matagal natingga tong blog ko. for the past two weeks e nagmuni muni muna ako.nagbakasyon ako kasama ang unica hija ko sa davao at cebu. dala ang ilang damit. lumarga kami papuntang timog na walang kaabog abog. travellers kuno ang drama naming mag ama. wala kaming ni isang gadget na dala. walang laptop, camera, cellphone, ipod at mga checheburecheng bagay na gumagasta lang ng enerhiya. ayos naman. yun ang usapan namin mag ama. okey payn wateber. wala namang mawawala di ba? less gadgets less headaches.
masasarap ang mga pagkain lalo na ang street foods pero hindi ako makapaglandi dahil kasama ko ang aking anak. istrikto. sayang daming naggagandahang babae pa naman lalo na sa davao city .
masasarap ang mga pagkain lalo na ang street foods pero hindi ako makapaglandi dahil kasama ko ang aking anak. istrikto. sayang daming naggagandahang babae pa naman lalo na sa davao city .
kumain. maglakad lakad. kwentuhan. matulog. magswimming. uminom. (may bago akong paboritong alak yong tanduay ice.ayosss). partee partee. ganun ang naging buhay namin sa loob ng halos dalawang linggo. okey ang bonding. okey syang kasama. walang kiyeme ika nga. wala akong masabi. okey sa olrayt. at ang gastos sagot nya. ang swerte swerte ko talaga. Hahaha
nitong bago magchristmas na lang kami umuwi. naisip naming sa lolo't lola nya na lang kami magchristmas. nasurpresa ang lahat. maging ako. hindi ko kasi aakalain na magkakasama sama ulit kaming mag anak sa harapan ng noche buena. dumating din kasi yong nanay (dating asawa ko) ng aking unica hija. sama sama kaming nagsimba at lumapang ng noche buena. masaya naman ako pero mas bakas sa mata ng aking anak ang kasihayang nadarama. yon na daw ang pinakamasayang pasko nya pagkatapos naming maghiwalay ng dating kong asawa. regalo na daw yon sa kanya. humirit ako akala ko ipad ang gusto nya. kahit wag na daw basta magsama sama lang kami mula ngayong pasko hangang bagong taon. swak na swak na. pumayag naman kaming mga magulang nya. regalo na yun di ba? less ang gastos di ba? hahaha
this week balak naming tatlo pumunta ng singapore. ipagshoshopping ko daw silang magina. eh kung shopping ang usapan kahit milya milyanglakaran yan sa kanila e okey lang. joskolord sana hindi ako sumpungin ng aking rayuma. o sya yun na lang muna. nagtry lang ulit akong magcomputer baka kasi nalimutan ko na. ahihihi.
2 komento:
hindi ko alam kung ano ang ikokomento ko.. may isang parte ng buhay ko ang nasaling sa post mo. but im really glad you had a meaningful christmas with your family.. were u able to visit tops sa cebu? wat about samal island sa davao?
happy new year mang poldo!
pareho tayo. matgal rin natinga ang blog...ok lng yn at lest may bonding kayo. ang importante ay ang kasiyahan ng bata.:)
Mag-post ng isang Komento