Biyernes, Disyembre 10, 2010

saan ako nagkamali?

alam mo yong pinamasakit na bagay na pwedeng mangyari sayo kapag wala kang kaibigang kasama...


yong mahulog ka sa overpass ng starmall papuntang megamall. nagpagulong gulong. yong akala mong okey lang ang lahat sa kabila ng mga nagmamadaling empleyado ng sm at opisina sa ortigas.yong akala mong hindi ka aagaw ng eksena. yong akala mong sa kabila ng unos e pwede kang bumangon muli ng nakataas ang noo. pero mali ka.


at dahil nga sa wala kang kaibigang kasama na pwede kang pagtawanan bilang pampalubag-loob man lang. at may kasama ka sa kahihiyang nagawa. sense of compassion ba. ang kaso wala. wala. as in wala.


at ang inaakala mong tawa mula sa nakakita ay isang masakit na taas ng kilay ang kapalit na para bang ang ibig sabihin ay napakalaki mong tanga.


it hurts you know.

2 komento:

YanaH ayon kay ...

nagkamali ka sa pag-akala hahaha..

okay lang yan.. tomorrow is another day hehehe..

;)) :D

Lio Loco ayon kay ...

pasensiya na pero parang hindi masikmurang i-imagine ang paggulong-gulong mo pababa ng overpass, mang poldo. parang mauutot ako pag sinubukan ko.