Martes, Disyembre 28, 2010

umeenglis ampotah?

sometimes the loneliest place ever be is your heart. such a hole of pain, grudge and hatred. lonely and yet succumbed. existing but undefined. whole but fragile.

the only way of escaping these emotions is to let go. learn to let go. learn to survive on your own. but letting go does not mean you're giving up. the universal abbreviation of it is to put on your head that there are things that do not meant to be. things that do not go on their way. acceptance matters most despite the chaotic stages of your life. thats a fact. real real fact.

be a better person despite all these challenges. you wont be any better if you are not so. smile.

Lunes, Disyembre 27, 2010

back to manila

matagal natingga tong blog ko. for the past two weeks e nagmuni muni muna ako.nagbakasyon ako kasama ang unica hija ko sa davao at cebu. dala ang ilang damit. lumarga kami papuntang timog na walang kaabog abog. travellers kuno ang drama naming mag ama. wala kaming ni isang gadget na dala. walang laptop, camera, cellphone, ipod at mga checheburecheng bagay na gumagasta lang ng enerhiya. ayos naman. yun ang usapan namin mag ama. okey payn wateber. wala namang mawawala di ba? less gadgets less headaches.

masasarap ang mga pagkain lalo na ang street foods pero hindi ako makapaglandi dahil kasama ko ang aking anak. istrikto. sayang daming naggagandahang babae pa naman lalo na sa davao city .

kumain. maglakad lakad. kwentuhan. matulog. magswimming. uminom. (may bago akong paboritong alak yong tanduay ice.ayosss). partee partee. ganun ang naging buhay namin sa loob ng halos dalawang linggo. okey ang bonding. okey syang kasama. walang kiyeme ika nga. wala akong masabi. okey sa olrayt. at ang gastos sagot nya. ang swerte swerte ko talaga. Hahaha

nitong bago magchristmas na lang kami umuwi. naisip naming sa lolo't lola nya na lang kami magchristmas. nasurpresa ang lahat. maging ako. hindi ko kasi aakalain na magkakasama sama ulit kaming mag anak sa harapan ng noche buena. dumating din kasi yong nanay (dating asawa ko) ng aking unica hija. sama sama kaming nagsimba at lumapang ng noche buena. masaya naman ako pero mas bakas sa mata ng aking anak ang kasihayang nadarama. yon na daw ang pinakamasayang pasko nya pagkatapos naming maghiwalay ng dating kong asawa. regalo na daw yon sa kanya. humirit ako akala ko ipad ang gusto nya. kahit wag na daw basta magsama sama lang kami mula ngayong pasko hangang bagong taon. swak na swak na. pumayag naman kaming mga magulang nya. regalo na yun di ba? less ang gastos di ba? hahaha

 
this week balak naming tatlo pumunta ng singapore. ipagshoshopping ko daw silang magina. eh kung shopping ang usapan kahit milya milyanglakaran yan sa kanila e okey lang. joskolord sana hindi ako sumpungin ng aking rayuma. o sya yun na lang muna. nagtry lang ulit akong magcomputer baka kasi nalimutan ko na. ahihihi.

Martes, Disyembre 14, 2010

the tale of forsaken salawal

kahapon nalasing na naman ako. whats new? pero iba tong kalasing ko kahapon. nagrent kami ng isang swimming pool sa valenzuela kasama ang barkada.nagkasayahan kaming magkita kita.umaapaw na inuman at gabundok na pulutan.kaya hindi nakapagtatakang hindi kami malasing nang halos kainuman lang si kamatayan.

eto na.nung nararamdaman ko na ang sipa ng redhorse medyo huminay hinay na ako.alam ko kasi na pag ganun senaryo na bumabaliktad ang sikmura ko.medyo umiikot na rin ang mundo ko.at ilang sandali pa lang ayun na.lasing na ako.maging ang mga kasamahan ko.

nakakatuwang isipin na pag lasing kami e may sense ang usapan.nagiging melodramatic ang moment.at nagiging melancholic ang ilan.nailalabas namin mga problema namin sa buhay.tangena pare hindi na tumatayo junyor ko.kung anu ano na nga gamot iniinom ko.tangenang junyor yan buti nga yan lang pinoproblema mo ako yong misis ko may iba nang junyor.anakngteteng bakit puro junyor ang usapan mga bakla ba kayo? pero tangena mga tol si junior ko,oo yong kaisaisa kong lalaki bakla ampotah.ilublob mo sa dram pre.ginawa ko na yan nagmumukha lang serena atsaka naaawa na ako kaya pinabayaan ko na lang kung ano gusto nya.mga tol simple lang yang mga problemang yan ako nga iniisip ko kung saan ako pupulutin bukas pag nalaman nilang nalulugi yong kompanya ko.pakamatay na lang kaya ako?gagu bakit hindi pa ngayon?tahimik lang ako.nahihiya akong i-share yong problema ko--najejebs ako.ganun ako pag nalalasing.

