Miyerkules, Enero 19, 2011

hindi sa yo ang blogosphere

If ever you wanted to commit suicide one day, all you have to do is jump from your ego down to your IQ level.
Nayayabangan na ako sayo. Hindi mo pag aari ang blogosphere hijo. Hindi lahat kayang mong i-please ng pagka-biatch mo. Hindi lahat gusto yang magaspang na ugali mo, hindi yan katulad ng magaspang mukha mo na pinilit tinaggap ng lipunan.

Lahat tayo, may sariling opinyon. Cliche. Napaka-cliche. Pero kung ilang beses na tong nabanggit, please lang pakisaksak naman dyan sa utak mo.

May pinag aralan naman ako kahit papaano. May napatunayan. Kabilang sa alta sociedad kung hindi mo maitatanong. At hindi isang katulad mo, social climber na nga... trying hard pa. Marami ka pang dapat matutunan. Please lang. Ayusin mo. Matuto kang gumalang sa nakatatanda.

Okey?

5 komento:

gillboard ayon kay ...

bago lamang po dito. hayaan mo na lang yung mga taong ganyan. kulang sa pansin lang yan.

YanaH ayon kay ...

haller mang poldo!

ang puso mo! sinong kaaway mo?
alam mo marami kayang mga ganyang tao dito sa mundong ginagawalawan natin hihi, kaya hayaan mo na lang.. makakasakit lang sa bangs mo yan at ikababawas ng manipis mong buhok.. (manipis na nga ba? lol) tulad ng sabi ni gillboard, yaan mo na lang.. pampasira ng araw yan hehehehe

J. Kulisap ayon kay ...

Sorry po Mang Poldo.
Hindi na po mauulit.

Paano po ba maiwasan ang pagiging mayabang ko?

Ahahahaha.

Bossing,

Una salamat dahil naligaw ka sa kuta ko, pangalawa, masiglang bagong taon sayo, pangatlo, hindi ko alam kung nakakasalubong na kita dati pa, nagbago ka ng kuta o tamang hinala lamang ako.

Pang-apat.

Kaniya kaniyang ere/arrive ang mga tao sa blogesperyo, kahit walang mukha, laman,dugo, bituka o anumang pisikal na ugnayan ang mga tao sa birtwal na mundo, hindi maitanggi na may emosyong ibinabahagi. Nakakaramdam ika nga..
malawak na pang-unawa lamang ang nais kong ibahagi sa inyo at sa iba pa, para tumagal ako sa blogesperyo.

Hi

hArTLeSsChiq ayon kay ...

napadaan :) puso niyo po...relaks lang po..yaan mo na yun, huwag niyo po sayangin oras niyo sa mga ganung tao :)

rico de buco ayon kay ...

naku hayaan mo na siya manong poldo be happy..new year eh kaw din dadami ang wrinkles mo hehehe