Lunes, Nobyembre 22, 2010

si matet

may kaklase ako dati na matet ang pangalan. matit naman kung tawagin ng bisaya naming guro. tipikal na babaeng estudyante sa pampublikong paaralan ang hitsura. naka-ponytail at may hairpin na hugis bulaklak. masayahing kaklase pero bobita.
seatmate ko bale sya. at dahil likas na matalino ako sa school likas din syang mangongopya. wala sa hitsura nya ang mangopya. kung pagbabasihan lang sa anyo at hitsura magmumukha akong kriminal versus sa ganda nya.

test namin nun sa english at si maam delia ang titser namin.isang napakahigpit at istriktang dragon sa buong eskwelahan. walang makakatalo sa kanya pagdating sa talas ng kilay, straight kung straight at lalo na syempre sa asignatura naming ingles sa kanya. habang mataimtim kong sinasagutan ang testpaper ko nahuli kong tumitingin sa papel ko itong si matet.pinabayaan ko na lang, understandable naman ang sitwasyon nya.

pero nahuli kami ni maam delia sa akto, at sa lahat ng pinakaayaw ng gurong ito e ang mangopya at magpakopya. lagot na. noong una deny deny-an lang ako, bakit ako aamin kung sa una pa lang wala talaga akong intensyong magpakopya, pero itong si babae kung makapagdahilan sa titser parang inupahan nya ako sa krimeng di ko naman ginawa. naging biktima ako.

hindi na pinatapos sa akin yong pagsusulit at ang mas nakahiya pa e gumawa ng eskandalo itong si madam, nag ala-merriam defensor sa pagtatalak na kesyo wag daw akong tularan dahil di maganda ang kopyahan. gusto kong gawing blackboard ang naglalangis nyang mukha.

noong araw ding yon, galit ako kay matet. nagpupuyos ng galit. galit na galit.
lunch break. lumapit sya sa akin para humingi ng sorry. hindi ko pinansin. imbes na patawarin sinigawan ko pa sya. "bakit ba kasi ang bobobo mo? wala ka bang mama at papa para turuan ka?". tumalikod sya papalayo.

masama ang loob ko sa nangyari. hangang sa magsi-uwian na.nakita kong papalapit sya pero tumakbo na lang ako.

kinabukasan.bakante ang upuan nya. nalaman ko sa isang kaklase na sinundo na pala sya ng kanyang mama't papa pauwi ng probinsya.

1 komento:

Otli ayon kay ...

Nakaka-relate ako sa kwento mo ha, may titser rin akong mukhang dragon e at meron rin ako naging kaklaseng chicks na mahinhin kala ko wise sa klase pero certified kopyadora 'pag exam. Kung ako sa'yo sana di mo na sinagawan ng bobo, sana "inuto" mo na lang, malay mo magaling pala sa kama hindi sa classroom. (HAHAHA, machismo ako)