Miyerkules, Enero 19, 2011

mahiwagang punda

faded na yong punda ng unan ko. Nagpabili ako kay manang ng bagong punda. Sabi ko kahit ano na basta wag lang yong magaspang, alam na nya yon. iritable ako sa unang magaspang, nahihirapan akong matulog.

may pumupuntang labandera dito sa bahay ko kada araw. at araw-araw din kung labhan yong mga punda ng unan ko, kaya ganun na lang kabilis mapudpod at magfade. sinasaway ko naman kaso mapilit si manang, sabi kelangan daw para hindi magbahay ang bakterya. ano naman kayang akala nya sa akin, naghihimagsik ng mikrobyo? Pero ang totoo, alam ko kung bakit... kasi may sakit yong anak nya kelangan nya ng pera. Um-oo na lang ako pag maglalaba sya.

Lahat ng pwedeng labhan nilalabhan nya, ultimo yong tela na pinapatong sa ref. at takip ng tv hindi nakakaligtas sa kanya. Pero off-limits sya sa aking mgabrip. Big no no, yon ang usapan.

Linggo nung utasan ko syang bumili ng bagong punda ng unan, lunes na ng matanggap ko. Uwian kasi sya.

Excited pa syang nagtatakbo para ipakita sa akin yong mga pinamili nya, lotiom, virgin coconut oil, olive oil, gel, cream silk at yun nga ang bagong punda ng unan. sabi ko punda hindi maggrocery sya. dinamay na raw nya kasi may sukli pa. maliban sa coconut oil hindi ko na alam pa kung saan ko paggagamitan yong ibang pinamili nya. Tahimik lang ako. Sya tuwang tuwa.

At mas kinagulat ko nung ilabas na nya ang bagong punda...


haaay manang, ikaw na talaga. ikaw na ang bata. given na. tsk.

10 komento:

YanaH ayon kay ...

lol

meet your new bestfriend winnie the pooh and piglet!

winnnnuuuurrrrr!


hahaha andami kong tawa.. sorryhahahahahahahaahhahaha

rico de buco ayon kay ...

ang cute nung punda manong hehehe aus siya..smile na po hehehe :)

Kiko ayon kay ...

ayun eh… buti hindi siya bumili ng Honey Mang Poldo…

Sendo ayon kay ...

gusto ko si manang..pwedeng magpalaba? tingin ko rin malambot na yang punda mo hehe

Leah ayon kay ...

Wahihii!! Natawa naman ako. hehe... In perness,, hangkyut ng punda.

Supahlike ko naman si Manang.. =)

Abou ayon kay ...

hay di ako pihikan sa punda. ok sa akin ang punda na yan. malamang mahimbing ang tulog ko hehe

gillboard ayon kay ...

ang kulit lang ni manang. updated sa sikat. maganda naman yung punda ah. lolz

=supergulaman= ayon kay ...

nice punda...ahahaha... :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

cute ng punda. hahahaha. dahil ayaw mo palabhan ang brief mo yung kay winnie the pooh na lang ang nlabhan niya. hehe

-kikilabotz

otep ayon kay ...

ikaw may kasalanan mang polda.. poldo pala..

hindi mo inispecify. haha

sana sinabi mo Dora. haha