Miyerkules, Enero 12, 2011

ang kj nyo!

Nag crash yong internet ko last week. So ang siste kapag gusto kong mag internet islash manood ng porn e tumatakbo ako sa malapit na computer shop mula dito sa bahay ko, saving grace ang role namputsa.

So yun, pag may kelangan ako ng iemail na medyo mahaba habang bolahan e pc ang kelangan ko hindi na kasi kinakaya ng telepono ko, isa pa kelangan may pictures na kalakip malay ko ba kung paano maglagay ng picture sa email gamit ang teleponong to.

Pagkatapos kung magemail at pasadahan ng konti ang facebook na yan e nagbubukas ako ng mga nakakakiliti-sa-matang site. Yong minimal lang ang parental consent ang kelangan. Hindi masyadong bastos at kahit papanu e may demurity pa ring nalalaman; katulad ng youporn, redtube, xtube, porntube, xxxhot, clittube... mga ganyan, di ba kahit panu hindi masyadong bastos?

One time, hindi...kahapon lang pala to. Nagbrowse ako ng ganyang site. Enjoy na enjoy ako. Kulang na lang lamunin ko yong buong monitor sa mga nakikita ko. Hala sige browse, browse, browse. Nang biglang lumapit sa akin yong nagbabantay. Edad bente anyos, nakasimangot at nakakunot ang noo. Baklita.

"manong bawal po yang bina-browse nyo baka ho pagalitan ako"

Napahiya ako islayt.

"manong talaga? pasensya na pero kusa na lang syang nagpop-up"

"Pano pong pop up yan e marami po kayong nakaopen na tabs"

'tanda tanda na malibog pa" bulong nya.

Dun na. Kahit mga binatang lalaki lang yong naroon kasama ko sa shop na naglalaro ng plants vs zombie e hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya sa kanila.

Wala akong lusot sa tab na yan. Tumayo ako at nagbayad. Lumabas ng shop na may sama ng loob.

Gusto kong pagbabatuhin at pagsisigawan ng... Ang ki-kj naman nyo! tapos tatakbuhan kaso natakot naman ako, baka habulin ako ng mga brgy tanod akalaing tinakbuhan ko yong renta ng pagdo-DOTA ko. Mas nakakahiya yun.

4 (na) komento:

ricepriceskyrockethigh ayon kay ...

Mang Poldo, ako ata ang unang pupunta ng heaven.. hehehe.. Kayhirap pala talagang mag-Tagalog nang kagaya sa blog n'yo. Di n'yo po ba ninuno si Ikoy Balagtas, ha?
Anyways, you made my otherwise gloomy night lighter. And a little too curious about what was on the site that got you "booted" out of the Dota-ku infested cafe.

otep ayon kay ...

Hahaha Ang KJ nga Mang Poldo..

natuwa ako sa post na 'to may bago akong natuklasan, youporn at redtube lang kasi ang alam ko lols.

haha

Athena ayon kay ...

astig tlga mga post mo mang poldo..

http://www.onbux.com/?r=roseshi84

YanaH ayon kay ...

testing nga kung umubra...