sa mga ganitong klase ng panahon ang mainam na pag-eeksena ng piniritong tuyo at sinangag na pinartneran pa ng kamatis konting patis at sili. isang napakaespesyal na hapunan sa ilan lalo na ako. matagal na akong di nakakatikim ng tuyo, mga dalawang araw na.haha. pero ang totoo nyan e paborito ko naman talaga ang tuyo. dito kasi sa bahay maliban sa akin eh yong pusa din ng kapitbahay namin ang mahilig sa tuyo. kaya kung hindi ako atakihin ng highblood eh sakit naman sa bato ang aabutin ko.
minsan nagdala ako sa opisina ng tuyo. meron kaming oven toaster. bumili din ako ng mantika sa ministop. kinatanghalian agad kong isinalang yong tuyo sa toaster para iluto. maya't maya pa akala ko sa pantry lang mangangamoy yong tuyo. hindi pala. nangamoy kundi buong floor ng building namin. buti na lang sabado. nagreklamo islash komento lang yong guwardya sa kabilang opisina kaya ko nalaman na abot hangang dun ang amoy.
nung mga oras na yun hindi ko aakalain papasok pala ang boss ko. eh pihikan. ayaw ng amoy ng tuyo. pero with all the composure sa katawan eh masaya nyang tinanggap na nagluto ako, nag smile pa nga eh. pero deep inside alam kong gusto nya na akong ibitin gamit ang takong nyang 5 inches ang haba.
mabalik tayo. si manang at si letlet pala hindi fan ng tuyo. mas fan sila ng tender juicy hotdog. arte?
at bakit ko naisipan gumawa ng entry para sa tuyo. ewan. basta ang alam ko swak na swak yun sa maulang panahon tulad nito.
disclaimer: ako na ang natutuyuan ng utak.
Martes, Setyembre 27, 2011
Lunes, Setyembre 26, 2011
good morning sa inyooooo!
antagal kong nawala. sorry naman. bigla ko lang naalala kanina na may blog pa pala ako. para akong sinapak at sinabihang uy kupal may blog ka pa anong itinutunganga mo dyan!
kaya ito kahit wala akong maisip na isulat, magsusulat pa rin ako. ayos din naman pala ano nakakaexercise ng mapurol na utak.
nakikinig ako ng radyo ngayon. may bagyo pala. kaya pala ganito ang bumukas na umaga sa akin paglabas ko kanina.magdya-jogging sana ako kaso yun nga maulan saka ayoko maputikan ang bagong kong rubber shoes. hehe. pero higit sa anupaman mas masarap partner-an yong ganitong klase ng umaga ng isang mainit na kape.
<enter LSS song NESCAFE SWEET N MILD>
"goodmorning sa inyo .sweet and mild ang kasama ko tamis na iyong hatid umaga'y walang pait!"
sa totoo lang kay letlet ko unang narinig yan. kakantahin nya sabay iikot. anumang oras kakantahin nya yan pag naaalala nya. at mas mahaba pang linya ang kinakanta nya, memorize. nalaman ko lang na may ganung kanta pala nung minsang manood ako ng tv. pinalabas yong commercial na yun kaya ko na-confirmed.
pero stick pa rin ako sa kapeng ako mismo ang nagtimpla tsaka dun sa paborito kong tasa. oo may laang tasa para sa kape ko sa umaga. mas masarap kasi magkape pag sa paborito kong tasa. pero wala na sigurong sasaya pa kung kasama ko sya, yong taong mahal ko. ay naku aga aga ang emo emo ko.haha.
minsan pala kahit anong pait ng buhay, o ng kape...pipilitin mong maubos yan, pipiliting malunasan ang mga problema habang mainit-init pa. kasi kung lalamig na mas lalo mong mararamdaman yong pait, yong problema. wag nang patagalin pa kung alam mong sa huli e masusulosyunan rin naman. ganun nga siguro ang buhay but in the end it is still a good morning after all, umuulan man o bumabagyo kelangang tanggapin kung anong ibiniyaya. maswerte ako o tayo na kada umaga kahit anong pait ng kape alteast buhay na buhay tayo. i-enjoy lang yan kasi maya maya darating ang tanghalian at mga ilang oras pay ang pagdapit-hapon naman.
ganun nga siguro ang buhay. minsan matamis. minsan mapait. maswerte ka na kung may krema ka pa kasi ang fundamental na sangkap ng kape na alam ko ay ang mismong kape at asukal saka mainit na tubig. parang buhay nga talaga. nabubuhay tayo nang ayun sa ating panlasa.

