Lunes, Enero 31, 2011

feel bored eh


i feel so bored today...

care to leave your email on the comment section?

exmails exlinks for different!

Linggo, Enero 30, 2011

first move only

nasa gate ako ng bahay kanina habang may kausap na tsiks, dalawa. yong isa morena yong isa tsinita; parehong maganda. pero mas type ko yong tsinita. cute. mahaba ang buhok, simple at malambing kung magsalita. naghahanap daw sila ng apartment na matutuluyan, bago sa aming lugar at parehong kolehiyala. nakipagkaibigan ako, okey naman daw basta wala akong 'atraso'. ayos!

nang biglang lumabas si letlet mula sa bahay. nagsisigaw papalapit sa akin.

mang poldo! mang poldo! bati na po si mariel rodriguez at toni gonzaga, balita po sa the buzz! di ba crush na crush mo mga yon?

pak! epic fail.

kung kelan okey na ang first move saka umeksena tong se letlet.

Sabado, Enero 29, 2011

nang nabaranggay si mang poldo

ito na, maaga akong ginising ng isang tawag sa telepono. pinapatawag ako sa baranggay. nagulat ako. what a breakfast! akala ko hindi seseryoshin ni aling flor ang pagdedemanda. yon pala pinaghandaan ng potah.

naligo ako, nagsabon, nagshampoo. naghanap ako ng pormal na polo saka nagpabango. sa isip isip ko minsan na nga lang akong mapabaranggay hindi ko pa ba paghahandaan, syempre i-effort ko na, itodo ko na.

tinanong ko kung andun na si manang, wala pa raw. kanina pa raw hinihintay, pa- VIP ampotah at sa katunayan kaya daw ako pinatawag para magbigay ng ilang paliwanag. sabi ko wala akong ipapaliwanag dahil labas ako sa away nila nung potang inang palengkera yang. sa baranggay na daw ako magpaliwanag.

white polo shirt. unbuttoned yong dalawang butones sa itaas. naka gray khaki short. naka sneaker. nakashades. feel na feel ko na ako si dingdong nung mga oras na yon. tinginan sa akin yong mga tao sa baranggay. ang ilan natulala.

nagtanong ako kung saan yong opisina ni ganito ni ganyan. magalang naman akong pinatunguhan, akala mo ako yong nagrereklamo yon pala kasama ko na yong nirereklamo. papalapit pa lang ako sa opisina nang may naririnig na akong nagtatalak. dalawang babaeng talakera. pak.pak.pak.pak.

closed door meeting. ayoko sana kasi mainit kaso yon ang sabi ng kapitan. wala akong nagawa.

sa loob ng kwarto parang parody lang ng nangyayari sa face to face. malulutong na murahan. may sampalan. may iyakan. may komprontahan. pero nauwi din sa batian. parang tanga lang.

kumusta ang polo? ayun, kusot kusot na. kumusta ang pabango? amoy pawis na. mainit sa loob. literal na mainit. siguro dahil nagaaway ang dalawang kampon ni satanas.

hindi naman ako pinagpaliwanag, akala ko sasampahan ako ng kaso. tinext ko pa naman na yong abogado ko, false alarm lang pala. inimbitahan lang pala ako sa baranggay. uminom ng pineapple juice. naging audience. taga awat. at nag cheer kay manang!

sa huli, natapos din ang lahat. nagkabatian. nagkayakapan. at umuwing wala ng galitan.

yon pala ang silbi ng baranggay at ang tumatayong kapitan. inaayos muna sa mababang kapulungan, kung hindi maaayos saka ipapasalvage, hehe joke lang. pero humanga ako sa composure ng aming kapitan. habang nagpapalitan ng masasamang salita yong dalawang demonyita nakuha pang ngumata ng biskwit, sanay na sanay na.

pag uwi ko, serious mode ako. sa totoo lang, ngayon lang ako napatawag ng baranggay. kilala ako sa amin bilang mabuting mamamayan (naks) at kinikilala, nirerespeto bilang ako. tapos ganun ganun lang, nagkaroon ako ng dahilan para mahighblood kinausap ko si manang, sabi ko mawawalan sya ng trabaho kung laging ganyan.

pasensya, aniya na may pagpapakumbaba. tumalikod ako, pumasok ng kwarto, nagbukas ng computer saka pinagdiskitahan ko yang plant vs zombie na yan. iniisip ko na lang ako yong bida, zombie si manang.

Biyernes, Enero 28, 2011

palengkera meets tsimosa

abala akong nakatutok sa tv habang nanonood ng tv patrol nang biglang may nagsisigaw sa labas ng bintana. malakas. hinayaan ko na lang muna, saka ko na lang sisilipin kung patalastas na. nung commercial na sinilip ko kung sino, babae. hindi ko na pinansin baka kapitbahay ko lang kaaway nya. pagkatapos ng ilang minuto may nagsisigaw pa rin. paksyet. istorbo sa panonood ko ng tv. sinabihan ko si manang na silipin na lang muna nya kung sino yong tao sa labas. sumunod naman sa utos ko pero may convection kung maglakad, nagdadabog! kumakarakter ang pota.

