Biyernes, Enero 28, 2011

palengkera meets tsimosa

abala akong nakatutok sa tv habang nanonood ng tv patrol nang biglang may nagsisigaw sa labas ng bintana. malakas. hinayaan ko na lang muna, saka ko na lang sisilipin kung patalastas na. nung commercial na sinilip ko kung sino, babae. hindi ko na pinansin baka kapitbahay ko lang kaaway nya. pagkatapos ng ilang minuto may nagsisigaw pa rin. paksyet. istorbo sa panonood ko ng tv. sinabihan ko si manang na silipin na lang muna nya kung sino yong tao sa labas. sumunod naman sa utos ko pero may convection kung maglakad, nagdadabog! kumakarakter ang pota.

potang ina mo! buti lumabas kang hayop ka!
potang ina mo din! bakit pati dito nang aano ka!
hoy! bawiin mo yong pinagtsitsismis mo sa baranggay na kabit ako ni mang kanor!
wala akong sinasabing ganun! ang swerte mo naman kay mang karnor kung nagkataon!
ugok na to, hindi ko type yang kanor na yan! masyadong malaki ang mata!
choosy ka pa sa lagay na yan? e amoy lupa ka na!
tarantado kang babae ka! wala kang pinag aralan!
excuse me! i have my education, yes... yes.. yes? and you?
bobo ka, simpleng english lang mali mali pa! palibhasa grade 3 lang tinapos mo!
umalis ka dito! nakakaistorbo ka sa kapitbahay at mahiya ka naman sa amo ko! (ngayon pa nya naisip matapos ang ilang palitan ng murahan? ang galing lang)
alin yang amo mo? magsama kayo ng among kalbo? (nanahimik ako pati buhok ko damay, gusto kong pumatay ng tao, bwisit!)
nandadamay ka pa! ugaling palengkera!
potang ina mo! sinong palengkera sa atin, ikaw tong dakilang tsismosa. papampam!
bago ka magbintang, you check it muna before going to fight me.not this. you shit! (nagulat ako, umienglish pala si manang pag galit na galit)
gagu englishin mo mukha mo!
ipapabaranggay kita!
ako pa makuhang mong ipabaranggay? ikaw tong naninira ng puri, letse!
letse ka din. kuya pakihinaan nga yang tv mo hindi kami magkarinigan! (gusto kong magsorry sa aking labandera kasi ako yong nakaaabala. pasensya na!)
magkita tayo sa baranggay. gigilitan ko leeg mo!
oo magkita tayo sa baranggay tang ina mo, doon mo ako patayin! (high blood na at nanggigigil)
*saka nagwalk out yong babaeng nanugod*

pumasok sa loob ng bahay si manang. nanggigil. alam ko na kung sino ang nakaaway nya. kapitbahay nyang si aling flor. nakaaway na din kasi nya yon nung isang buwan lang pagkatapos magpasko. alam ko yong huling rason ng kanilang away e yong hindi pagbibigay ni manang ng noche buenang handa kay aling flor, ang lalim na dahilan. at ngayon yong tsismis naman.pero away bati yang dalawang yan.

may pagkatsismosa din kasi itong si manang.kaya pag nag away ang dalawang tsismosa, alam mo na...parang bombang sumabog, maraming debris na mapupulot, maraming tsismis na kumawala sa kanilang mga bungabunga.binigyan ko ng pagkakataon si manang na mahimasmasan. uminom ng tubig. saka ko tinanong kung bakit, anong nangyari.

magtatanong pa po kayo e alam nyo nang nag-away nga kami ni flordeliza.

oo nga naman, ang tanga ko lang bakit pa nga ba ako magtatanong. pasensya. tumalikod ako. napahiya ang amo. agad binuksan ang tv saka nanonood ng balita.

mga kalahating oras nang nakalilipas. nagdadadabog pa rin tong si manang. nagdadadakdak. salita ng salita habang naglalaba. hinayaan ko na lang muna. iniisip ko baka yon ang pwedeng ikapa-pacify ng bunganga nya.dakdak dito dakdak doon.salpukan ng palanggana at timba.blag.blag.may kasama pang tabong palaging nahuhulog. plak. plak.

patapos na ang balita. sa wakas noah na. paborito ko to. nagdadakdak pa rin si manang. hindi makaget-over. ayaw mag move on. naririndi na ako. naaasar na.

MANANG KUNG AYAW MONG TUMIGIL KADADAKDAK DYAN ILUBLOB MO KATAWAN MO DYAN SA DRUM NANG MAHISMASAN KA!

dakdak pa rin. hindi ata ako narinig. o baka nagbingi bingihan lang.

hininaan ko yong tv. saka ako sumigaw...

HOY EUFROCENIA KUNG AYAW MONG TUMIGIL DYAN AKO UNANG PAPATAY SA YO PUNYETA!

katahimikan.

4 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Ang tatag din ni manang ah... Peo in fairnez mang poldo, maBait kapa s lagay na yan...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

oonti-an ko lang comment ko kase baka magalit ka mang poldo. =)

astig si manang!!!!!

un lang tenk you. =)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wahahaha! kumakarakter ka ser! oo nga naman, dapat ang amo ang nasusunod at hindi ang manang. ilang taon na ba si manang at mukang may asim pa siya sa paglalandian kay mang kanor? take note, may pa-you check it muna before going to fight me pa si manang. wahahaha! ibang klase si manang, parang super inday lang!


re: that's the way it is mang poldo

walastik! iniisip ko pa naman kung susuka ka. 'yun pala, natatae ka lang, mang poldo. lol! 'yun ba ang epekto ng whiskey sa'yo? mahina rin ako sa mga hard kaya nga kahit nakakataba at mas mahal, beer pa rin ang da-best para sakin. pero hindi ako tatanggi kung aalukin mo 'ko ng chivas.

so ano naging ending ng kwentong shit na 'to? natae ka ba sa kubeta o inabutan ka sa upuan mo? XD

khantotantra ayon kay ...

grabe naman sir yung away. pang face-to-face nga ang dakdak. :D