ingredients:
sotanghon
sardinas na puti. kung sosyal ka mackerel ang tawag.
pepper.
onion.
garlic.
ginger.
1 tangkay ng celery.
asin.
mantika.
tv.
at konting skills sa pagluluto
samahan mo na rin ng konting dasal.
lahat maliban sa huling tatlong nabanggit e nabili ko lang sa sari sari store ni aleng nena, mura lang may libreng tsismis pa. minsan nga libre na yong bawang basta kindat kindat lang.
paraan ng pagluto. syempre pag sinabing bawang, sibuyas at luya isa lang ang patutunguhan nyan I-GISA. pano? dyan papasok ang role ng mantika. magsimula nang magdasal. unahin ang bawang, isunod ang sibuyas at higit sa lahat wag kalilimutang balatan. pag nagisa na. buksan ang lata ng sardinas. pakuluan ng mga 15 minuto sa dalawang tasa ng tubig. habang hinihintay ang 15 minutes pigilan ang sarili sa kakabukas ng takip. nawawala ang aroma. sa puntong ito kabilin bilinang wag bubuksan ang takip ng wala pa sa itinakdang oras. again pigilan ang sarili. wag kang masyadong excited. magdasal ka na lang na nasa tama ang ginagawa mo at tama ang pinapagawa ko sayo. hahahaha.
habang naghihintay buksan ang tv. yes kasama talaga to sa recipe. manood ng face to face. masaya sya pramis. bakit ko to sinasabi? para magkaroon ka ng ideya kung pano mo bubugbugin ang magsasabing di masarap ang luto mo. kung hindi mo trip manood. patayin na lang. sayang ang kuryente, maraming batang hindi kumakain? hahaha.
para naman maging worth waiting ang paghihintay sa 15 minutes. hiwain ang celery nang ayun sa takbo ng stock market. kung hindi mo alam hiwain nang ayun sa kaartehan sa katawan. kung walang arte sa wankata hiwain ng maliliit. kung walang celery at kung ayaw mong kumain ng celery pwede na ang onion springs. again muling magdasal, sana magwork.
add salt and pepper (dont forget to spring some on your shoulder for good luck, naks) ayun sa yong panlasa.
fast forward. ilagay na ngayon yong binabad na sotanghon. isunod ang celery kasabay ng pinitpit na luya. isabay mo na rin yong mga frustrations mo sa buhay. bitterness at daldalera mong kapitbahay. muling takpan sa loob ng 5 minuto. another round for pray.
pag kumulo na. optional kung kakainin mo agad. kung patay gutom ka, go lantakan na! kung may konting finesse ka pa sa katawan ihango ang noodles para hindi iabsorb ng noodles yong soup. i-serve ng magkahiwalay. higupin ang soup. ipakain sa aso yong noodles. joke. wag kalilimutang mag-usal ng dasal bago kumain.
yun lang. salamat.
alam ko sasabihin mo asan yong soup. nakalimutan ko kasing ihango. kaya naabsorb ng lintek na noodles yong sabaw. pero im thinking din na baka masyadong talipandas at malikot yong water molecules ng soup kaya tumakas. nag-evaporate.
enjoy! this post is brought to you by magic sarap.
3 komento:
ngayon lang ata ako napadaan dito...
dapat ser bigyan ka ng spot sa tv para sa isang cooking show... less gutom sa niluluto at more on aliw sa instruction sa pagluluto..
malamang ser kaya hindi yan masabaw eh kasalanan nung sotanghon. Wala nirelate ko lang pag sa miswa, mas madali kasi makati ang sabaw pag meron nito. :)
This! eto yun eh, bakit nag ba sa mga Cooking Shows masyadong pasweet? Dapat makatotohanan tulad nito. Pagluluto habang kaharap ang TV. Sana minsan may makaisipi nito sa mga cooking shows.
alam ko ung 10 minute cooking show na un. sabi ng mama ko di naman totoo ung pagluluto don, kulang talaga sa oras tsaka edited sya para pagkasyahin sa 10 minute.
try ko yang sotanghon mo na yan hehehe
Mag-post ng isang Komento