potangina. december na. ambilis ng panahon at oras. magkakagastusan na. pag ganitong panahon nagiging makasalanan ako. tinataguan ko kasi ang bulto bultong inaanak ko. napakadami nila laban sa nipis ng wallet ko. hindi ko lang maintindihan kung bakit kinukuha ako ng mga kumpare ko bilang ninong ng mga produkto ng kahalayan nila.
Hindi ako makatanggi dahil grasya daw ang pag nininong.
sa dami ng aking inaanak di ko na sila mabilang pa. meron isang pangyayari na di ko makakalimutan, nakasalubong ko sa mall ang isang binatilyo.nakacostume ang gago. japorms at kewl. nagsisigaw sa toy kingdom kung saan nakita nya akong tumitingin ng mga laruan. ninong! ninong! ninong! at papalapit sa akin. kinabahan ako di dahil di ko sya matandaan kundi sa kanyang hitsura. natakot ako sa hitsura nya kasi nakasuot pang anime sya. nagkocosplay pala ang gago.
so ayun konting kwentuhan. konting kamustahan. at dahil dun nawalan ako ng halos P 12,000.00 sa maikling oras lang dahil sa lintik na PSP na yan, pambayad daw ng utang. binilihan ko naman pero di ko maatim na isang maliit na gadget na yan e pagkamahalmahal pala. Mula nun, di ko na ginawang tambayan ang toy kingdom.
5 komento:
haha... naku! ang malas naman ng araw na yun. tsk.tsk.
para ka naring inambush. :)
Kuya, para maalala mo silang lahat. pde kayung gumawa ng isang photo album. kumuha ka ng tig-iisang litrato nila saka naka sulat sinong magulang nila. memorize mo lang twing dec. hahaha.
pde narin yun.
para malaman mo sinong pag tataguan mo. :)
hahaha. nadale ka dun....
sa sunlod pg my lumapit sau takbo k n lng....hihihi
anakngtitengamaugat! napakagalante mong ninong!
ninong ninong ninong, namamasko po! pwede na xbox sakin. \m/
mano po ninong. XD
siguro mabait ka talaga
saka galante
kaya ikaw lagi ang napipiling ninong :))
totoo yun!
wag mo tanggihan
kapag lumaki na yang mga inaanak mo
sila naman ang magbibigay sa iyo
;)
.xG
Mag-post ng isang Komento