Huwebes, Setyembre 8, 2011
buwaya
alam kong ako na ang pinakahuling nakaalam ng balita tungkol dun sa 21-talampakan na nahuling buwaya. anlaki nun. nai-imagine ko kayang kaya at effortless kung sumagpang pala ng isang tao, o kahit ng isang baka pa. ayun sa balita ito na daw ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo. malamang.
naa-amazed pa rin ako kung paano napanatili yong habitat ng mga buwaya sa lugar na yun (agusan del sur) sa loob ng mahabang panahon, kung tutuusin sa unti unting pagdami ng tao hindi malayong nagagambala yong wildlife. nagkakaroon ng thin line between human welfare at wildlife. na-haharass sila sa polusyong o consequence dulot ng global warming, ng expansion, ng deforestation at ang malawakang paggamit ng virgin coconut oil. joke lang yong panghuli.
naisip ko, kung magkakaroon lang ng matibay na programa ang gobyerno para sa wildlife hindi magkakaganito ang mga hayop sa kagubatan. ang kaso mo sa denr pa lang may mga ganid animal na! sa wild life pa kaya?hindi ko alam kung matutuwa ako na nahuli yong 21-talampakang buwaya. stressful tumira sa isang lugar na bago lang sa kanyang mata. lalo pa kaya kung gawing tourist attraction yong kawawang buwaya. ayoko naman sabihin na pakawalan na lang sa wildlife pero kung may matibay na programa lang ang gobyerno laan para sa ganitong klaseng hayop hindi tayo magkakaproblema. may lugar para sa mga hayop at may lugar para sa mga tao, walang pakialaman.
hindi rin ako magtataka na sa ganitong sitwasyon yong mga ganoong klase ng hayop e natututo na ring umatake sa tao, eh kasi nga di ba nagagambala yong habitat nila. at hindi rin ako magtataka na ultimo batasan hangang sa mga mumunting lalawigan eh inaatake na rin ng mga hayop, at sila na rin mismo ang nagpapatakbo, mga nanunungkulang may makahayop na paraan. ang masama pa nito bulag ang pilipino na noon pa may wala ng habitat ang mga hayop sa kagubatan, sirang sira na. lumipat ang hayop sa kapatagan, sa siyudad, sa kongreso, sa senado, sa mga lalawigan, sa bayan...nagkalat sila. nakatatakot.
sabi sa news, may isa pang mas malaking buwayang hindi pa nahuhuli, sa kaparehong lugar kung saan nahuli yong 21-talampakang buwaya.nakagagambalang ewan. pero okey na rin yun kesa sa makaperwisyo pa ng tao. hangad ko lang naman yong mabuting paroroonan kung saan sila ilalagay o ikukulong. harinawa.
ayun sa pagkakaalam ko ang life span ng mga buwaya ay nasa 50-100 years. pero yong kilala kong buwaya buhay na buhay pa rin sa kabila ng pagkakasakit. gustong gusto ko syang masilo, nasa 4'1 talampakan lang naman hindi pa rin mahuhuli. masyadong madulas. maraming kaanib.
darating din ang panahon, liliit ang habitat ng mga buwaya sa lipunan. matagal-tagal pa pero alam kong darating din yun.

Lunes, Setyembre 5, 2011
sana hindi ako magoyo
nag purchase ako ng isang item thru online. hindi naman ganun kamahalan pero kung susumahin mo e ilang burger din yun sa jollibee. binayaran ko thru paypal. alam kong malaki ang chance kong maguyo ako kasi 2days pa ang shipment nung inorder ko. fully paid na ang status. yong item na lang ang hinihintay.
at sa ganitong pagkakataon dalawang bagay lang ang hinihiling ko. una, na sana makarating yong inorder ko. pangalawa, na hindi scam yong nabilihan ko.
sa ganitong punto kelangan kong pagkatiwalaan yong instinct ko. likas sa tao ang mabait, inborn daw yun. nagiging masama lang naman ang isang tao dahil sa environment ek ek.
at kung magagantso man ako, Siya na bahala sa kanya.
sya nga pala, wag mo nang itanong kung ano yong binili ko.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)