potang ina mo! buti lumabas kang hayop ka!
potang ina mo din! bakit pati dito nang aano ka!
hoy! bawiin mo yong pinagtsitsismis mo sa baranggay na kabit ako ni mang kanor!
wala akong sinasabing ganun! ang swerte mo naman kay mang karnor kung nagkataon!
ugok na to, hindi ko type yang kanor na yan! masyadong malaki ang mata!
choosy ka pa sa lagay na yan? e amoy lupa ka na!
tarantado kang babae ka! wala kang pinag aralan!
excuse me! i have my education, yes... yes.. yes? and you?
bobo ka, simpleng english lang mali mali pa! palibhasa grade 3 lang tinapos mo!
umalis ka dito! nakakaistorbo ka sa kapitbahay at mahiya ka naman sa amo ko! (ngayon pa nya naisip matapos ang ilang palitan ng murahan? ang galing lang)
alin yang amo mo? magsama kayo ng among kalbo? (nanahimik ako pati buhok ko damay, gusto kong pumatay ng tao, bwisit!)
nandadamay ka pa! ugaling palengkera!
potang ina mo! sinong palengkera sa atin, ikaw tong dakilang tsismosa. papampam!
bago ka magbintang, you check it muna before going to fight me.not this. you shit! (nagulat ako, umienglish pala si manang pag galit na galit)
gagu englishin mo mukha mo!
ipapabaranggay kita!
ako pa makuhang mong ipabaranggay? ikaw tong naninira ng puri, letse!
letse ka din. kuya pakihinaan nga yang tv mo hindi kami magkarinigan! (gusto kong magsorry sa aking labandera kasi ako yong nakaaabala. pasensya na!)
magkita tayo sa baranggay. gigilitan ko leeg mo!
oo magkita tayo sa baranggay tang ina mo, doon mo ako patayin! (high blood na at nanggigigil)
*saka nagwalk out yong babaeng nanugod*

pumasok sa loob ng bahay si manang. nanggigil. alam ko na kung sino ang nakaaway nya. kapitbahay nyang si aling flor. nakaaway na din kasi nya yon nung isang buwan lang pagkatapos magpasko. alam ko yong huling rason ng kanilang away e yong hindi pagbibigay ni manang ng noche buenang handa kay aling flor, ang lalim na dahilan. at ngayon yong tsismis naman.pero away bati yang dalawang yan.

may pagkatsismosa din kasi itong si manang.kaya pag nag away ang dalawang tsismosa, alam mo na...parang bombang sumabog, maraming debris na mapupulot, maraming tsismis na kumawala sa kanilang mga bungabunga.binigyan ko ng pagkakataon si manang na mahimasmasan. uminom ng tubig. saka ko tinanong kung bakit, anong nangyari.

magtatanong pa po kayo e alam nyo nang nag-away nga kami ni flordeliza.

oo nga naman, ang tanga ko lang bakit pa nga ba ako magtatanong. pasensya. tumalikod ako. napahiya ang amo. agad binuksan ang tv saka nanonood ng balita.

mga kalahating oras nang nakalilipas. nagdadadabog pa rin tong si manang. nagdadadakdak. salita ng salita habang naglalaba. hinayaan ko na lang muna. iniisip ko baka yon ang pwedeng ikapa-pacify ng bunganga nya.dakdak dito dakdak doon.salpukan ng palanggana at timba.blag.blag.may kasama pang tabong palaging nahuhulog. plak. plak.

patapos na ang balita. sa wakas noah na. paborito ko to. nagdadakdak pa rin si manang. hindi makaget-over. ayaw mag move on. naririndi na ako. naaasar na.

MANANG KUNG AYAW MONG TUMIGIL KADADAKDAK DYAN ILUBLOB MO KATAWAN MO DYAN SA DRUM NANG MAHISMASAN KA!

dakdak pa rin. hindi ata ako narinig. o baka nagbingi bingihan lang.

hininaan ko yong tv. saka ako sumigaw...

HOY EUFROCENIA KUNG AYAW MONG TUMIGIL DYAN AKO UNANG PAPATAY SA YO PUNYETA!

katahimikan.

Miyerkules, Enero 26, 2011

thats the way it is mang poldo, thats the way it is!

I was invited sa bday party ng dating kaklase, si jun. hindi ko sya kabarkada pero since may samahan naman kaya napilit kong kaladladrin ang sariling pumunta. kilala sya bilang mr. congenialty nung kami’y nasa college pa. maginoo, humble, at mabait kaya hindi naging parte sa aming barkada dahil sa mga ugali nya.

hindi ako sanay uminom ng hard drinks. as in hard. e nagpasikat tong kaibigan kong to, nagpa-chivas regal ang gago. pito lang kaming pumunta sa benteng inimbita nya. mr. congenialty nga. at pitong bote ng chivas ang nakaatang. parang magbibitay lang. so ang labas in ratio one is to one ang ordeal.

okey lang sana kung beer. medyo kakayanin pa ng ginintuan kong sikmura. ang kaso whisky. good luck naman.

tol pwede bang kahit beer na lang muna tayo?
bakit?
di ko kaya yan tol.lactose intolerant ako.
gagu! may nalalaman ka pang lactose intolerant dyan.e hindi naman yan gatas! ulol!
tol,mahina ako sa hard e.
so kasalanan ko pa?kasalanan pa namin?
basta inom ka lang ng makakaya mo,
tol baka pwedeng beer na lang?
ulit ulitan?

naisip ko, ibang klase to. palinga linga ako para maghanap ng kubeta na pupuwedeng to-the-rescue sa akin kung kekelanganin ko ng tulong. wala akong makita. bahala na.

nagsimula na ang inuman. nagsimula na rin ang kantahan. videoke, alak, pulutan at mga halimaw yan ang tanging nakikita ko sa aking harapan. bwisit lang.

unang lagok, mapait na ewan. pero humahagod. inom agad ako ng chaser, iced tea—with free hibla ng buhok. tsk. tumatanda na nga kami.nagkakalagasan na.

hindi na ako mapakali, kasi alam ko any moment from now e may disaster na magaganap. pilit kong kinokomportable ang aking sarili. placebo effect. sila enjoy na enjoy sa kantahan.inom dito. kain ng pulutan doon. tawanan at asaran. nang masipat kong nakatingin pala sa akin si pareng elmer, nakangising aso. friends kami nito since elementary at alam nya kung anong kaganapang nangyayari sa akin pag umiinom ako ng alak, lalo na pagdating sa digestive system ko. isa sya sa mga alaskador pero totoong kaibigan.

