Linggo, Enero 30, 2011

first move only

nasa gate ako ng bahay kanina habang may kausap na tsiks, dalawa. yong isa morena yong isa tsinita; parehong maganda. pero mas type ko yong tsinita. cute. mahaba ang buhok, simple at malambing kung magsalita. naghahanap daw sila ng apartment na matutuluyan, bago sa aming lugar at parehong kolehiyala. nakipagkaibigan ako, okey naman daw basta wala akong 'atraso'. ayos!

nang biglang lumabas si letlet mula sa bahay. nagsisigaw papalapit sa akin.

mang poldo! mang poldo! bati na po si mariel rodriguez at toni gonzaga, balita po sa the buzz! di ba crush na crush mo mga yon?

pak! epic fail.

kung kelan okey na ang first move saka umeksena tong se letlet.

5 komento:

yanaH ayon kay ...

masakit sa bangs.

pede ka na magpadala sa etpetal.

Lio Loco ayon kay ...

may liwanag ang future ng batang 'to. pak!

Raphnexx ayon kay ...

hahahaha nakakatwa.simple na malalim

Pong ayon kay ...

kamusta na mr. bean este boots
hahaha
bibo ngang bata si letlet sana makapag-aral siya
at sana makadiskarte ka sa mga chicks na bagong lipat =)

taga-pluto ayon kay ...

ayos ang blog mo sir! kung mamarapatin nyo ay lagay ko kayo sa blogroll ko at isa na ang blog nyo sa i-i-stalk ko. :)