wala akong magawa. wala na akong trabaho para pagkaabahalahan pa. wala na rin akong sweldo. walang pera. walang pera. walang bisyo. walang bisyo mag lalong tatanda. punyeta.
gusto ko sanang balikan ang gardening pero wala na ang tools ko. gusto ko sanang maglaro ng golf pero nahiram na ang mga clubs ko. gusto ko sana magbiking kaso masakit pa rin ang tuhod ko. punyeta.
kahapon, tinawagan ko si trisha, anak ko.yayayain ko sanang gumala papuntang dibisorya para bumili ng ilang panregalo, pero naalala ko na sa kanya pa lang pala kulang ang budget ko.so instead of divisorya e nagpakakonyo ako kunwari, niyaya ko syang mag-mall sa shangrila para magwindow shopping.
umoo naman after an hour lang daw tapusin lang nya ang ginagawa nya. naghintay ako sa labas, sa fish & co.
pero namuti na ang mata ko wala pa rin ni isang anino nya. namuti na ang buhok ko at namawis na ang betlogs ko, wala pa rin sya. nagkataon namang di ko dala ang telepono ko kaya pinagpilitan ko sa sarili ko na okey lang, darating din sya. magdadalawang oras na pero wala pa rin ang magaling kong anak.sakto namang nakita ko ang isang kakilala. kinapalan ko na aking mukha, nakitawag ako sa telepono nya.
fast forward. nalaman kong nasa shangri la makati ang magaling kong anak at hindi sa edsa. in short hindi kami nagkaintindihan. anlabo nya pre kahit kelan.
moral of the story: laging magdala ng cellphone at bottled water. cellphone para may mapaglilibangan ka. tubig para may mailagay ka sa sikmurang nagwawala.
3 komento:
nabigla ako sa post na 'to ser.
ang alam ko kasi, kaedaran lang kita at ang "mang poldo" na pseudonym mo eh walang kinalaman sa'yo at sa edad mo at pseudonym lang talaga siya. pero anakngtitengmaugat, may anak ka na pala? di nga?
base...
natawa nmn ako sa anak mo at sau. hndi lng tlga kau nagkaintindihan.. hehehe.. ryt ka.. sa sunod dala ng telepono para sa mga ganyang usapan....
p.s
ang ganda nmn ng christmas tree.
ang tutyal.. gumugolf.. larong pang mayaman.. masakit ang tuhod? hmm sign of aging? im not sure.. di ko pa kase nararamdaman yang mga bagay na yan eh..
telepono.. yan ang isa sa mga dapat na HINDI kalimutan kahit san ka magpunta.. kahit sa CR lang ng bahay mo (oo na.. OA na kung OA) basta dapat dala-dala yan.. di natin alam kung anung emergency or aberya ang mangyayari mainam na ung laging handa..
DIVI? kahapon errr kagabi pala.. kagabi lang nasa divisoria kami ni insan arvin na blogger din.. wala lang naishare lang hahahaahaha
Mag-post ng isang Komento