“ang love parang tae dude, it will come no matter what, no matter when, it comes out from within” isang napakahalagang quote na natutunan ko sa kanya. bibong bata.

pangalawang lagok. medyo wala na yong mapait pait na lasa pero andun pa rin yong hagod. sumisipa ika nga. chaser ulit. wala na yong free na hibla ng buhok, out of stock na.

ilang sandali pa’y may kaganapang nangyayari na nga sa sikmura ko. ito na yon. tama nga ang aking hinuha. para lang akong nag-aantay ng bagyo ayon sa weather forecast. kinakabahan na ako.

maliban sa best friend ko, si pareng elmer lang ang nakakaalam ng sikreto ko nung araw na yon. kaya ganun na lamang ang pagngingisi nitong mala-aso kong kaibigan. ramdam ko yon. inihanda ko na ang aking sarili sapagkat maaalaska na naman ako nito. again, pilit kong kinokomportable ang sarili ko. isinisiksik ko sa isip ko na wala yan tae lang yan. wala yan emotional outburst lang yan. wala yan overwhelm lang yan. wala yan pangitain lang yan. nagmatigasan ako.

habang ang ilan sa barkada e nageenjoy sa pagkanta, ako naman tahimik at hindi makasalita. butil butil ang pawis at nag-iisip ng paraan kung paano makahanap ng kubeta. ramdam ko na talaga sya. at kung gaano ko sya iwinawaksi sa isip ko ganun din naman kalakas kung magparamdam, parang multo lang. shet.

ikatlong lagok. nakapikit. amoy na amoy ang aroma ng potang inang alak na yan. mulit muli may hagod, may sipa.

I can read your mind and I know your story
and I see what you're going through yeah


si pareng elmer kumakanta. good choice of music. that’s the way it is. panalo! nagkapalakpakan nga e. tiningnan ko sya, nakangisi. bigla akong nagitla. utang na loob elmero cargilia! utang na loob. ito na ba ang simula ng pang aalaska? shet. nakakapanggigil ka. at lalo namang pilit kumawala ang bagay na kanina ko pa iniipit ipit. shet ulit. shet lang talaga.

hinga ako ng malalim. inhale. outhale oops mali exhale pala. inhale. exhale. inhale. exhale. mind over matter lang daw ito. wag kong pakaiisipin para hind maging center of attention but I am doing it all over and over and over again. it does not work for me. I despise its veracity. fuck!

It's an uphill climb, and I'm feeling sorry
But I know it will come to you yeah…


si elmer feel na feel ang kanta. potang ina nya. nakatingin sa akin, ngiting aso ang gago. pinagpapawisan na ako ng todo todo. may ferris wheel na rin ang tyan ko. at hinihila ng gravity ang tae na meron ang tyan ko. ( I really am sorry for the graphical description). tae, total ass emission.

don't surrender coz' you can win
In this thing called love…


at talagang nakisabay pa ang pagtunog ng tyan ko sa birit ni elmero. nagkakasiyahan din ata. kinapa ko ang bulsa kong may dala akong tissue, wala. panyo meron. isip isip ulit. linga ulit baka may maispatan akong kubeta. narinig ko meron daw. pero nasa taas ng bahay. kung iihi daw ako malawak ang bukid sa likod para sa mga ibon. wag na daw akong mag-inarte kung ibong pipit lang naman. pero isip isip ko hindi ako naiihi kundi natate ako mga dudes! taeng tae na ako!

When you want it the most there's no easy way out
When you're ready to go and your heart's left in doubt


at talagang binibira nitong gagong si elmer ang pagkanta. sa lahat ng kantang narinig ko ito na ata ang talagang may double meaning. gusto ko syang kukuhan gamit ang chainsaw. samantala, ang ilan sa amin e enjoy lang sa inuman at pulutan. mga hangal! hampaslupa! mga demonyo!

Don't give up on your faith
Love comes to those who believe it
And that's the way it is


Pero naniniwala pa rin akong mawawala din tong feeling na to. kahit pa ilang 'knock on wood' na lang, lalabas na. malakas ang paniniwala ko. nag isip ako ng ibang paraan. kunyari pipicturan ko sila. divert tactic. ang kaso naiwan ko ang camera ko sa sasakyan. kunin ko kaya? pero paniguardo hindi ako papayagan. pano na to?

When you question me for a simple answer
I don't know what to say, no


pilit ko pa ring nilalaban, pilit ko pa ring isinaksak sa isipan kong pagsubok lang to. malalagpasan ko rin to. at pilit ko ring pinapalakas ang loob ko. nagmatigasan ako, muli.

But it's plain to see, if we stick together
You're gonna find the way, yeah...


Biglang tumayo yong isa sa mga kasama ko, si ana, makikiCR daw. ayos saving grace. isip isip ko samahan ko kaya sya. ang kaso ang sagwa naman kung babae sya tapos lalaki ako susundan ko sya sa cr, ano na lang ang iisipin nila? manyakis ako? can not be. can not be.
e kung sabihin kong makikicr din kaya ako, kaso naesplika na nga na malawak ang bukirin para gawing cr. e kung deretsahin ko na lang kaya sila na natatae ako, kaso dyahe yon. ipit ipitin ko na lang. total maya maya uuwi na din kami.

So don't surrender coz' you can win
In this thing called looove…


inayos ko ang sarili ko, umupo ng maayos. stomach in chest out. pero di ko mapigilang magalumpihit. sumasakit na naman kasi ang tyan ko. humihilab. pansin na ng ilan na di ako komportable. malapit na talaga. malapit na malapit na. joskolord. pinagpapawisan na rin ako. any moment feeling ko lalabas na. pano to? pano tong kahihiyang PWEDENG mangyari. pano? pinigilan kong huminga. inipit ipit ko talaga. pero sobrang lapit na. as in sobrang sobrang lapit na. konti na lang hello world na! but can not be. can not be. this is not it. this is not it.

When you want it the most there's no easy way out
When you're ready to go and your heart's left in doubt
Don't give up on your faith
Love comes to those who believe it
And that's the way it is…


repeat chorus till it fades. repeat chorus till it fades. repeat chorus till it fades.

