Lunes, Nobyembre 22, 2010

ang sup kong uboooood ng gandaahhh!

naaasar ako. may isang call ako na dapat i-handle ng sup ko.
Kelangan kasi request yon ng client. hurumintado si client na kesyo daw bakit
marami akong tinatanong, pinapaliwag ko naman na for verification purpose lang.
ang kasyo sabi nung matandang kausap, hindi na daw kelangan kasi may record naman na
daw sya sa system namin. Pero kelangan talaga para ma-aunthenticate na sya nga yong
taong yon.

ito na, nung ita-transfer ko na sa sup ko yong call ayaw ng nagmamagandang sup ko. bakit ko daw itatransfer kung kaya ko namang i-handle. sabi ko kung customer assistance lang kaya ko yan pero request ng caller na sup ang makausap. bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw akong makausap ng tao.
nagmatigasan ang gaga. putang ina lang talaga. sabi ko sa client sa kabilang linya. would it be okay if ill call you back, just give me 10 minutes and we will get back to you right away. ayaw ng gagong matanda. so ang sabi ko. okay, would it be okay if ill put you on hold within 10 minutes. okay daw. parang tanga lang.
so nag-uusap usap kami kung anong gagawin.ayaw talaga ng sup ko,kaya ko naman daw ihandle bakit sya pa.

iritang irita na ako. nagpapawis na ang mga betlogs ko sa kasingitsingitan ko. hayop talaga. nakikipagdiskuyon pa at gustong mauwi pa sa mahabahabang debatehan.

magte-ten minutes na pero wala pa ring solusyon. ang ginawa ko tinawagan ko yong client:
"hello, this is ruth, helpdesk supervisor of blah blah blah... i believe you're looking for a supervisor to assist you. how can i help you sir?" blah blah blah. kumalma ang matanda. nasolve ang problema. kumalma din ako sa kabilang banda.

oo tama, nagboses babae ako. parang tanga lang talaga.
at ang feedback na natanggap ko sa caller.
"you know ruth, i like your voice, so lovely". gusto kong sumigaw ng mahabang putaaaaannngggg inaaaahh!

5 komento:

eloiski ayon kay ...

hala! kung sino ka mang mang poldo! ikinagagalak ko ang pagbisita mo sa blog ko.
hindi kita maalala...
sino ka nga ba ulit?
siguro'y banggitin mo na lamang ang dati mong blog, mahihinuha ko na siguro!
hakhak!

Otli ayon kay ...

Kung ako yun magboboses jejemon na lang ako para lalong naburyong yung matanda. "3ow p0h" Hahaha.

Athena ayon kay ...

hahaha. gusto nya lng boses babae ang kumausap sa kanya.. hehehe
by the way slat sa pagdaan sa bhay ko... iadd kita sa blog list ko.. like ko yung post mo.. hehehe
or may i call you ruth? LOL... joke
peace tayo ha

Yvarro ayon kay ...

ahahaha!!! welcome to my life!!! tinawag na ako sa sari saring pangalan... may delle, isabelle, roselle, jobelle, judelle, stella, bella, haiz!!!

Lio Loco ayon kay ...

o eh isa ka rin palang call center pokpok? kung di mo naitatanong mang poldo, isa rin akong ex-puta convict. at damang dama ko ang pagkairita mo sa bisor mo. mga putangina nga 'yang mga bisor na ganiyan na ayaw i-handle ang sup call. trabaho nila 'yun tas ayaw gawin. hindi mo naman kasi e-eescalate 'yung call kung kayang i-handle ng agent mag-isa at hindi humingi ng supervisor 'yung tanginang caller. yes?