kaninang umaga, habang nagkakape nasipat ng magagaling kong mata ang horoscope. Sagitaurus, nasa sa yo muli ang kapalaran na matagal mo nang hinihintay. kumilos ka na at ang hindi mahuhuli. ito ang magandang araw para sa opurtunidad. wag magpatumpik tumpik! wag mahihiyang sabihin ang nararamdaman. ang grasya ay nasa harapanan mo na, matutong makiramdaman. lucky color: kahit anong kulay basta blue. lucky number: kahit anong numero wag lang 5. love life: umaasa ka pa talaga?
Ramdam kong maswerte ako ngayong araw na 'to.Kaya agad akong naligo. Nagsabon ng dalawang beses na kalimitang di ko ginagawa. At habang naliligo iniisip ko kung anong magandang kahihinantan ng araw na to sa akin, alam ko na mamamasyal ako! hindi ko inisip ang madilim na kalangitang nagbabadya. wala na akong pakiaalam, susundin ko ang horoscope ko. final na to.
sabi sa horoscope asul ang maswerteng kulay. naghanap ako ng polo na kulay asul. una kong nakita yong polong iniregalo sa akin nung pasko, faded blue. ayoko to magmumukha akong mmda nito. pangalawa kong nakita yong t-shirt na binili ko last month pero gusto ko polo at mas matingkad pa. may nakita akong polo sa cabinet ko dati, saktong sakto sa panlasa ko yong kulay...tingkad!
Sinukat. Tingin sa salamin. Tumalikod. muling tumingin sa salamin. sinukat muli. inamoy. ayos pwede na. saka sinuot. tingin sa salamin saka ako natawa. naisip ko kasi, magmumukha akong si agua nito.
ayos na to (sabay lunok). basta ba swerte ang kapalit lulunukin ko ang pride ko. wala namang masama sa hitsura ko, maliban sa blue na cap, blue na polo, blue na sapatos at blue na medyas e alam kong guapo naman ako. mind over matter. simple. tapos.
mag-aalas diyes na nang umalis ako ng bahay. Nakasalubong ko yong kapitbahay kong palengekera at estapadora, ansama kung makatingin. buma-badluck . pinabayaan ko na lang. maswerte ako, maswerte ako.yun ang laging nasa isip ko.
10:40AM Megamall. Nagpalakad lakad muna ako. Iniisip ko kung ano nga bang gagawin ko sa loob ng mall. may makukuha ba akong swerte? pera? babae? babae? babae? babae? pero dinagukan ako ng konsensya ko. kung lang daw ang hanap ko edi sana sa beerhouse na lang ako pumunta.
feel na feel ko yong all-blue na suot ko. Wala akong pakialam kung anong sabihi ng tao. dumeretso ako ng tokyo tokyo para kumain ng tanghalian. ayos kasi back to unlimited rice sila ulit. medyo maraming tao pero ayos lang panglima naman ako sa pila.
kumakain na ako nang tingin ng tingin yong isang ale na katabi ko ng mesa. ngumingiti. shet. tanders na. ayoko. ayoko. ayoko. tuloy lang ako sa pagkain pero in my peripheral vision i know she's staring at me. pero lumihis ako ng pagkakaupo para medyo matalikuran sya ng konti, masabi lang hindi ako interesado sa kanya.
ubos na yong rice ko. at dun ko lang naranasan kung gano kahirap pala ang humingi ng rice sa tokyo tokyo. palakad lakad yong service crew. mukhang umiiwas sa akin. gustong ko iface to face para ipagduldulan sa kanya na kelangan ko pa ng rice. pero matigas si totoy. umismid na ako. ehem. ehem. pero hindi ako naririnig ng pokeng inang service crew. itataas ko na yong kanang kamay ko para tawagin sya pero andun yong hesitation ko, nakakahiya sabihing patay gutom ako masyado. taas ng kamay. balik ulit. taas. balik. taas. balik. sheeeeeet!!!
umalis ako ng tokyo tokyo na tubig lang ang ikinabusog ng sikmura ko. naaasar ako. paglingon ko, andun pa rin yong ale, ngiting aso.
jackpot? no! no! no! no!
6 (na) komento:
si ale ang tinadhana para sayo :D
nasa tokyo tokyo ang kapalaran mo, naharangan lang ng service crew, hindi mo nakita. lucky color nya rin ang blue :)
hindi mo sya napansin na nakangiti rin sayo dahil may badtrip na matanda at umepal.
mang poldo, hindi kaya ung mashondang ale na ang destiny mo? at hinayaan mo syang makawala pa.. tsk tsk tsk
mang poldo bka yung ale yung swerte sau. malay mo? LOL
Wahahaha... agua! agua! agua!.. ako pala si otep. haha
dami kong tawa mang poldo..
isa lang ibig sabihin n'yan dami mo pang asim kay lola.
nagbalik na pala ang extra rice sa Tokyo tokyo?
try mo minsan sa Karate kid o kaya sa Mang inasal o kaya Dennis, medyo madaling mahagilad ang extra rice.
Sana swertehin ka uli bukas lols :)
si ate ng tokyo tokyo talaga ang swerteng nakatadhana sa'yo nung araw na yun, mang poldo. at muka namang hindi ka pa tanders eh.
sa katunayan eh mukang kaedaran ko lang ata ang hunica hija mo, mang poldo. mahilig ba 'yun sa mukang F4 na lampayatot? hihihi!
alam ng lahat na bawal mag-browse ng porn sa computer shop. kj na kung kj pero bawal talaga 'yun, mang poldo.
ang kulet ni letlet. bagay na bagay sa pangalan niya ang ugali nia. ang tanong: sasagutin mo ba ang pag-aaral niya hanggang sa matrikula?
at sino ang blogger na pinagpuputukan mo ng butse mo, mang poldo? hindi naman ako 'yan di ba? kasi magaling naman ako. po. lol!
Mag-post ng isang Komento