Martes, Enero 25, 2011

para sa dating kaibigan, good luck po.

out of nowhere nakatanggap ako ng tawag mula sa isang dating kaklase. si onio. problemado ang gago. classmate ko sya noong highschool, kaibigan ko noong elementary. may atraso itong si onio sa akin no'ng high school kami, at galit na galit ako sa kanya. kaya mula noon maliban sa kapitbahay ko sya, ang pisi ng pagkakaibigan na nagdudugtong sa amin ay winakasan ko na. kaibigan bang maituturing ang ipagkalat sa buong campus na maitim ang pwet ko. kaibigan ba yon? pero kanina, parang maamong tuta tong si onio. humihingi ng tulong. naawa ako.

pare tulungan mo naman ako, palugi na yong business ko.
anong business ba yan?
yong funeral parlor ko sa probinsya.
bakit palugi na?
health conscious na ang mga tao brad. atsaka probinsya yon, maruming gulay?
ano naman kinalaman ng gulay?
masustansya.
anong gusto mong gawin ko?
alam ko nasa marketing at advertising ka dati.
ah okay, i get your point.

*dead silence*

ano na ulit pangalan ng funeral parlor mo?
grace.
gusto kong matawa pero hindi nababagay sa seryosong tagpong yun.
ok, palitan natin... one more chance!
bakit one more chance?
para catchy! may dating! may aura!
e panu ang subline?
kelangan talaga?
ikaw ang bahala. ok check.
tapos gumawa tayo ng blog para sa funeral parlor mo. photoblog kung maaari.
ano naman ang ilalagay natin dun?
natural yong mga pictures ng funerarya mo, kasama ang pagmake-up ng mga 'costumer' mo, yong set up,yong mga coffins at flower arrangements.
ayos ah!
oo! lagay na rin natin dun yong mga choices ng make up ng funeral parlor mo. coffins. prices. flowers. at promotions.
tapos?
ganun din yong mga bulaklak mula chrysanthemum hanggang gumamela.
yun lang?
sama na rin natin yong extra service mo... kape at biskwit.
ayos yan!
tapos magbigay na rin tayo ng souveneirs at giveaways.
katulad ng ano?
mugs, pare. importante yon para sa kape. tapos andun na rin yong picture nung namatay,may tasa ka na may memorabilia pa sila.
hindi kaya nakakahiya yon?
hindi naman. sa marketing kelangan mong mag isip ng kakaiba.mas kakaiba, mas patok.
ah ganun ba yun?
tapos magbibigay tayo ng bags, pamalengeke yong uso ngayon. syempre andun ulit yong pic nung yumao. tatalbugan natin yong greenbag ng megamall every wednesday.
hahaha. okey na okey yan ah.what about promotions?
buy one take one tol. free dvd player with midi disc. para may videoke yong mga naulila pagkauwi,pampasaya.tapos magpapa-raffle tayo, yong mga naging clients mo ng buong taon. bubunot ka, at kung sino ang napili may libreng kabaong and take note no delivery charge! hanep di ba?
gusto ko yan! ok check.
saka na natin isipin yong cremation onio. may magandang plano ako dun.
sige, okey lang.
*matapos kung makita ang logo ng funeral parlor sa fb, oo may fb account talaga*
yong logo nalang ang palitan natin. malungkot yong dating ng logo mo. dapat masaya.
ano ba dapat?
honeysuckle ang color of the year. yan na lang, pampaswerte. mas maraming costumers.
ano? honey...sucker?
honeysuckle pre. may pagkapink pero malamig sa mata. may contemplation.
uy ayos yan. parang masaya. basta kaw bahala ah.
tama!
so kelan natin uumpisahan ang draft poldo.
ngayon na.
as in?
oo... hintayin mo na lang email ko.
sige pre maraming salamat, laking tulong mo talaga poldo. salamat talaga tol.
*natahimik*
pre? pre? hellooo? hello. poldo? pre? hello?? poldo? he...hell... hello? pre?
*toooooooot* binaba ko na ang telepono.

naku iba ata tong napasukan kong to. ikinababahala ko ang lahat ng pwedeng mangayari. dioskoporsimasanto, good luck po. hindi ko alam kung malaking tulong ang nagawa ko, o paghihiganti sa kontrobersyal nyang anunsyo noong kami'y bubbot pa. good luck na lang talaga. pero kahit ganun yon, iba pa rin yong naging samahan namin nung bata pa kami. naging totoong kaibigan naman ako sa kanya. at willing akong tulungan sya sa kahit anong paraan na kakailanganin nya. seryoso.

diclaimer: totoo po lahat ng usapan na to, kabilang na rin po ang tsismis na maitim ang pwet ko.

Sabado, Enero 22, 2011

si ate ng tokyo tokyo at ang polo kong kulay blue

kaninang umaga, habang nagkakape nasipat ng magagaling kong mata ang horoscope. Sagitaurus, nasa sa yo muli ang kapalaran na matagal mo nang hinihintay. kumilos ka na at ang hindi mahuhuli. ito ang magandang araw para sa opurtunidad. wag magpatumpik tumpik! wag mahihiyang sabihin ang nararamdaman. ang grasya ay nasa harapanan mo na, matutong makiramdaman. lucky color: kahit anong kulay basta blue. lucky number: kahit anong numero wag lang 5. love life: umaasa ka pa talaga?

