Welkam sa internet, ang tahanan ng mga henyo, guapo, feelingero, bobo, malilibog at lalo na ang mga istupido. Isang lugar para sa mga busy at at malaking espasyo para sa mga walang magawa. Welkam sa internet, ang mabisang libangan ng bawat isa!
Ang tagal ko ring nawala at ako'y muling nagbabalik. Pero bago pa man ako makabalik ilang beses ko ring pinnag-isipan kong gagamitin ko tong blogger account ko. Ang arte ko lang.
Dalawang taon. Dalawang taong pagkawala? Ayos ah. Buti nakilala ko pa rin ang sarili ko sa lagay na to. Shit lang naman. Pero kung gaano kalaki ang blogosperyo ay ganun din kalaki ang puwang ko para ako'y bumalik. Hindi nga naramadaman ng blogosperyo na akoy nawala. Isa lang akong alikabok sa Shang-ri la.
Madami ng bagong bloggers ngayon, di-kalibre. haytek. Tambay ng coffee shop, may dalang laptop. At yong iba may sariling wif hotspot. Di-ipad. At may nakasuksok pang earphone para habang nagsusulat nalilibang din sa pagkanta. Arte? hindi, dahil yon ang uso.
Ako, simpleng pagba-blog lang okey na. Walang arte arte at walang demurity, tita kung tira.Magsususlat ako, magbabasa ka. At bahala ka kung sasayangin mo ang limang minuto sa pagbabasa o may mapupulot kang aral sa wala.
"I have the simplest tastes. Im always satisfied with the best"
- Oscar Wilde
Abangan ang aking masaganang pagbabalik...tao.
2 komento:
o eh di welkam back na lang kung ganun. 'yang mga nagba-blog na yan sa mga starbucks shit, 'yan pa nga ang mga walang kwenta ang satsat sa blog. puro what i fuckin' did today, whatever fuckin' happened to me blah blah blah shit ang laman ng blog. nakakaumay basahin. pfft!
haha ayos! simula sa latest hanggang dito sa pinaka dulo natapos ko basahin ang blog mo.. medyo natutuwa ako di ko maimagine ang real na age mo at kung anu pa man..nag sesearch lang ako sa net then i found your blog I started reading at napatawa ko ng iba mong post kaya eto binasa ko lahat.. I am looking forward sa iba mo pang ipo post
Mag-post ng isang Komento