ewan ko ba.basta pag nakainom ako ng beer humihina ang kapasidad ng digestion ko.lagi akong natatae.pinagpapawisan na ako nun ng malagkit habang ang usapan ay painit ng painit,ako sa isang sulok namimilipit.

sa gitna ng kasiyahan bigla akong umeksit.hanap ako ng kubetang malapit.takte di ko na mapigilan.di na rin kaya ng sphincter muscle ko.shet.medyo bumibilis na ang paglalakad ko.pagiwang giwang pa.di ko na kaya.nang may nakita akong kubeta agad agad akong pumasok.ayos.

pagupo ko.pak!ilang sandali ding pigil ang aking hininga.pak. umph. ito yong pinakamasarap na bahagi ng buhay mo yong makaraos ka sa sigalot na nararamdaman mo.ito yun.pramis.

ilang minuto lang natapos na ako.pero pak! walang tubig. pak! walang tissue. pak! wala kahit anong papel.patay! at ito ang problema ko.panu ako maghuhugas ng wetpaks ko.

And I could say…adieu.

In memories of white bikini brief.

Sabado, Disyembre 11, 2010

what if?

What if I won the 741-jackpot lottery?
What will I do with the money? Will it change me?
What if I really really won the prize?
Will it make me a decade younger?
What if I really won the prize?
How will I be able to have a fancy life now?
Will it be able to get back my own broken family?
What if, what if.

Biyernes, Disyembre 10, 2010

saan ako nagkamali?

alam mo yong pinamasakit na bagay na pwedeng mangyari sayo kapag wala kang kaibigang kasama...


yong mahulog ka sa overpass ng starmall papuntang megamall. nagpagulong gulong. yong akala mong okey lang ang lahat sa kabila ng mga nagmamadaling empleyado ng sm at opisina sa ortigas.yong akala mong hindi ka aagaw ng eksena. yong akala mong sa kabila ng unos e pwede kang bumangon muli ng nakataas ang noo. pero mali ka.


at dahil nga sa wala kang kaibigang kasama na pwede kang pagtawanan bilang pampalubag-loob man lang. at may kasama ka sa kahihiyang nagawa. sense of compassion ba. ang kaso wala. wala. as in wala.


at ang inaakala mong tawa mula sa nakakita ay isang masakit na taas ng kilay ang kapalit na para bang ang ibig sabihin ay napakalaki mong tanga.


it hurts you know.

Huwebes, Disyembre 9, 2010

ang almusal at ang sekretarya.

naging abala ako kahapon. e panu kasi umaga pa lang lumarga na ako papuntang makati para makipagkita sa isang kumpare ko.mula ortigas sumakay ako ng mrt hangang ayala. ganun pala sa mrt pwede kayong magkapalit ng mukha lalong lalo na kapag peak hours.sa edad kong to ilang beses pa lang ako nakakasakay ng mrt, nung unang beses kasi ako makasakay nahipuan ako sa pwet nung potanginang mama. hindi lang ako makapalag kasi siksikan nga nung araw na yun. ang kapal ng mukha nya

nakarating naman ako ng ayala nang buo ang katawang lupa ko pero latang lata ang pakiramdam ko

nung narating ko ang opisina nya. napawow talaga ako. mas madami kasi ang bilang ng babae kesa sa lalaking empleyado, at ambabata nila. siguro nga dahil nasa travel agency sila kaya ganun na lang ang set up. stereotype masyado.

at kahit kelan talaga.late sa apointment tong kumpare kong to.pinaghintay ako ng halos isang oras.di bale sanay naman ako.nung nakita ko sya pinagmumura ko sya ng malulutong.saka ko lang namalayan nung pinaglakihan nya ako ng mata nya dahil nasa harapan kami ng empleyado nya.pero putang ina nya talaga. i cant afford to wait

so yun.usap usap.kumustahan.payabangan.may pumasok na seksing babae.olala.nakangisi ang aking kumpare.pinakilala nya.secretary daw nya.gusto kong mainggit.tinigasan ang t...uhod ko ng dalawampung beses.artistahin ampucha. nagrequest ang aking kumpare na ipagdala kami ng breakfast, yong paborito daw nya.

so nagkwentuhan ulit.matagal din kasing hindi kami nagkita.kaya ganun na lang ang pananabik namin sa isat isa.ang sagwa ng word, sabik talaga? okey fine

pumasok na yong secretarya nya bitbit ang isang tray ng pagkain.almusal kung almusal.may ilang bagay kaming pinagusapan na hindi na dapat mailantad pa sa mundo ng internet.may alam akong spa dyan pre may extra service. tae ka ayoko ng ganun pre gusto ko wholesome. gago kumakain tayo sige kung gusto mo meron naman akong alam na wholesum spa pero ang magmamasahe sa yo kasing tanda ni madam auring at kasing amoy nya. tarantado wag ganun gusto ko yong bata pa. ayoko nung dinasaur circa. sige tetext kita. sure yan pre ah. oo ako pa

tapos na kaming kumain.tapos na rin ang dapat naming pag usapan. lumapit sya sa telepono at may kinausap habang inaayos nya ang ilang papeles sa mesa nya.nang biglang pumasok ang secretary nya.tang ina talaga.box office ang ganda nya, pinipilahan. lumapit ang secretaryang seksi at bumulong sa akin.

