga-bundok ayon kay ...

Sana sinama mo ko Mang Poldo. Tiga-Baguio ako, hindi kita ililigaw. Next time ah. LOL

Welcome to FB rin pala. Hehe... :)

Trainer Y ayon kay ...

nakarating ka ba dito sa begyow mang poldo? at naririto ka pa ba? kung yes to both questions.. anu pa ang hinihintay mo? kontakin mo na ako! lol hayok sa EB jowk lang.. sana nakarating ka ng matiwasay.. :D

coolwaterworks ayon kay ...

Mang Poldo!

Maraming salamat po sa pagdalaw sa blog kong inaantok... :)

Roadtrips!

This is a nice adventure... I do this often. Sometimes I have breakfast, lunch and afternoon snacks in different towns... Pero di ako kasing ossy mo na mag GPS device at wheels. Pampasaherong bus lang ang ginagamit ko....

May this roadtrip kill the boredom in your soul... Ingat!