Ramdam kong maswerte ako ngayong araw na 'to.Kaya agad akong naligo. Nagsabon ng dalawang beses na kalimitang di ko ginagawa. At habang naliligo iniisip ko kung anong magandang kahihinantan ng araw na to sa akin, alam ko na mamamasyal ako! hindi ko inisip ang madilim na kalangitang nagbabadya. wala na akong pakiaalam, susundin ko ang horoscope ko. final na to.

sabi sa horoscope asul ang maswerteng kulay. naghanap ako ng polo na kulay asul. una kong nakita yong polong iniregalo sa akin nung pasko, faded blue. ayoko to magmumukha akong mmda nito. pangalawa kong nakita yong t-shirt na binili ko last month pero gusto ko polo at mas matingkad pa. may nakita akong polo sa cabinet ko dati, saktong sakto sa panlasa ko yong kulay...tingkad!
Sinukat. Tingin sa salamin. Tumalikod. muling tumingin sa salamin. sinukat muli. inamoy. ayos pwede na. saka sinuot. tingin sa salamin saka ako natawa. naisip ko kasi, magmumukha akong si agua nito.

ayos na to (sabay lunok). basta ba swerte ang kapalit lulunukin ko ang pride ko. wala namang masama sa hitsura ko, maliban sa blue na cap, blue na polo, blue na sapatos at blue na medyas e alam kong guapo naman ako. mind over matter. simple. tapos.

mag-aalas diyes na nang umalis ako ng bahay. Nakasalubong ko yong kapitbahay kong palengekera at estapadora, ansama kung makatingin. buma-badluck . pinabayaan ko na lang. maswerte ako, maswerte ako.yun ang laging nasa isip ko.

10:40AM Megamall. Nagpalakad lakad muna ako. Iniisip ko kung ano nga bang gagawin ko sa loob ng mall. may makukuha ba akong swerte? pera? babae? babae? babae? babae? pero dinagukan ako ng konsensya ko. kung lang daw ang hanap ko edi sana sa beerhouse na lang ako pumunta.

feel na feel ko yong all-blue na suot ko. Wala akong pakialam kung anong sabihi ng tao. dumeretso ako ng tokyo tokyo para kumain ng tanghalian. ayos kasi back to unlimited rice sila ulit. medyo maraming tao pero ayos lang panglima naman ako sa pila.

kumakain na ako nang tingin ng tingin yong isang ale na katabi ko ng mesa. ngumingiti. shet. tanders na. ayoko. ayoko. ayoko. tuloy lang ako sa pagkain pero in my peripheral vision i know she's staring at me. pero lumihis ako ng pagkakaupo para medyo matalikuran sya ng konti, masabi lang hindi ako interesado sa kanya.

ubos na yong rice ko. at dun ko lang naranasan kung gano kahirap pala ang humingi ng rice sa tokyo tokyo. palakad lakad yong service crew. mukhang umiiwas sa akin. gustong ko iface to face para ipagduldulan sa kanya na kelangan ko pa ng rice. pero matigas si totoy. umismid na ako. ehem. ehem. pero hindi ako naririnig ng pokeng inang service crew. itataas ko na yong kanang kamay ko para tawagin sya pero andun yong hesitation ko, nakakahiya sabihing patay gutom ako masyado. taas ng kamay. balik ulit. taas. balik. taas. balik. sheeeeeet!!!

umalis ako ng tokyo tokyo na tubig lang ang ikinabusog ng sikmura ko. naaasar ako. paglingon ko, andun pa rin yong ale, ngiting aso.

jackpot? no! no! no! no!

nakikiuso

Gumawa ako ng account ko sa twitter. titingnan ko kung masisiyahan ako at kung anong ligaya ang maidudulot nito sa katawang lupa na meron ako.

Tulungan nyo na lang ako.

follow me on twitter...

-@mangpoldo

Huwebes, Enero 20, 2011

si letlet

may anak itong si manang, si letlet. limang taong gulang sa aking tantiya. pag naglalaba sa bahay itong si manang palagi nyang dala tong si letlet, wala daw kasing magbabantay. Okey lang naman sa akin para may makakuwentuhan ako. naaaliw ako sa kainosentihan ng batang 'to. at sobrang kulit.

letlet! sinusubo mo na naman kamay mo, marumi yan! letlet nangungulangot ka na naman saka mo kakagatin ang kuko mo marumi yan!
letlet paabot nga ng sabon! letlet pakuha nga ng bangkito!
letlet kumain ka na lang dyan!

hala! nagugulat na lang ako minsan. ganyan silang mag ina, nagsisigawan pero hindi ko nakikitaan ng pang-aapi ng magulang. minsan ako pa nga tong nahihiya. kulang na lang tumira sila bahay at gawin akong katulong. okey naman, bagay naman.

letlet pakiabot nga yong fabric conditioner!
saan dito?
yong kulay blue dyan na nakaplastic.
nasan?
nasa mesa lang yon, andyan lang yon.
anong kulay?
yong blue nga.
alin dito?
yong fabric conditioner!
ito?
basta yong kulay blue!
ah ito, downy kasi kamo ah. arte arte pa-fabric fabric conditioner pa kasi, downy lang naman.

hagalpak talaga ako sa tawa nung marinig ko yan. pareho silang nagkatinginan. okay talaga silang mag ina. cool.

'mang poldo pwede pong manood ng dora da...' 'pero nililipat na nya ang channel. 'mang poldo pwede pong maki-inom ng tubig' pero may bitbit ng baso. 'mam powldohm pwodo pob bong komoon nong tonopowy' pero may subo subo ng pagkain. okey lang bata naman e. natutuwa pa nga ako kapag kasama ko sya. nawawala pagkabagot ko.

minsan habang abala ako sa pagtatanim ng pechay sa aking maliit na gulayan sa likod ng bahay, nagsisigaw sya nung makakita ng uod na tinatapakan ko. wag ko daw silang saktan kasi wala naman silang kalaban laban. oo nga naman. may point sya. smart kid.

mahilig syang magkwento nang kung anu ano. mga napapanood nya sa tv. lalo na yong noah na yan. minsan ginagaya nya yong mga unggoy doon, tapos ako naman daw yong pinuno nila. hello kumusta naman?

