ito na, maaga akong ginising ng isang tawag sa telepono. pinapatawag ako sa baranggay. nagulat ako. what a breakfast! akala ko hindi seseryoshin ni aling flor ang pagdedemanda. yon pala pinaghandaan ng potah.
naligo ako, nagsabon, nagshampoo. naghanap ako ng pormal na polo saka nagpabango. sa isip isip ko minsan na nga lang akong mapabaranggay hindi ko pa ba paghahandaan, syempre i-effort ko na, itodo ko na.
tinanong ko kung andun na si manang, wala pa raw. kanina pa raw hinihintay, pa- VIP ampotah at sa katunayan kaya daw ako pinatawag para magbigay ng ilang paliwanag. sabi ko wala akong ipapaliwanag dahil labas ako sa away nila nung potang inang palengkera yang. sa baranggay na daw ako magpaliwanag.
white polo shirt. unbuttoned yong dalawang butones sa itaas. naka gray khaki short. naka sneaker. nakashades. feel na feel ko na ako si dingdong nung mga oras na yon. tinginan sa akin yong mga tao sa baranggay. ang ilan natulala.
nagtanong ako kung saan yong opisina ni ganito ni ganyan. magalang naman akong pinatunguhan, akala mo ako yong nagrereklamo yon pala kasama ko na yong nirereklamo. papalapit pa lang ako sa opisina nang may naririnig na akong nagtatalak. dalawang babaeng talakera. pak.pak.pak.pak.
closed door meeting. ayoko sana kasi mainit kaso yon ang sabi ng kapitan. wala akong nagawa.
sa loob ng kwarto parang parody lang ng nangyayari sa face to face. malulutong na murahan. may sampalan. may iyakan. may komprontahan. pero nauwi din sa batian. parang tanga lang.
kumusta ang polo? ayun, kusot kusot na. kumusta ang pabango? amoy pawis na. mainit sa loob. literal na mainit. siguro dahil nagaaway ang dalawang kampon ni satanas.
hindi naman ako pinagpaliwanag, akala ko sasampahan ako ng kaso. tinext ko pa naman na yong abogado ko, false alarm lang pala. inimbitahan lang pala ako sa baranggay. uminom ng pineapple juice. naging audience. taga awat. at nag cheer kay manang!
sa huli, natapos din ang lahat. nagkabatian. nagkayakapan. at umuwing wala ng galitan.
yon pala ang silbi ng baranggay at ang tumatayong kapitan. inaayos muna sa mababang kapulungan, kung hindi maaayos saka ipapasalvage, hehe joke lang. pero humanga ako sa composure ng aming kapitan. habang nagpapalitan ng masasamang salita yong dalawang demonyita nakuha pang ngumata ng biskwit, sanay na sanay na.
pag uwi ko, serious mode ako. sa totoo lang, ngayon lang ako napatawag ng baranggay. kilala ako sa amin bilang mabuting mamamayan (naks) at kinikilala, nirerespeto bilang ako. tapos ganun ganun lang, nagkaroon ako ng dahilan para mahighblood kinausap ko si manang, sabi ko mawawalan sya ng trabaho kung laging ganyan.
pasensya, aniya na may pagpapakumbaba. tumalikod ako, pumasok ng kwarto, nagbukas ng computer saka pinagdiskitahan ko yang plant vs zombie na yan. iniisip ko na lang ako yong bida, zombie si manang.
4 (na) komento:
wow and you lived ahppily ever after...buti nalang naaus lolo
kaya sa siguro pinatawag mang poldo e para ma-entertain ka. isipin mo ah, nakanood ka ng action, drama at comedy all in one! plus, mas matindi pa sa 3D kase true-to-life! ang shala! :D
iniisip ko kung bakit ang ilan ay natulala?? dahil ala-dingdong ang porma mo? ;)
ito yung kasunod nung previous post mo sir poldo, at nauwi sa baranggay pala hahaha
eniwey, opisyales ng baranggay si nanay ko at kapag ganyang kaso pinagbabati lang maliban nalang kung medyo mabigat saka irerefer sa pulisya (which is I believed every barangay ay may outpost ng pulisya, kasi ganun sa amin).
at least sir naging saksi ka sa love-hate-love relationship ng neighborhood niyo.
PS kaya sa aming magkakapatid walang nagkakamaling mapasama sa trouble agad sinasabi ni nanay, bigyan daw namin siya ng kahihiyan =)
Mag-post ng isang Komento