yong mahulog ka sa overpass ng starmall papuntang megamall. nagpagulong gulong. yong akala mong okey lang ang lahat sa kabila ng mga nagmamadaling empleyado ng sm at opisina sa ortigas.yong akala mong hindi ka aagaw ng eksena. yong akala mong sa kabila ng unos e pwede kang bumangon muli ng nakataas ang noo. pero mali ka.
at dahil nga sa wala kang kaibigang kasama na pwede kang pagtawanan bilang pampalubag-loob man lang. at may kasama ka sa kahihiyang nagawa. sense of compassion ba. ang kaso wala. wala. as in wala.
at ang inaakala mong tawa mula sa nakakita ay isang masakit na taas ng kilay ang kapalit na para bang ang ibig sabihin ay napakalaki mong tanga.
it hurts you know.
2 komento:
nagkamali ka sa pag-akala hahaha..
okay lang yan.. tomorrow is another day hehehe..
;)) :D
pasensiya na pero parang hindi masikmurang i-imagine ang paggulong-gulong mo pababa ng overpass, mang poldo. parang mauutot ako pag sinubukan ko.
Mag-post ng isang Komento