mahilig din syang mag drawing ng mga insekto. nagdrawing sya minsan excited nyang pinakita sa akin, tuwang tuwa naman ako. 'wow ang ganda naman ng drawing mong salagubang' pagmamayabang ko. sumimangot bigla. saka nagwalk out. habang nagwo-walk out lumilitanyang hindi naman daw yon salagubang, butterfly daw yon. tinignan ko, oo nga naman san ka makakakita ng salagubang kulay violet? ang kikay lang.

nagmana din pala sya sa nanay nyang tsismosa. pero mas naaaliw ako sa kadaldalan nya, minsan nakwento nya sa akin habang nanonood kami ng tv na pinapahirapan daw ng nanay nya ang tatay nya. nagulat ako syempre. nag-usisa ako kung anong domestic violence ang nagaganap. likas din nga pala akong tsismoso.

pinakwento ko sa kanya. nagising daw sya isang gabi kasi naiihi daw sya, pero hindi nya makuhang bumangon at magpasama sa mama nya kasi may naririnig syang ungol. natakot at bigla daw syang kinabahan kung ano yon. nung dinilat na nya ang mata nya, naaninag daw nya si nanay nakasakay kay tatay...para naglalaro ng kaba-kabayo. para daw kasing nasasaktan si tatay nya. ahh ahh ahh ahhh daw kasi ang tanging naririnig nya kay tatay.

gusto kong matawa nung mga oras na yon. hindi ko kasi maimagine na isang katawang mala-ruby rudriguez ang papatong sa katawan ng mala vic sotto. pramis namumula na ako sa pagpipigil sa katatawa pero hinayaan ko syang ipagpatuloy lang ang napakainosenteng kwento. tinanong ko kung paano nyang nalamang si nanay nga yon gayong madilim. hindi! pagmamadiin nya. hindi madilim!!! kita ko ang hairclip kong si dora na suot ni nanay, alam kong sya yon kasi palagi nyang hinihiram yon sa akin. e ano ba talagang ginagawa ni nanay kako, hindi nya raw alam kasi nakakumot naman daw sila pareho. basta naaawa lang daw sya sa tatay nyang dinadaganan ni nanay. hindi na ako muling nag-usisa alam ko na ang milagro. natulog na lang daw ulit sya.


bibong bata si letlet. pero hindi raw sigurado si manang kung makakapasok sya ngayong susunod na pasukan. mahilig pa naman daw syang mag aral. alam na nga raw nya ang magbilang ng wantoten, lalo na ang pagdo-drawing. lagi nyang bitbit ang bag nya. sya daw si dora, e ako sino naman ako? si boots daw. saka sya tatawa. kung hindi daw, ako na lang si mr. bean na naligaw sa mundo ni dora. napaka-imaginative na bata!

tinanong ko kung anong pangarap nya. pangarap daw nyang maging isang nars. tinanong ko kung bakit naman yon. para daw may mag-alaga sa akin sa pagtanda ko. natahimik ako, habang sya nakangiting nakatingin sa maluha luha kong mata.

Miyerkules, Enero 19, 2011

mahiwagang punda

faded na yong punda ng unan ko. Nagpabili ako kay manang ng bagong punda. Sabi ko kahit ano na basta wag lang yong magaspang, alam na nya yon. iritable ako sa unang magaspang, nahihirapan akong matulog.

may pumupuntang labandera dito sa bahay ko kada araw. at araw-araw din kung labhan yong mga punda ng unan ko, kaya ganun na lang kabilis mapudpod at magfade. sinasaway ko naman kaso mapilit si manang, sabi kelangan daw para hindi magbahay ang bakterya. ano naman kayang akala nya sa akin, naghihimagsik ng mikrobyo? Pero ang totoo, alam ko kung bakit... kasi may sakit yong anak nya kelangan nya ng pera. Um-oo na lang ako pag maglalaba sya.

Lahat ng pwedeng labhan nilalabhan nya, ultimo yong tela na pinapatong sa ref. at takip ng tv hindi nakakaligtas sa kanya. Pero off-limits sya sa aking mgabrip. Big no no, yon ang usapan.

Linggo nung utasan ko syang bumili ng bagong punda ng unan, lunes na ng matanggap ko. Uwian kasi sya.

Excited pa syang nagtatakbo para ipakita sa akin yong mga pinamili nya, lotiom, virgin coconut oil, olive oil, gel, cream silk at yun nga ang bagong punda ng unan. sabi ko punda hindi maggrocery sya. dinamay na raw nya kasi may sukli pa. maliban sa coconut oil hindi ko na alam pa kung saan ko paggagamitan yong ibang pinamili nya. Tahimik lang ako. Sya tuwang tuwa.

At mas kinagulat ko nung ilabas na nya ang bagong punda...


haaay manang, ikaw na talaga. ikaw na ang bata. given na. tsk.

hindi sa yo ang blogosphere

If ever you wanted to commit suicide one day, all you have to do is jump from your ego down to your IQ level.
Nayayabangan na ako sayo. Hindi mo pag aari ang blogosphere hijo. Hindi lahat kayang mong i-please ng pagka-biatch mo. Hindi lahat gusto yang magaspang na ugali mo, hindi yan katulad ng magaspang mukha mo na pinilit tinaggap ng lipunan.

Lahat tayo, may sariling opinyon. Cliche. Napaka-cliche. Pero kung ilang beses na tong nabanggit, please lang pakisaksak naman dyan sa utak mo.

May pinag aralan naman ako kahit papaano. May napatunayan. Kabilang sa alta sociedad kung hindi mo maitatanong. At hindi isang katulad mo, social climber na nga... trying hard pa. Marami ka pang dapat matutunan. Please lang. Ayusin mo. Matuto kang gumalang sa nakatatanda.

Okey?

Sabado, Enero 15, 2011

bored si lolo

Nabuburyong na ako. Kelangan ko na ng bagong trabaho. Buti sana kung pwede pa ako sa pagkokolboy kaso sa tanda ko ng to baka ipapulis pa ako.