'please take me home, sawa na ako sa hininga ng boss kong amoy longganisa' sabay kindat sa akin.na may pakagat labi pahabol pa

mukhang may magmamasahe na ng naninigas kong tuhod ah.

Martes, Disyembre 7, 2010

mekheekengpere

sa wakas natanggap ko na rin yong 13th month pay ko sa dati kong kompanya. mabibili ko na yong binabalikbalikan ko sa toy kingdom, makakapagpa-spa na rin ako,mabibili ko na rin yong running shoes ng nike. sa wakas!
pero bago pa man ako tuluyang magsaya, may isang tawag ang hindi ko inaasahan. smart telecom.punyeta.
sisingilin na naman ako. kelangan ko na raw isettle yong account ko sa kanila kundi mateterminate yong account ko. so nagschedule ako na babayaran ko na lang bukas.  good luck.
ewan ko nga ba kung bakit napakasiginificance ng pera sa buhay ng tao. kelangan dito. kelangan dyan.parang napapaisip tuloy ako na mula nung lumaki ako at tumanda e pera ang kaakibat ng lahat sa akin.
gatas ko nung bata. diaper. laruan. tuition. pangchicks. pangbulakbol. pambaon. matrikula. birtdays. lahat kelangan ng pera.
pwede bang ibenta ko muna ang katawang lupa ko para lang sa pera? sige na. pagbigyan na.
joskolord. kelangan ko lang ho ng pera. kelangang kelangan ko na (pa) talaga.

Lunes, Disyembre 6, 2010

anlabo nya

wala akong magawa. wala na akong trabaho para pagkaabahalahan pa. wala na rin akong sweldo. walang pera. walang pera. walang bisyo. walang bisyo mag lalong tatanda. punyeta.
gusto ko sanang balikan ang gardening pero wala na ang tools ko. gusto ko sanang maglaro ng golf pero nahiram na ang mga clubs ko. gusto ko sana magbiking kaso masakit pa rin ang tuhod ko. punyeta.

kahapon, tinawagan ko si trisha, anak ko.yayayain ko sanang gumala papuntang dibisorya para bumili ng ilang panregalo, pero naalala ko na sa kanya pa lang pala kulang ang budget ko.so instead of divisorya e nagpakakonyo ako kunwari, niyaya ko syang mag-mall sa shangrila para magwindow shopping.
umoo naman after an hour lang daw tapusin lang nya ang ginagawa nya. naghintay ako sa labas, sa fish & co.

pero namuti na ang mata ko wala pa rin ni isang anino nya. namuti na ang buhok ko at namawis na ang betlogs ko, wala pa rin sya. nagkataon namang di ko dala ang telepono ko kaya pinagpilitan ko sa sarili ko na okey lang, darating din sya. magdadalawang oras na pero wala pa rin ang magaling kong anak.sakto namang nakita ko ang isang kakilala. kinapalan ko na aking mukha, nakitawag ako sa telepono nya.

fast forward. nalaman kong nasa shangri la makati ang magaling kong anak at hindi sa edsa. in short hindi kami nagkaintindihan. anlabo nya pre kahit kelan.

moral of the story: laging magdala ng cellphone at bottled water. cellphone para may mapaglilibangan ka. tubig para may mailagay ka sa sikmurang nagwawala.

Biyernes, Disyembre 3, 2010

here comes the december...uber gastos na naman.

potangina. december na. ambilis ng panahon at oras. magkakagastusan na. pag ganitong panahon nagiging makasalanan ako. tinataguan ko kasi ang bulto bultong inaanak ko. napakadami nila laban sa nipis ng wallet ko. hindi ko lang maintindihan kung bakit kinukuha ako ng mga kumpare ko bilang ninong ng mga produkto ng kahalayan nila.

Hindi ako makatanggi dahil grasya daw ang pag nininong.

sa dami ng aking inaanak di ko na sila mabilang pa. meron isang pangyayari na di ko makakalimutan, nakasalubong ko sa mall ang isang binatilyo.nakacostume ang gago. japorms at kewl. nagsisigaw sa toy kingdom kung saan nakita nya akong tumitingin ng mga laruan. ninong! ninong! ninong! at papalapit sa akin. kinabahan ako di dahil di ko sya matandaan kundi sa kanyang hitsura. natakot ako sa hitsura nya kasi nakasuot pang anime sya. nagkocosplay pala ang gago.

so ayun konting kwentuhan. konting kamustahan. at dahil dun nawalan ako ng halos P 12,000.00 sa maikling oras lang dahil sa lintik na PSP na yan, pambayad daw ng utang. binilihan ko naman pero di ko maatim na isang maliit na gadget na yan e pagkamahalmahal pala. Mula nun, di ko na ginawang tambayan ang toy kingdom.