Nung umuwi ako galing ng amerika bumili ako ng taxi para mapaglibangan ko sana habang nandirito ako, nalilibang na kumikita pa. Ang kaso palaging pumapalya yong makina ng taxi, sekendhan lang kasi yun. Hindi nagtagal binenta ko din.

Gusto ko sanang pumunta ng baguio, matagal ko nang balak yun kaso sobrang lamig daw dun baka di kayanin ng tuhod ko. Mahina ako sa lamig. Di ba nga minsan inattempt kong pumunta dun ang kaso sa ibang lugar yong napuntahan ko. Nagkaletse letse ang biyahe ko.

Kanina nga pala sa dala ng kaburyongan ko, namalengke ako. Aminado akong baliktad ang isip ko at tumatanda na akong paurong e kasi naman kung kelan palubog na ang araw saka ako namalengke kung kelan lutaytay na ang kangkong ni nene. tsk tsk tsk. So yun bumili ng kelangan itambak sa ref, bumili ng gulay, prutas, karne at isda, bumili na rin ako ng hotdog baka sakaling magustuhan ko na pagtapos ng ilang dekada.

Nung pauwi na ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sayang matagal ko pa naman tong hinintay. Gusto ko kasi yong feeling na nasa bahay lang ako habang umuulan tapos nagpapatugtog ng smooth jazz. Ang simple lang pero matagal ko nang hinihintay yong pagkakataong yon. Ang kaso, nasa palengke ako. Shit.

Tumila na yong ulan nung matapos akong makapamili at makauwi ng bahay. Sayang.

Tiningnan ko yong garden sa likod, bagong landscape ko lang kasi yun kahapon. Patay dahil sa lakas ng ulan nasira. Okey lang atleast may pagkakaabalahan ako bukas ng umaga.

Nagluto ako ng arroz caldo. Naparami ata, ang akala kong isang cup na sakto lang sa akin pupuwede pa ata sa buong baranggay. Pasensya na first ko lang, kung alam ko lang ready to cook champorado na lang sana. Ako lang naman kasi mag isa.

Haay, nabuburyong pa ako. Pero ang totoo, malungkot lang talaga ako.

Huwebes, Enero 13, 2011

nagpamasahe ako. ahhh ganito pala ang hilot pinoy.

Lumabas ako ng bahay kanina. Gusto ko kasing pag aralan ang airsoft gun kaya sinadya ko ang starmall sa shaw para magcanvass. Matapos kong magtingin tingin e napag-isipan kong maglakad lakad muna, nakita ko tong isang spa...pinoy spa ang pangalan. Sinilip ko walang masyadong tao. Sinilip ko ulit, hmpp wala masyadong naggagandang babae. Sinilip ko ulit, hmmp parang walang magandang serbisyo. Sinilip ko ulit, pumasok na ako.


Hilot Pinoy! uy bago to ah, matry nga.
Miss isa nga. (parang bumibili lang ng kendi?)
Isang oras po ba?
Oo ganun nga.
Ito oh (sabay turo sa hilot pinoy.)
Lalaki o babae po?
ummm.. kaya ba ng babae yun?
kaya naman po.
Sigurado ka?
opo kaya ko po.
ha? ikaw na? (nagulat na may halong pagtataka)
Opo. (napahiya ko ata kaya yumuko na lang sya)
ok sige. (nanlumo naman ako. frustrated. ang inaasahan kong cake e otap lang pala.)
Sige po sandali lang ho.
Bukod sa maganda nyang buhok e alam kong maganda din ang ugali nya. sayang naman ang kanyang mukha na ginawang boarding house ng tigyawat at blackheads. Isa na lang no vacancy na.


Kahapon pa masakit ang tuhod ko at maging ang likod k o. Iniisip ko lamig lang to. lamig lang to. lamig lang to. Kapag nararamdaman ko na kasi e otomatik binibigkas ko ang mahiwagang mantra at kumakanta. pain pain go away come again another day...


Nung nasa loob na ako nung cubicle. Hindi ako mapakali. Habang may ginagawa sya, nagseseremonyas pa ata e ako naman tong balisa. Nauutot kasi ako. Dyahe naman kung iutot ko bigla at marinig pa sa kabilang kwarto na dingding na kahoy lang ata ang pagitan, walang bubong kaya maririnig mo ang himagsikan (no pun intended).


Kanina pa gustong makawala tong masamang hangin na to pero dapat unti-untiin ko, nasa etiquette of fumigation yun at parte yong ng social responsibility ko. Hindi ko lang maisip kung papaano ko ibubulalas tong potanginang utot na to. Hala ipit dito ipit doon. Inuonti onti ko. pot.pot.pot.


Sir okey lang po kayo?
Ahhh... (butil butil na pawis na ang nasa noo) ... oo okey lang ako. Pagsisinungaling ko.
Isinubsob ko na ang mukha ko sa maliit na butas ng kama pero balisa pa rin ako.


shukk. shookk.. shuuk... Mga palad na nagkikiskisan gamit ang aromatic oil.
Una nyang minasahe ang paa ko. Shit nakikiliti ako. Magkahalong sensasyon na ang nararamdaman ko. Isang nauutot at isang nakikiliting nasasarapan. Parang the clash of heaven and hell. Wag naman ho sanang big bang.


Mabigat at may hagod pala itong hilot pinoy na to. Pero okey lang masasanay din.
Hagod dito. Hagod doon. Lamas dito. Lamas doon. Pati pisngi ng pwet ko hindi nya pinalampas. Pero okey lang iniisip ko pa ring ahhh.. ganito pala ang hilot pinoy.Nang bigla nyang dinaganan ang pwet ko. Poooooooottt. Yun na. Nagkaalamanan na. Bumakas ang langit, itinakwil ang masamang hangin, nilamon ng impyerno at naghasik ng lagim.


Dead air.
Oooops sorry kinakabag ata ako dahil sa aircon nyo. Malakas ata kasi masyado. Pagsisinungaling ko.
Okey lang sir normal lang po yan, baka lamig lang po yan ng katawan nyo.
(May evaporation process palang nagaganap sa katawan ko. Ang lamig nagiging hangin. Okey na rin yun kesa sa condesation)
Pero gusto ko ang segue ni nene. Euphimistic ang pananaw at walang keme. Tumawa na lang kami pareho. So okey na ako. Nailabas ko na ang dapat kong mailabas. Kumusta ang amoy? odorless naman. Parang baygon lang, water-based.


Sa bawat hagod nya e medyo nasasaktan na ako. Napapa-ahhhhhh ako. Akala naman nya e nasasarapan ako. Pero maling mali sya kasi sa bawat hagod ng palad nya napapaigtad ako sa sakit. Hindi ko naman makuhang magtabi tabi po at excuse me iha masakit ang masahe mo, kasi ako na nga tong may atraso kanina ako pa ang nagrereklamo. Iniisip ko na lang... fair usage policy ito. okey fine.


Nung nasa likod ko na ang pagmamasahe nya, kinakabahan ako. Madaming thoughts ang pumapasok sa isip ko. Baka kasi mastroke ako bigla tapos isugod sa hospital na nakalabas ang dila at dilat ang mga mata, sobrang nakakahiya yun. Isang matanda patay dahil sa mga sadistang kamay. Oh no! Ayoko nun. Kaya pinipilit ko pa ring kayanin kahit medyo masakit, mali kahit masakit talaga.


Umokey naman ang pagmamasahe nya nung nasa kamay ko na ang paghagod nya. Masarap naman. Ahhh ganito pala ang hilot pinoy. Sige go lang.


Fast forward. Matapos ang kalahating oras e bigla syang tumayo. Nagtaka naman ako kasi bakit ambilis. Pero maya maya tinapakan na nya ang likod ko. Napa aray ako. Oo masakit sya. Walang halong biro. Hindi katangkaran yong masahista pero hindi rin sya kapayatan kaya mabigat talaga kung tatapak sya sa akin lalo na kung walang paalam.


Sir okey lang po kayo?
Oo okey lang ako. Nagulat lang ako. Muli kong pagsisinungaling.
Mas nakakahiya naman kung aayaw ako at tatanggi. Para ko na ring sinabing hindi ako lalaki. Kaya kahit masakit go pa rin ako. Okey lang tapak tapakan ang katawan ko wag lang ang pride ko. Bahala na kung saang hospital ako madatnan ng anak ko, may health insurance naman ako. Patuloy ko pa rin isinisiksik sa isip ko...ahhh ganito pala ang hilot pinoy.


Akala ko yong pagtapak sa likod ang hardcore na, hindi pa pala. Meron dyang mag-i-squat ka saka ka pipilipitin, meron patatagilirin saka susuntok suntukin.Merong pipilipitin ka saka ka bibinatin. Kung anong kahabal habal na pinaggagawa sa katawan ko.Dyoskopatawarin. Basta kung iisipin ko isa syang death defying stunt. May halong sakit pero nakakaginhawa naman sa pakiramdam. Di ko alam kung totoo yong nararamdaman ko o isang pyschological ek ek lang.


Matapos ang isang oras na pakikpagbuno. Nahimasmasan din sa wakas ang masahistang violence guru. Natuwa ako.


Sir okey na po. Kukuha lang ako ng hot towel pamunas nyo.
Ah ok sige.
Pumunta ako ng counter saka nagbayad. Nag abot ng tip at iika ikang umalis ng spa. Ang akala kong matutugunan na sakit ng katawan ko e nadagdagan pa pala. Pasensya na, adventurous lang si kuya. ahhh ganito pala ang hilot pinoy.

Miyerkules, Enero 12, 2011

ang kj nyo!

Nag crash yong internet ko last week. So ang siste kapag gusto kong mag internet islash manood ng porn e tumatakbo ako sa malapit na computer shop mula dito sa bahay ko, saving grace ang role namputsa.

So yun, pag may kelangan ako ng iemail na medyo mahaba habang bolahan e pc ang kelangan ko hindi na kasi kinakaya ng telepono ko, isa pa kelangan may pictures na kalakip malay ko ba kung paano maglagay ng picture sa email gamit ang teleponong to.

Pagkatapos kung magemail at pasadahan ng konti ang facebook na yan e nagbubukas ako ng mga nakakakiliti-sa-matang site. Yong minimal lang ang parental consent ang kelangan. Hindi masyadong bastos at kahit papanu e may demurity pa ring nalalaman; katulad ng youporn, redtube, xtube, porntube, xxxhot, clittube... mga ganyan, di ba kahit panu hindi masyadong bastos?

One time, hindi...kahapon lang pala to. Nagbrowse ako ng ganyang site. Enjoy na enjoy ako. Kulang na lang lamunin ko yong buong monitor sa mga nakikita ko. Hala sige browse, browse, browse. Nang biglang lumapit sa akin yong nagbabantay. Edad bente anyos, nakasimangot at nakakunot ang noo. Baklita.

"manong bawal po yang bina-browse nyo baka ho pagalitan ako"

Napahiya ako islayt.

"manong talaga? pasensya na pero kusa na lang syang nagpop-up"

"Pano pong pop up yan e marami po kayong nakaopen na tabs"

'tanda tanda na malibog pa" bulong nya.

Dun na. Kahit mga binatang lalaki lang yong naroon kasama ko sa shop na naglalaro ng plants vs zombie e hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya sa kanila.

Wala akong lusot sa tab na yan. Tumayo ako at nagbayad. Lumabas ng shop na may sama ng loob.

Gusto kong pagbabatuhin at pagsisigawan ng... Ang ki-kj naman nyo! tapos tatakbuhan kaso natakot naman ako, baka habulin ako ng mga brgy tanod akalaing tinakbuhan ko yong renta ng pagdo-DOTA ko. Mas nakakahiya yun.